Renjun #3

272 20 23
                                    

"Bumalik ka sa inyo! Sabing ako yung susundo sayo eh!"

Pang ilang ulit mo na yatang sinabi 'yan at pilit akong tinataboy palabas ng bahay niyo.

"Kainis naman Renjun eh! Hindi pa ako nag aayos oh! Ugh!"

"Bakit? Maganda ka pa rin naman ah?"

"Alam ko naman 'yon pero-- aaaah labas! Umuwi ka muna at hintayin ako!"

Hindi ko na napigilang hindi tumawa. Ang ingay niya kasi umagang-umaga palang tapos pinipilit niya talagang umuwi ako sa amin.

Napansin ko na lumabas ang isang babae na para bang inuusisa kung anong meron sa labas. Tinignan niya kami ni Ningning, "Yizhuo! Sino ba 'yang kausap mo ha? Dito kayo sa loob magrambulan at baka mabato kayo ng mga kapitbahay"

"Ma, wait lang talaga. Aalis na din naman si Renjun eh!"

Ma?

shit, si mother-in-law

"Papasukin mo na wag na kayong mag away dyan. Dali, at handa na ang almusal. Ning Yizhuo!"

Napapadyak naman si Ning at saka ako hinila papasok ng bahay nila. Maliit lang ang bahay nila pero malinis naman.

"Iho, ano ka ba ni Yizhuo?" tanong sa akin ng mama ni Ning

"Nililigawan po ako ni Ningning"

"H-ha?"

Bakit ba nagugulat sila pag ganun ang sinasabi ko? May mali ba?

Pagkatapos kong maghintay ng matagal ay inaya ako ni Ningning na kumain ng almusal. Kanina pa tingin ng tingin sa amin yung mama ni Ning. Alam kong gwapo ako pero kasi na c-conscious na ako.

"Yizhuo, nililigawan mo talaga itong si Renjun?"

"Oo nga po ma. Kanina mo pa tinatanong yan!"

"At ikaw iho, sigurado ka ba talagang paapligaw ka sa anak ko? Loka-loka 'yan ha!"

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Ningning para kasi siyang nagulat sa sinabi ng mama niya.

"Nako, tanggap ko po mga kalokohan niya. Ang totoo nga po niyan, ako po talaga ang nanliligaw kay Ning sadyang makulit lang siya."

Bigla naman akong siniko ng katabi ko, "Isa pa talaga Huang, hahalikan kita sa harap ng nanay ko." bulong niya

Ning, legit ba yan?

----
aww mukhang malapit na si Rweonjin sa last page ng diary niya ah? :(

Happy new year, guys! I love you all!

Dear Ningning,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon