Renjun #2

226 18 40
                                    

"Puntahan mo na sa room!"

"Tigilan mo ko, Jenose! Ayoko nga muna siya makita."

"Grabe nag suggest lang naman ako Renjun tapos nadamay na naman ilong ko? Where's the justice?"

Di ko siya pinansin at binasa na lang ang kwaderno kong punung-puno ng sulat para lang sakanya. Nakakahiya bakit ba may ganito akong pakulo? Diary para kay Ningning? Tch.

"Bading."

Napabaling ang ulo ko kay Mark Lee. Nandito pala si long ass ride. Tinitignan niya ang kwaderno ko. Oh may diary ako, so what?

"Paano mo naman nasabing bading si Renjunnie, Mark hyeong? Hahahahaa"

"Chenle, ikalma mo lang yung tawa mo hahaha!"

At bakit napabisita naman ata sa room namin si Chenle at Mark? Anong meron?

"Bading daw oh! Halika nga dito, Jaemin hahahahaa!"

"Urur Donghyuck! Mark hyung, makapagsabi ng bading kay Renjun, yung girlfriend mo nga diba may diary din para sayo? Naaalala ko pa nun kilig na kilig ka mukha kang bulate!"

At ang mga sumunod na pangyayari ay pawang spg patnubay ng baba ang kailangan. Nagrambulan na kasi sila dyan habang ako binabasa ang huling entry ko na nakasulat sa kwaderno kong pula.

"Try mo kayang ayain ulit, hyung?"

"Ayoko na Jisung. Ayoko na matanggihan ulit. Ilang araw akong nagpractice para lang pala mareject?"

"Date tayo?"

"W-what?"

Napayuko siya agad pagkatapos sabihin ang mga 'yon

"Date tayo, Ning."

"Ah, Huang, may gagawin kasi kami mamaya eh! Next time na lang?"

"Hatid na lang kita sa inyo?"

"Ay no need na matatagalan kami sa pag uwi mamaya, mabored ka lang!"

Hindi na ako nagtanong ulit. Baka kais makulitan pa siya. Siguro nga nabigla ko siya, agaran ko ba naman tanungin.

Kaso...

"Ning, mamaya ha?

"Oo, Yukhei oppa puntahan mo na lang ako sa bahay! Kasama ba sila Herin?"

"Akala ko tayong dalawang lang? Hahaha pero..."

Tch!

"Lami, balik na ako sa room. Hi daw sabi ni Jeno pala. Bye!"

May biglang hinampas sa akin si Jisung kaya napatingin ako sakanya. Nang nakuha niya na ang atensyon ko ay napangiti siya.

"Hyung naman I know you can do better. Ikaw pa ba? Kung hindi mo maaya ng harapan. Bakit hindi mo kidnapin? Hahahaha! Renjunnie the kidnapper, cute ko talaga!"

Dear Ningning,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon