Dear Ningning,
Pumunta ka na naman sa room dala ang ballpen na pinahiram ko sayo. Sinamahan mo pa ng isang chocolate bar. Ning, hindi ako kumakain ng tsokolate kasi bawal sa akin, gusto mo bang mangati ako ha? Ibinigay ko na lang kay Herin yung chocolate kaysa naman itapon ko diba? Ayoko namang ibigay kay Jeno yung bigay mo baka tuluyan ka na talagang pormahan ng lalaki na yon.