STEVEN's POV
Andito kami ngayon ni Drei sa sasakyan. Napaaga ata ang pasok namin ah? Well, may gusto lang naman sana akong kausapin.
Dumiretso na kami sa classroom namin at anim pa lang silang andoon. Si Chloe, si Robert, Alex, Adrian(isa pa sa barkada ni Alex at Robert) at dalawa pa na hindi ko kaclose.
Binaba ko yung bag ko at pumunta kay Robert. May gusto lang akong itanong sa kanya.
Tungkol kay CJ..
May usapan kami ni Drei, sabi ko kausapin niya si Chloe. Basta tungkol sa kung anu-ano at sabi ko rin na tanungin niya si Chloe kung bakit niya kami iniiwasan.
"Bert, usap tayo sa labas." pagkasabi ko nun, lumabsa na ako. Naranmdaman ko naman na nakasunod siya sa akin.
"Ano gusto mong pag-usapan?" sabi niya pagkarating namin sa gym
"Tungkol kay CJ."
"Anong gusto mong malaman tungkol sa knya?"
"Sino ba siya? Ano niyo siya? Bakit pa---"
"Teka, isa isa lang, mahina kalaban."tapos tumawa siya ng mahina.
"Hehe, sorry." bakit ba ako interesado na malaman ang tungkol kay CJ?
"Si CJ, pinsan siya ni Natalie. Half Filipino, half American. Close kaming apat simula pa noong 1st year kami. Una naming nakilala si CJ nung nagkakilala sina Natalie at Chloe dito sa school. At dahil lagi akong kasama ni Chloe nuon, naging close ko na si CJ. And ganun din sila Chloe at Natalie. Wala akong masyadong alam sa personal info niya eh, hindi kasi siya pala-kwentong tao, tsaka hindi rin kasi ako masyadong nagtatanong sa kanya. Oh ano, may gusto ka pang malaman?"
"May tatanong pa ako. Bakit kahapon, hindi nagpapansinan yung si CJ at Natalie? Tsaka di ba sabi mo, close kayong apat nuon? Bakit kahapon parang hindi magkakilala si Chloe at c CJ?"
"Tol, gusto ko sanang sagutin yang tanong mo, pero wala na ako sa lugar para sagutin yan."
"Ano ba yun?"
"Sorry tol. Private na yun masyado."
"O sige na den. Tara na sa room." then naglakad na kami pabalik sa classroom.
***
"Okay class. Meron tayong New student." sabay pasok nung new student. Aaahh si CJ pala. WAIT, SI CJ??
"Hello everyone. I'm Christopher James Scott. I'm from America. And I transferred here for some certain reasons. That's all." psh, balik ka na sa America dun ka bagay. Teka, bakit ba ang init ng dugo ko sa CJ na ito?
"Okay Christopher, seat there. In front of Ms. Mendoza." tss.
Naglakad na si CJ papunta sa upuan niya. Pero bago siya umupo, ngimitian niya muna si Chloe. Psh, pangitingiti ka pa diyan, punitin ko yang bibig mo eh.
Pero pagtingin ko kay Chloe, NGINITIAN niya pabalik si CJ. Ay nginitian niya? Lintek! Bakit siya nginitian niya? Napatingin sa akin si Chloe, napansin niya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Pero pagkatingin niya sa akin, bigla nawala ngiti niya at biglang kumunot yung noo niya. ANO BA PROBLEMA NIYA SA AKIN? Kahapon pa siya. ASAR! Sinipa pa nga niya ako eh. Arrrrggghhh!
STEPHEN's POV
*scene pagkaalis ni Robert at Steven*
"Chloe, good morning~!" ay! Di ako pinansin?
"Huy Chloe. May tatanong ako sayo."
"Ano?"
"Bakit mo kami sinusungitan ni kuya simula kahapon?"
"Hindi kaya."
"Eh bakit mo kami iniiwasan?"
"Wala lang."
"Sino yung si CJ?"
"Pinsan ni Natalie."
"Bakit ang tipid mo sumagot? Parang ayaw mo ako kausap ah??"
"Wala lang. Wala ako sa mood eh" sabay uob sa lamesa niya
"Huy! Kinakausap pa kita eh. Huy!" sabay sundot sa braso niya pero, olats. Dinedeadma niya ako.
Hayy, sorry kuya, wala akong nakuhang sagot sa babaeng to eh. Hindi ako sinasagot ng maayos..
***FASTFORWARD(sorry kung mabilis)
CHLOE's POV
Friday na. Wooohhh! Buti nagawa kong iwasan yung kambal sa loob ng isang linggo. Well, with the help of CJ and Natalie of course. Si Robert kasi lagi kasama yung kambal. Well, wala na ako pake.
Friday... Friday na nga pala. Hayy, paano ko iiwasan ang kambal nito? Hindi ko kasama si Natalie, pati si CJ kasi pareho sila ni Robert sa basketball. Waaaahh! Paano na yun? Pareho ko pa man din silang kasama sa dalawang clubs na sinalihan ko.
Hayy, bahala na si Catwoman...
*Sa Music Room
Waaaahhh! Late na ako. Takbo na Chloe.
Pagkapasok ko sa loob ng club room, tinginan silang lahat sa akin. Naku naman!
"Good morning ma'am. Sorry I'm late." sabi ko ng makapasok na ako.
"It's okay. But next time don't be late. "
"Yes ma'am." tapos naghanap na ako ng mauupuan. At kung minamalas ka nga naman, wala ng mauupuan, maliban dun sa tabi ni Stephen. Arhgh! Spell MALAS? A-K-O. Naman ehh! Badtrip, no choice tuloy ako. Dun na lang ako tatabi. Huwag mo na lang pansinin yang katabi mo.
"Okay guys, may activity kayong gagawin ngayon. And since everyone is here already..." shet, ako na lang pala ang hinihintay kanina. Kakahiya. "The person on your left will be your partner.." oh no! Tell me i'm just dreaming! Sa left? Kaliwa yun di ba? Slow mo akong napatingin sa left ko.
"Good morning Chloe. Partner tayo ah?" At ang kapartner ko eh si Stephen. Waaahh! Ang malas ko naman. Sabay ngiti niya ng nakakaloko sa akin. Waaahh! Kill me now!
==============
bitin ba? okay lang yan.
boring ba mga updates ko? sabihin niyo sa akin kung boring na ah??
o mga silent readers, paramdam naman kayo. T_T, please??(demanding ata ako ngayon? hahaha)
Anyway, please vote and comment.
-luckgirl17 ^__^
BINABASA MO ANG
The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)
Teen FictionPaano kung ang tahimik mong high school life ay ginulo ng kambal simula nang dumating sila sa buhay mo?? At mas lalong nagulo nang magtapat sila sa iyo?? Ang pinagtataka mo lang ay kung papaano sila nagkagusto sa isang tibong nerd na kagaya mo? Maka...