Ningning #4

190 22 33
                                    

hoy bakit ang dilim?

"Hala bulag na ba ako? Hindi ko na ba makikita future boyfriend ko?! Tapos hindi ko na rin ba makikita yung maganda kong mukha?! Omayghad no!"

May kung anong narinig naman ako sa tabi ko na parang nasamid.

"Blindfold yan 'te"

Oo nga pala. Dahil sa pagiging loner ko kanina ay nakidnap ako. Nakidnap ako kasi tinanggihan ko si Huang at pinagpalit ako ni Lami.

"Ugh, di naman mangyayari 'to kung nagpabebe lang medyo 'yong Renjun na yon. Kala mo naman kaya na niya buto niya. Papayag naman ako eh! Aaaah!"

Tumawa naman yung katabi kong kidnapper. Luh doi kasali ka ba?

"Hoy kuya wag kang tumawa kasi pinapahayag ko ngayon yung pagkainis ko sa buto na 'yon."

Naramdaman kong tumigil ang sinasakyan namin. Katapusan ko na aaaahhh hayop ka talaga Huang Renjun!

Ramdam ko sa paa ko ang mga damo sa unang pagtapak palang. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa mga susunod na mangyayari ng buhay ko. Mukhang nalalapit na ang katapusan ko at hindi ko man lang nagawang landiin si Renjun.

Pinaupo ako ni kuyang kidnapper sa isang upuan at tinanggal ang itim na tela na nakapiring sa mata ko. Nakatalikod siya sa akin at hawak niya ang phone ko at tila may gustong tawagan.

"Sinong tatawagan mo?"

"Boyfriend mo?"

"Lul may boyfriend ba ako? 'Yong buto na yon boyfriend? Ha! Sana nga!"

Hindi ako pinansin nung kidnapper at nagpatuloy sa pagkalikot sa phone ko.

"Hello?"

"Hawak namin ang girlfriend mo!"

"Prank call? Dude, wala akong girlfriend. Busy pa ako, bye."

Urur ka, Huang Renjun.

Tinignan ko yung kidnapper ko. Hinagis niya sa akin yung cellphone ko. "Wala ka namang makukuha sa akin kasi wala namang may pakialam sa akin."

"Naawa ako sayo. Umalis ka na nga bago pa magbago ang isip ko sayo. Nasa rooftop ang mga gamit mo."

Wala palang girlfriend ha? Sabagay, ako lang naman ang nagpupumilit. Umakyat ako sa rooftop hindi para kunin ang mga gamit ko kundi para tumalon? Joke, iiyak lang ako. Ang sakit na kasi mabalewala ng mga taong mahalaga sa buhay mo.

Bawat hakbang sa hagdan ay kasabay sa pagtulo ng mga luha ko. Sabi ko crush lang naman pero bakit nasasaktan ako.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang isang lamesang may kandila at mga pagkain at sa tabi nun ang isang taong may dalang bulaklak, isang taong kayang-kaya akong sirain, Huang Renjun

Sabi na planado talaga 'to. Sa mga kilos palang ni Lami kanina. Dapat matuwa ako pero bakit naluluha ako?

"Baby?"

"Ulul wag mo kong matawag tawag na baby sabi mo kanina wala kang girlfriend!"

Lumapit siya sa akin. Kainis, ang pangit pangit ko ngayon eh!

"May powder ka ba dyan? Ang pangit ko pa eh!"

Tumawa naman siya saka ako niyakap. Hinampas ko naman ang likod niya, narinig ko pa ang daing niya sa tenga ko. Lychee, nangseseduce pa ang buto-butong ito.

"Anong problema natin? Hmmm?"

"Bitawan mo ko di mo ko girlfriend"

Tumawa ulit siya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Paano kita magiging girlfriend kung di mo pa ako sinasagot?"

"Hoy nanliligaw ka ba?"

"Pwede ba akong manligaw, Ning?"

Horri shet?!?!

"Nakakainis ka alam mo namang crush na crush kita eh aaaahhh hindi kita matanggihan hayop ka Huang Renjun! Wag mong gamitin ang weakness ko!"

"Ning, handa ka na ba kiligin?"

"Hindi pa! Kailangan ko pang ma i-apply ng mabuti ang maria clara version ko aaaah!"

Hayop na Renjun na 'to at ayaw pa ako pakawalan sa yakap niya. Halos masinghot ko na lahat ng pabango niya. Aweee! Help me mukhang ayaw tumalab ni maria clara version ko!

Dear Ningning,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon