"Heartless..."
Tanging mga salita na nakasulat sa sticky note na nakalagay sa desk ko.
"Ning, ano 'yan love letter?" usisang tanong ni Lami sa akin
Nilukot ko papel at inaabot sakanya, "Mukha bang love letter 'yan ah?"
"Oh chill lang grabe naman, Ningning. Kaya ka hindi pinapansin ni Rweonjin eh!"
At talagang binagalan pa niya ang pagbikas sa pangalan ng lalaking 'yon.
Kilala ko ang sulat-kamay na ito. Matagal ko na siyang gusto kaya imposibleng di ko makabisa ang mga sulat-kamay niya.
"Oh, hindi ka pupunta sa classroom nila?" tanong ni Lami
"At ano namang gagawin ko dun?"
"Great idea! Natauhan ka din, my dear friend. At pwede ba tama na ang pagkausap kay Jeno ko ha? Alam ko namang pumupunta ka dun para masilayan si Renjun, kaya itigil mo na ang pakikipagdaldalan kay Jeno, ugh!"
"Wow, inaangkin si Jeno ha? Eh kung sumama ka kasi sa room nila ha? Ginawa niyo pa akong messenger na dalawa, alam mo bang napakalayo ng room nila? Alam mo mas maganda kung ikaw na mismo pumunta at kumausap kay Jeno tutal ayoko naman na pumunta dun sa room nila."