Elaiza Marthena's POV
I can't believe that I'm still alive after what happened last night. Tss. The hell I care. Nilagnat lang naman ako.
I checked my phone para tingnan kung anong oras na ba dahil mukhang maaga pa. Kailan pa ako gumising ng ganito kapag walang pasok?
"Seriously!?" Gulat na usal ko habang nakatitig sa phone ko. Linggo na ngayon,ala-sais ng umaga at ibig sabihin noon ay dalawang araw na akong tulog.
Kung ganoon lang din naman ang nangyari,bakit pa ako nagising? Para namang napakalaki ng papel ko sa mundong ito.
Bumangon na ako para maligo. Gusto kong magkulong lang sa kwarto ko buong araw pero nagugutom na talaga ako. Baka sa mga oras na 'to nagbebreakfast na sila sa baba kaya ayaw ko pang kumain. Lagi na lang akong ganito,hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Napatulala na lang ako sa kung saan at namalayan ko na lang ang marahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Hija,mabuti naman at nagising ka na. Gusto mo bang tawagin ko sila?" Nakangiting sabi ni Manang Lyn. Parati niya akong binabantayan noon pa lang. Halos sya na nga ang ituring kong ina kahit na alam ko namang hindi nagkulang sina Mommy sa pagkalinga sa akin. Ako lang talaga ang may problema.
"Wag na,Manang. Hayaan mo na lang po akong mapag-isa. Marami pa po akong gagawin." Tipid na ngiti kong sagot sa kaniya. Kita pa rin ang pag-aalala sa mukha nya kaya bago pa sya makapagtanong ay inunahan ko na siya.
"Don't worry Manang. I'm really okay now. Tatawagin ko na lang po kayo kung may kailangan ako." Napabuntong hininga na lang sya sa sinabi ko. Kilala nya na ako lalo na ang ugali ko kaya alam nyang kapag pinilit nya ako ay wala siyang magagawa.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Mabuti pa at kumain ka muna bago mo simulan kung ano man ang gagawin mo."
"Pero Manang,alam nyo naman pong hindi ko ugaling sumabay sa kanila,di ba? Mamaya na po ako." Mahinahong pahayag ko naman sa kanya at mukhang medyo natigilan siya. Para namang hindi sanay si Manang sa ganitong ugali ko.
"Manang? Do you want to say something?" Hindi ko na rin napigilang magtanong. I'm really curious on what's going on inside this jail. Yep,you read it right. I considered our own house as a jail--my jail
"Ela,m-mukhang may lakad sila ngayon. Halos kaaalis lang kasi nila e." Napaamang na lang ako sa sinabi nya. Great. Iniwan na naman nila ako. Parati namang ganito e,sanay na ako pero bakit may naramdaman akong karayom na tumusok sa dibdib ko? What the hell was that?
"Ah,ganon po ba? Sige po,intayin nyo na lang ako sa baba." Pigil ang luhang sabi ko sa kanya. Why am I like this? Bakit umiiyak na naman ako?
Binibisita naman siguro nila ako noong mga nakaraang araw sa kwarto ko para tingnan kung anong kalagayan ko.
Napatawa na lang ako ng mapait sa aking naisip. 'Malamang Elaiza,boba ka ba? Pamilya mo yun kaya sigurado kang may pakialam sila sayo.'
Agad kong pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko. Muli akong ngumiti ng mapait at dinala naman ako ng mga paa ko sa may study table ko. Agad kong kinuha ang isang notebook na ako mismo ang nagdisenyo. Ang kwadernong naglalaman ng mga bagay na ako lang ang makaiintindi. Medyo napatitig ako sa nakasulat sa unang pahina.
'This is my way to run away from actuality.'
YOU ARE READING
Abscond
Teen FictionQuestions everywhere. Paano ko masasagot ang mga katanungan ko kung ako mismo ay hindi maintindihan kung bakit ako ganito? I just want to be free. I want to run away from my own jail. I hope that this fckng life of mine is just a nightmare.