STEPHEN's POV
Partner kami ni Chloe nayon sa activity, buti naman. Kasi matagal na niya akong iniiwasan sa hindi ko malaman na dahilan. Pero ngayon, di na siya makakaiwas kasi partners kami sa activity na sinasabi ni ma'am.
"Okay, ang activity niyo ngayon with your given partner is to sing a song. Any song may do. Pwedeng duet kayo, or pwedeng isa magpe-play ng guitar while yung isa is kumakanta. Kahit ano, diskarte niyo na yan. Next week pa ang performance niyan. Kaya yung time natin ngayon gamitin niyo kung ano ang gusto niyong gawin." yun lang pala ang activity na sinasabi ni ma'am. Kala ko naman mahirap.
"By the way, performance niyo ito. Kaya galingan niyo ah? Okay, praktice na kayo." after sabihin yun ni ma'am, nag-usap na ang magkapartner. Pero itong katabi ko, deadma pa rin. Ano ba yan! Paano kami makakapag-usap para sa performance namin kung di niya ako kakausapin? Tsk!
Ilang minutes na rin ang nakalipas pero hindi parin ako kinakausap ni Chloe. Ako na nga lang kakausap dito.
CHLOE's POV
"Uhm Stephen/ Chloe" sabay naming sabi. Ano ba yan, kung kelan ko naman na siya kakausapin, saka rin siya nagsalita. Tsk!
"May sasabihin ka ba?" tanong niya. Malamang diba? Kaya nga kita tinawag eh. Badtrip, sarap barahin. =_=
"Wala naman. Sasabihin ko lang sana na anong kanta ang kakantahin natin?" yun na lang sinabi ko, pero hindi ako nakatingin sa kanya.
"Ewan ko. Ano ba ang gusto mong performance? Duet tayo o isa kakanta yung isa mag-peplay ng instrument?" oo nga, ano ba mas maganda?
"Kung isa na lang ang mag-play at yung isa eh kakanta?" sabi ko
"Ahh! Alam ko na. Pareho tayong kakanta at the same time mag-peplay ng instrument. Ayos ba?" sabi niya sabay taas baba ang kilay niya. Okay, dideadma ang suggestion ko. Nagtatanong siya, may naisip din pala. Ay parang ewan lang. =_=
"Ok lang sa akin." yun na lang sinabi ko. Tinatamad ako mag-isip ngayong araw na ito
"Sa ano kakantahin natin?" tanong na naman niya
"Kahit ano nang gusto mo, pero dapat yung alam ko din. Pero mag-iisip din ako ng kanta. Baka magreklamo ka eh." yun na lang ang sinabi ko at hindi na ulit siya umimik. At nag-isip na din ako ng kanta.
STEPHEN's POV
"Kahit ano nang gusto mo, pero dapat yung alam ko din. Pero mag-iisip din ako ng kanta. Baka magreklamo ka eh. " after niyang sabihin yun, di na ako umimik. Halata naman kasi na ayaw niya akong kausapin eh. Madali lang mahalata na ayaw niya ako kausapin kasi she is not looking in my direction. Tss. Mag-isip na nga lang ako ng kanta na kakantahin naming dalawa para sa performance.
*isip*
*isip*
*isip*
*lingon sa left*
*isi---*
Teka! Bakit ako napatingin sa left? Eh nandun nakaupo si Chloe eh. Hala! Sabi ko mag-iisip na ako ng kanta, bakit naman bigla akong napatingin sa left ko? Aaarrgghh! Focus Drei! Mag-isip ka na lang ng kanta!
*isip*
*isip*
*isip ulit*
*isip*
*ting!* Sa wakas! May naisip na rin akong kanta. Haha. Sorry, mababaw kaligayahan ko eh.
*FASTFORWARD*
![](https://img.wattpad.com/cover/1341153-288-k975903.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twins Are In Love With ME?!?!? (on-hold)
Teen FictionPaano kung ang tahimik mong high school life ay ginulo ng kambal simula nang dumating sila sa buhay mo?? At mas lalong nagulo nang magtapat sila sa iyo?? Ang pinagtataka mo lang ay kung papaano sila nagkagusto sa isang tibong nerd na kagaya mo? Maka...