Chapter 9

139 3 1
                                    

See Natalie on the side

=======>>>>>>>>>

Cute niya noh? Haha..^____^

===========================================================

NATALIE'S POV

"ANDAYA~~!! Hmpf, ayaw ko na kayong kalaro. Dinadaya niyo naman ako eh." sabi ko sabay hagis ng braha sa sahig

"Hahahaha, ang cute mo talaga pag naasar." sabi ni Robert sabay pisil sa pisngi ko

"Aray! Hanuba Robert, mashakit~!!" sabi ko tapos binitawan din niya agad, tapos tumawa na naman sila

"Hahahaha. Totoo nga, ang cute cute mo pag naasar." sabi din nung kambal namely STEVEN and STEPHEN

"Heh! Tumigil nga kayo. Hindi ako hayop para tawagin niyong cute!! Hmpf."

"Hahahahahahahaha" silang tatlo yan. Binigyan ba naman ako ng malulutong na tawa nila. Kakaasar na ah..

"Heh! Tumigil nga kayo at maglolaptop na lang ako, kesa makipaglaro sa inyo."

Hep hep hep, huwag kayo agad magrereact.. Totoo po na nandito po sa bahay namin ang tatlong bugok na yan namely Robert, Steven, at Stephen. Gusto niyo malaman kung bakit? Eto ikukwento ko..

*flashback

Nasa may loob ako ng kwarto ko at nanonood. Nagulat nalang ako ng biglang may nagbukas ng pinto ko ng pagkalakas-lakas.

"Good morning Talie~~ (Natalie)" uh-oh, kilala ko kung sino yun. Kasi siya lang ang tumatawag sa akin ng Talie. Lumingon ako ng dahan-dahan sa may pintuan, at nakita ko ang nag-iisang Robert Mendoza sa may pintuan ko na nakasandal at ngiting-ngiti.

Napatayo naman ako kaagad."Anong ginagawa mo dito??" tapos pumasok siya sa loob ng kwarto ko at ngayon ko lang napansin na may kasama siya.. Oh no, kilala ko rin yung mga kasama niya. Ang one and only kambal na kinaaasaran ni Chloe my friend.. "Anong ring ginawa niyong dalawa dito??" tanong ko sa kambal habang nakaturo sa kanila..

"Wala, tatambay lang kami dito." aba, at sabay-sabay pa silang tatlo sa pagsasagot sa akin ah. Ano yun? Praktisado??

"Well guys for your information, hindi po tambayan ang aming bahay. Kung gusto niyo, dun kayo sa may kanto.. Dun ang talagang tambayan ng mga tambay." sabi ko naman sa kanila

"Eh gusto nga namin dito eh..Bakit pag si Chloe ang pumupunta dito mo pinapaalis?? Pag ako eh........ Tss.." sabi naman ni Robert sabay pout.. Ano toh? Nagpapacute sa akin??

"Tss, syempre best friend ko si Chloe eh." lagi kasing tumatambay si Chloe dito eh.

"Ouch! Siya lang best friend mo?? " sabi ni Robert sabay acting pa na parang sumisikip yung dibdib niya.. Ang OA talaga nito kahit kailan.

"Hahahaha.. Tumigil ka nga diyan.. You suck at acting you know.." sabi ko sa kanya tapos tumawa ako ulit. Ang pangit talaga nito mag-acting, kahit kelan..

"Tss, sige mang-asar ka pa.." sabi niya na medyo asar na.

"Hahaha, joke lang yun, to naman di na mabiro" sabi ko naman. Ayaw kong magalit to sa akin eh. Kaibigan ko pa rin yan kahit papaano.

"Sige, papatawarin kita basta huwag mo na ito uulitin, kundi lagot ka sa akin.." sabi niya

"Ok po ^___^"

The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon