Dear Ningning,
Ang sama mo. Napakainosente ng mukha mo pero isa ka palang heartbreaker. Umupo ako sa upuan ni Jeno habang wala pa siya, nagbabakasakaling dumiretso ka naman sa akin kaso ang unang mga salitang lumabas sa bibig mo nang makita na ako ang nakaupo sa upuan ni Jeno, ang mga salitang mukhang magiging dahil ng pagbitaw ko. "Ay wala si JLee? Sige, bukas na lang ako babalik."