Chapter 15.1

107 3 1
                                    

CHLOE's POV

"Ateeeeee~!" sigaw ni Andrea pagkapasok ng kwarto ko.

"Ano ba yan Andrea! Aga-aga nakasigaw ka diyan! Bakit ba yun?" tanong ko sa kanya

Nagpout pa tong kapatid kong to. "Ate may bisita ka. Nandun sa sala. " okay andito na siya, makakapagpraktis na. "asdfghjklqwertyui" may sinabi pa si Andrea, pero hindi ko na narinig, nakalabas na ako sa kwarto ko eh.

"Stephen, lika na, praktis na ta--" naputol ang sinasabi ko ng makakita ako ng dalawang Stephen. Ay mali, si Steven pala yung isa. Teka---

"Anong ginagawa ni Steven dito?!" 

"Ano ba Chloe! Ang aga-aga nakasigaw ka na naman!" oops si kuya narinig niya pala ako. Tss, paano ba naman ako hindi sisigaw eh imbes na isang asungot lang ang poproblemahin ko ngayong araw na ito eh, naging dalawa pa. 

"Sorry kuya." sabi ko tapos umakyat na si kuya. Tinignan ko ng masama yung kambal.

"Oy oy, ang sama mo naman makatingin." sabi ni Steven

"Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?" sabay taas ng kilay

"Sinamahan ang kapatid ko." sabi niya. Inirapan ko na lang.

"Lika na nga, praktis na tayo." at nagsimula na akong umakyat papuntang Music Room at naramdaman ko naman na sumusunod yung kambal.

**MUSIC ROOM

"Oh simulan na natin. Kunin mo na lang yang gitara diyan sa lalagyan." sabi ko sabay upo na sa harap ng organ

Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan ako ni Steven "Anong tutugtugin niyo?"

"Your Call ng Secondhand Serenade"  tss, sabay na naman naming sinabi ni Stephen. 

"Di ikaw ang tinatanong ko, si Drei." sabi niya sabay smirk.

"Sorry ha? Malay ko ba kung sino tinatanong mo sa aming dalawa." sabi ko ng pagka-sarkastik 

"Oh tama na yan. Simulan na natin magpraktis. One two three" sabi niya sabay strum niya ng gitara at pag-peplay ko naman ng keys sa organ.

STEVEN's POV

Nagstart na silang dalawa na tumugtog at kumanta. Wow, ang galing nilang dalawa. From playing the instruments down to singing. Perfect blending.

Nag-papraktis lang sila, pero may mga times na nagkakamali si Drei o kaya si Chloe kaya back from the start silang dalawa. Pero ang madalas na magkamali ay si Chloe. Nakakatawa lang kasi meron yung time na nagsisisihan pa sila kung sino ang mali sa kanilang dalawa.

At everytime na nagkakamali si Chloe, natatawa ako o kaya naman ay inaasar namin siya ni Drei kaya naman death glare ang nakukuha namin sa kanya.

Cute!

Halla! Ano yun? 'Cute?' Sino nagsabi nun??

***

"Aaaahh!! Puro nalang mali ang nagagawa natin." biglang sigaw ni Chloe at ginulo niya ang buhok niya. "Ikaw na nga muna ang magpraktis diyan. Magpapahanda lang ako ng pagkain baka sabihin niyo pang wala akong malasakit sa mga bisita, tsk! Inabot pa kami ng tanghali kakapraktis, naman!!!Ugh!" may sinabi siya pero narinig ko naman.

The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon