Exekiel's POV
Medyo gabi na rin nang makauwi ako sa bahay. Andami kasing inaasikaso sa school. Gusto ko pa naman sanang kausapin ang magaling kong kapatid.
"Ah,Manang Lyn? Nakauwi na po ba si Ela?" Tanong ko at tumango muna sya bago magsalita.
"Nandoon sya sa taas at mukhang nag-aaral sya. Pinahatiran na nga sya ng Mommy mo ng pagkain dahil hindi na sya lumabas simula noong dumating sya galing sa school." Sagot ni Manang at nagpasalamat na lang ako sa kanya at saka ko sya nginitian.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Bakit ba may pa-mysterious effect pa yung kapatid kong yun? Malaki na sya at alam kong alam na nya na magkakasakit sya sa laging pagpapahuli nyang kumain para lang hindi kami makasabay.
Sa totoo lang,hindi ko alam kung bakit ganoon sya. Hindi naman yan ganyan dati pero bakit bigla na lang atang nagbago? Wala talaga akong ideya sa kung ano man ang nasa isip nya kaya naman gusto ko na talaga syang kausapin para naman maintindihan ko kung bakit lagi syang nagkakaganyan.
Parang may sarili laging mundo.
Hindi lumalabas ng kwarto kapag walang pasok.
Kung anu-anong ginagawa.
At...
Laging gustong nag-iisa.
Mas masaya pa ata sya pag ganun e.
Naalala ko tuloy noong nilagnat sya noong nakaraang Biyernes. Napakatigas kasi ng ulo. Alam na anlakas-lakas ng ulan,naglakad pa rin pauwi dahil ayaw magpasundo. Sa akin kasi sya sumabay noong araw na 'yon. Kaya na nya raw ang sarili nya. Psh. Ayun ang ending,halos dalawang araw na tulog at napakataas ng lagnat!
Kung alam nya lang kung gaano kami nag-alala sa kanya.
Naisipan kong huwag munang istorbohin ngayon si Ela. Baka kasi marami pa syang ginagawa. At saka magpapahinga na rin muna ako para naman mabawasan kahit konti ang mga isipin ko.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Ela.
"Oh kuya. Kararating mo lang?" Sabi nya habang parang tinitingnan pa ang kabuuan ko.
"Yeah. Hindi ba halata?"
"K fine. Psh." Sabi nya at saka tumalikod. Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong pumunta sya sa may bandang kusina.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko para magbihis dahil hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito. Gusto ko na talaga syang makausap ngayon. Ngayong oras mismo. Hindi naman malaki ang oras na hihingiin ko sa kanya. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na magpapahinga muna ako.
Saktong paglabas ko naman ay nakita ko na syang nasa may tapat ng kwarto nya pero hindi pa rin nakakapasok. Nagmumuni-muni pa ata 'to e. Ano ba kasi talagang nangyayari sa babaeng 'to?
"Ela,are you busy?" I really need to talk to you,dear sister. Hindi talaga ako mapakali dahil dyan sa mga ikinikilos mo.
"Hindi naman. Bakit?" Parang nagtataka pang tanong niya dahil bahagya pang nakakunot ang kanyang noo.
"May sasabihin lang ako. Saglit lang 'to." Sagot ko at parang lalo naman syang nagtaka. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at ipinatong ang palad ko sa ulo nya.
"Tsk tsk. Saglit lang talaga yun,promise. Basta sagutin mo lang ng maayos ang mga tanong ko." Dagdag ko at wala na naman syang nagawa kaya sumunod na lang sya.
Elaiza's POV
"Tsk tsk. Saglit lang talaga yun,promise. Basta sagutin mo lang ng maayos ang mga tanong ko." Tanong...tanong na naman? Kailan ba matatapos yang sandamakmak na tanong na yan? Yung sarili ko ngang mga tanong ay hindi ko masagot,yun pa kayang sa kanya? Sana naman may sense ang mga sasabihin nya. Psh.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin. Sa mismong garden malapit sa pool to be exact. I don't know why but...I can feel his seriousness. Madalang ko syang makitang seryoso kapag kami lang ang nag-uusap kaya nagsimula na namang bumuo ng mga tanong sa isip ko.
Pesteng tanong naman kasi yan! Hindi na lang sagutin lahat para hindi na ako mag-isip!Dadagdag pa sa stress ko e. Tsk.
Lumipas ang ilang minuto at tanging mga kuliglig lang naririnig ko. Hindi pa ba magsisimula 'to sa kung ano man ang gusto nyang sabihin o sadyang wala naman sya talagang itatanong dahil pinagtitripan nya na naman ako? Yung totoo? Nagsisimula na kong maimbyerna.
"Kung isa lang 'to sa mga trip mo,Kuya,hayaan mo na akong makapagpahinga muna dahil naiinis na naman ako sayo.Lalo na ngayon at pagod ako." Ubos na talaga ang pasensya ko. Kahahakbang ko pa lang at hindi pa ako nakalalayo sa kanya ay natigilan na agad ako dahil nagsalita na sya. At masyado talaga syang seryoso!
Ano bang nangyayari dito sa kapatid kong 'to!?
"Ela..." Talagang seryoso sya sa pagkakatawag nya sa akin kaya kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad. Hindi ko maintindihan pero parang alam ko na kaagad ang gusto nyang sabihin.
"What do you need,Kuya?" Sumeryoso na rin ako dahil ayoko sa lahat ay pinag-uusapan ang mga bagay na napapansin nila sa akin.
Yes,ayoko talaga. Masyadong akong sensitibo pagdating sa mga ganoong bagay. Kung bakit ay hindi ko rin alam.
"I want to talk to you."
"Oh c'mon Kuya. We're talking already. Hindi ba pag-uusap ang tawag dito?" Napaamang na lang sya sa isinagot ko sa kanya at tumingin sa malayo bago muling ibalik ang paningin sa akin.
"Yung usapang matino,Ela. Yung seryos—"
"Seryoso naman tayo pareho,hindi ba?"
"Ela please! Makining ka kasi muna!" Tila naubos na ang pasensya nya kaya nagtaas na sya ng boses. Well,wala naman sa akin 'yon. Sadyang ganyan lang sya dahil napaka-ikli rin ng pasensya nya.
"What do you want to talk about?" Diretsang sabi ko sa kanya at bumuntong hininga naman sya.
"I want to talk about what happened to you."
To talk about what happened to me? Why? May nagbago ba sa akin? Psh. Hindi talaga nila ako kilala ng lubusan.
YOU ARE READING
Abscond
Teen FictionQuestions everywhere. Paano ko masasagot ang mga katanungan ko kung ako mismo ay hindi maintindihan kung bakit ako ganito? I just want to be free. I want to run away from my own jail. I hope that this fckng life of mine is just a nightmare.