Chapter 8

122 7 0
                                    

( STEVEN'S POV )

*YAWN*

*YAWN*

*YAWN*

Habang naglalakad ako papasok ng school(nasa gate na kasi ako eh) humihikab parin ako. Paano ba naman kasi nakatulog ako sa bahay pagkauwi ko. Napagod ata katawan ko sa dalawang try-outs eh.

Naglalakad ako ngayon papunta sa soccer room habang hawak ang bola sa kamay ko at nilalaro. Mauuna kasi yung soccer kesa sa track and field eh.. Haay, wala ako sa mood na pumunta sa soccer ngayon.. 

Habang naglalakad ako, nakita ko si Chloe na papunta sa way papunta sa Track and Field room. Nakasimangot na naman si sungit. Tss, ampangit niya tignan pag nakasimangot siya.. Mas maganda siya kapag nakangiti..

Wait, wait---- ANO BA TONG MGA PINAGSASASABI KO?!?! Tss, makapunta na nga sa room..

Pero parang naexcite akong pumasok ng makita ko siya. Aissshh, ano ba itong pinagsasasabi ko?? I sound like gay! Brr..

*LAKAD*

*LAKAD*

*LAKAD*

Sa wakas nakarating din ako sa room na ito..Ang layo kasi nito sa gate eh. Mukhang nasa dulo na ito ng school. Tss, napagod ako dun ah!.

Pagpasok ko sa loob ng room, kumpleto na, ako na lang hinihintay.. Tss, maga early bird.

"Good afternoon sir" sabi ko

"Good afternoon. You're late but since it's first meeting today I'll let you, but next time I won't allow it anymore, ok??" sabi ni sir sa akin pagkaupo ko sa may bandang likod

"Yes, sir." arte mo. Ang aga pa nga eh.12:30 palang..Tss.

"Okay, now that everyone is here, let me introduce myself. I'm Albert Santiago. I know everyone of you know each other so let's start the election and blah, blah, blah..." hay, ang boring sana matapos na agad

FASTFORWARD

Hayy, salamat tapos na rin ang election. At pag minamalas ka nga naman, ako pa ang vice president. Binase kasi nila ang election sa performance mo nung try-out. Psh, hassle naman oh. 

Pagkatapos ng election, salita lang ng salita yung teacher about sa sport na to. Hanggang sa natapos na ang time ko sa kanya kasi pupunta pa ko sa Track and Field. Teka, bakit parang naeexcite ako pumunta sdun?? Tss, wala lang ito. Wala.

Naglalakad na ako papunta sa room namin sa TaF. Pagpasok ko umupo nalang ako sa likod. Wala naman nang upuan sa harap. Sakto naman na nakaupo si sungit sa likod at wala siyang katabi. Matabihan nga.. *evil smile*

"Hi miss sungit." pagkasabi ko nun, napalingon siya sa tabi niya at nagulat siya ng makita ako. Hahaha. Nakakatawa yung hitsura niya..

"Bakit ngayon ka lang pumasok? Hala ka, late ka ano??" sabi niya na may halong pangasar

"Sira! Hindi, ganitong oras lang ang klase ko dito, 3pm. May soccer club ako eh." sabi ko. Pero teka, bakit ako nagpapaliwanag sa kanya? 

"Tss, whatever." sabi niya sabay irap. Aba aba, iniirapan ako.

"Okay, I guess someone just came here. Please come in front and introduce yourself" nakita pala ako nung teacher kanina, kala ko hindi. Tss..

Pumunta na ako sa harapan at nagpakilala. Marami-rami kami dito sa Track and Field, mga around 50."Hi, good afternoon everyone. I'm Steven Andrei Fernandez. A sprinter." after kong sinabi yun, tumingin ako kay sungit at nakita kong nagulat siya kasi nanlaki yung mga mata niya eh.. Hmmm, bakit kaya?

[A/N: Eepal lang po ako saglit. Hahaha. Yung sinabi po ni Steven na sprinter is a part of track and field. Sprinter po is yung mga magagaling sa 50 meter dash, 100 meter dash, mga ganun... So yun lang po at eexit na si ako.. ^___^ ]

( CHLOE'S POV )

Nakikinig ako sa teacher namin ng biglang.....

"Hi miss sungit." sabi ng isang pamilyar na boses, kaya napalingon ako at nagulat ng bonnga sa paglitaw ni Steven sa tabi ko

"Bakit ngayon ka lang pumasok? Hala ka, late ka ano??" pang-aasar ko sa kanya. Pano ba naman late na siya pumasok, eh kanina pang 1pm ang pasok.

"Sira! Hindi, ganitong oras lang ang klase ko dito, 3pm. May soccer club ako eh." bakit siya nag-eexplain, eh inaasar ko lang naman siya?

"Tss, whatever." yun nalang nasabi ko

"Okay, I guess someone just came here. Please come in front and introduce yourself" sabi ni sir. Pumunta agad sa harap si ungas.

"Hi, good afternoon everyone. I'm Steven Andrei Fernandez. A sprinter." pagkasabi yun ni ungas eh nagulat ako. What the--!! Sprinter siya?!?! Kung sprinter ako at sprinter din siya, eh di lagi kaming magkasama sa mga practice sessions... Tss, asar naman oh.

Bumalik na si Steven sa upuan niya which is located at my right side. Nahalata ko lang ah, silang magkambal, ang hilig umupo sa tabi ko. Tss, nakakairita lang ha, kasi every monday to thursday eh katabi ko sila for the whole day, tapos pati ba naman sa mga extra-curricular, katabi ko parin sila?? 

At dahil  late nga itong si ungas, hindi niya alam na nakapag-elect na kami ng officers at buti na lang at wala ako sa list ng mga officers.. Yehey!! ^__^

Ang ginawa nalang namin buong klase is hinati na kami ni sir base sa mga speciabilities namin. At pinagtabi-tabin niya na yung mga sprinters, high jumpers at kung ano-ano pa..

FASTFORWARD

Natapos na rin ang klase at makakauwi na ako.. Hayy sa wakas. 

Nagsitayuan na kaming lahat at biglang may tumapik sa balikat ko..

"Bye Chloe" sabi ni Steven sabay kaway sa akin.

"Ok, bye." ang weird ko ha. Bakit ang lumanay ng sagot ko a kanya?? At nagwave back pa ko..Tss wala lang ito,pagod lang at gusto ko nang umuwi.

Hayy, salamat naman at weekend na, and I'll be happy because wala akong makikitang dalawang ungas na bubwisitin ako for two days.

[A/N: GUYS MEDYO MATAGAL BAGO AKO ULIT MAKAKAPAGUPDATE KASI MEDYO BUSY NA AKO STARTING NEXT WEEK. SO PLEASE, BEAR WITH ME.

LIKE THIS CHAPTER IF YOU LIKE IT

COMMENT IF YOU HAVE ANY VIOLENT REACTIONS, HAHA,JOKE LANG PO

AT MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG STORY KONG ITO.. THANK YOU VERY VERY VERY MUCH PO..^____________^]

The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon