Ningning #3

203 15 25
                                    

"Lami, bakit parang kinakabahan ako?"

"Natatae ka girl? May tissue ako!"

"Gaga hindi para kasing ibang kaba eh"

Last subject na namin pero parang may mali talaga sa araw na ito. Una, si Huang na bigla na lang mag aaya na sabay kami umuwi tapos nung tinanggihan ko mukhang mas masaya pa siya. Pangalawa, yung maria clara image ko yung naapply ko kanina kasi naman hindi man lang nagpapilit si Renjun, sumuko agad papayag naman ako eh. At pangatlo, si Lami na katabi ko na parang may binabalak na masama, kanina pa tanong ng tanong ng oras eh!

"Ning, pumunta daw si Renjun dito?"

"Oo, inaya ako sabay daw kaming umuwi. At syempre dahil sa maganda ako, sabi ko hindi ako payag."

"Ay gaga bakit hindi ka pumayag? Di ako makakasabay sayo kasi sabay nga kami ni Jeno hihi"

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase at kasabay nun ang mabilis na pag alis ni Lami sabay punta sa direksyon kung saan ang room nila Jeno, hindi man lang nahiya ang gaga siya pa mismo pumunta sa room nila.

Umalis na din ako kasi wala naman akong gagawin at wala din naman akong hihintayin kasi yung Maria Clara version ko ang kumausap kay Renjun kanina at nagawa niyang magpabebe kaya di pumayag.

Lumabas na ako ng school kaso nga lang wala namang masakyan. Kung kasama ko lang sana si Huang edi sana mas happy ako na walang sasakyan kasi pwede ako mag inarte na ang tagal tagal tapos mainit tapos papaypayan niya ako? Minumura ko na talaga Maria Clara version ko ngayon hayop.

May isang itim na van ang huminto sa tapat ko. Mukha namang sasakyang ng kidnapper 'to.

Biglang bumagal ang bawat pangyayari at may isang lalaking lumabas at sapilitan akong sinakay sa van.

hayop kidnapper nga.

"Aaaaaaah tulong!"

Dear Ningning,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon