"Huang!"
Pinigilan kong hindi mangiti dahil sa tawag niya pero ghad hindi ko na ata kaya pa!
"Huang Renjun!"
"Renjunnie!"
This girl. This girl, please stop her. Hindi ko na kaya.
Patakbo siyang lumapit sa akin. At hindi niya alam kung gaano siya kaganda habang sumasayaw ang buhok niya gawa ng hangin. Muntik pa siya matalisod dahil sa pagmamadali.
Be careful, baby.
"Hey! Omayghad, pumasok ka na rin sa wakas!"
"A-ah, yes! Pinayagan na ako ng doktor."
"Ooooh. Let's go!"
Let's go? At saan naman, magsisimula na ang klase.
"Teka lang, malapit na mag time."
"Oo nga, Huang. Kaya nga dapat natin bilisan kasi ihahatid pa kita sa room mo."
"No, ako ang dapat maghatid sayo sa room."
"Kinikilig ako Huang Renjun, wag kang ganyan umagang-umaga. Tara na, ako ang maghahatid sayo."
Hinila niya ako agad papuntang room at wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa amin.
Pagkapasok namin sa room ay bigla niyang binitiwan ang mga kamay ko at dumiretso sa upuan ng taong mukhang magiging kahati ko sa pinakagusto ko dito sa mundo, papunta siya ngayon kay Lee Jeno.
Ang masasayang ngiti na bigla na lang naglaho sa aking mukha.
Hindi ko alam kung kaya ba siya nagmadali kanina ay dahil kay Jeno?
O sadyang, umaasa lang talaga ako?