Dear Ningning,
Maaga akong pumasok kasi maaga akong nagising, ang totoo hindi talaga ako nakatulog kasi magdamag kang tumatakbo sa isipan ko. Nagulat ako nang pumasok ka din sa room, tayong dalawa lang sa loob ng room at kitang-kita ko ngayon ang galit na galit na mukha mo. Binato mo ko ng tatlong chocolate bar at sumigaw ng mga katagang mukhang magiging dahilan ng hindi ko na namang pagtulog ng maayos.
'Wag na wag mong ibibigay kay Herin 'yan! Sayo ko nga iniabot Huang diba? Huwag mong ibigay sa iba ang gusto kong ibigay sayo!"