Chapter 4

21 5 3
                                    

Elaiza's POV

' "Napakagaling mo naman,anak! We're so proud of you!" Masiglang bati sa akin ni Mommy. Napakasarap sa pakiramdam na may ganitong klase akong ina.

"Thank you so much,Mom." Halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang pagkakangiti.

"Anong gusto mo,anak? Sabihin mo lang at ibibigay namin iyon para sa iyo." Sabi naman ni Daddy. Tsk tsk. Kahit na may kaya kami sa buhay,hindi pa rin ako nagpapa-spoil sa kanila. Lagi kasi akong pinaaalalahanan lola ko na hindi kailangan makamit ko lahat ng bagay na hingiin ko sa mga magulang ko. Pero may gusto kasi talaga akong bilhin na hindi pa kaya ng ipon ko e.

Sorry lola! Ngayon lang po ito. ^.^

"A-ah,Mom,Dad... May gusto po sana akong bilhin e." Nahihiyang sabi ko pa. Hindi kasi talaga ako sanay sa ganito.

"What is it,baby? Come on,tell it to us." Malumanay sa sabi ni Mommy habang hinahaplos pa ng bahagya ang balikat ko.

"K-kasi po...ano e..."

"Tsk. Don't be shy. Kahit ano pa yan ibibigay namin sayo dahil deserve mo ang magkaroon ng award ngayon." Natatawa pang sabi ni Daddy

"May bagong release po kasing album yung favorite group ko kaya kung pwede po—" Hindi pa tapos ang sinasabi ko nang biglang nagsalita agad si Daddy. Excited lang?

"Ah yung mga poster ba ng girl group na nakadikit dyan sa kwarto mo ang tinutukoy mo? Oo! Bibilhin natin yung bagong album nila!" Hahahaha. Nakakatuwa naman si Dad. Mas excited pa ata 'to sakin e.

"Ano ba naman kasi? Patapusin mo naman muna kasi sya." Nakakunot noong sabi ni Mommy sa kanya. Ang kulit kasi e. Hahaha. I found it cute.

"So ayun nga po. Gusto ko po sanang magkaroon ng kopya nung album na 'yon. At saka,tama po kayo Dad,yung poster ng girl group na nakadikit sa kwarto ko,sila ang kumanta nun. My one and only favorite girl group—SJJD." Saad ko at ngumiti naman sila ng pagkalaki-laki.

"Sige sige. Hindi pwedeng matapos ang linggong ito na hindi tayo nakakaorder o nakakabili ng bagong album ng SJJD na yan." Mom said while tapping my head slightly. Halos maiyak naman ako sa tuwa nang marinig ko ang sinabi nya.

"Salamat po talaga sa inyo." Nangingilid ang luhang sagot ko habang nakatingin sa mata nilang dalawa.

"Ikaw pa! Hahaha. Oh ano. Yun lang ang gusto mo... I mean,isa lang? How about a new phone?" Napatango naman si Mom sa sinabi ni Dad.

"I don't need a new phone. Nagagamit ko pa naman po yung sa akin e. Uhm... last na favor na po—may gusto po kasi akong libro. Pera ko na lang po sana ang ipambibili ko pero kayo na rin ang nagsabi na kayo na ang bibili kaya yun. Huehehe. Kulang pa rin naman po ang ipon ko."

"Libro!? Haysss. Kaya lalo kang tumatalino e. Tingnan mo,ikaw lagi ang nangunguna sa klase!" Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ang OA laging magreact ng Daddy ko. Hahaha. Ayaw kasi muna nya akong patapusin e.

"Dad,hindi naman yun libro na pang academics e. Hindi naman po ako bibili ng libro para lang magpakastress. Iba po yun! At isa pa po,ayaw nyo po bang mas madagdagan ang kaalaman ko? Hahahaha." Sabay kaming napatawa ni Mommy pagkatapos kong sabohin yun. Ngumiti lang si Daddy habang pinagmamasdan kami ni Mommy.

"Binibiro lang naman kita. Hahahaha. Sige,kahit anong libro pa yan! Basta ikasasaya mo at hindi mo mapababayaan ang pag-aaral mo,hindi kami magdadalawang isip na ibigay 'yon sayo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinabayaan ko na ang mga luha kong mag-unahang pumatak.

Mga luhang dulot ng labis labis na kasiyahan at talaga naman napakagaan sa pakiramdam.'

"Ela,gising ka pa ba? Papasok na ako ha?" Katatapos ko lang basahin ang isinulat ko noong nakaraang buwan nang bigla namang kumatok si Manang.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot at pilit na pinaaayos ang mabigat kong pakiramdam.

"Opo Manang. Sige po,pasok po kayo."

"Oh eto ang pagkain. Pinahahatiran ka dito ng Mommy mo dahil baka late ka na namang kumain. Sya sige,tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Ubusin mo muna iyan bago ka magpatuloy sa pag-aaral mo." Malumanay na sambit ni Manang at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga nangyayari.

Pinadalhan ako ni Mommy ng pagkain? Bakit? Nakakahalata na ba sya sa akin na madalang lang akong sumabay sa kanila? Concern ba talaga sya o naiinis lang sya dahil madalas ko silang tanggihan?

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa aking naisip. Ayan na naman ako sa kung anu-anong tanong. Bakit ba hindi ko na lang tingnan ang ginawa nya sa positibong paraan? Hindi yung nilalagyan ko pa ng maraming kahulugan. Tsk.

Hindi ko na tinawag pang muli si Manang Lyn nang matapos akong kumain,ako na lang ang naagbaba ng pinagkainan ko.

Pagbalik ko sa kwarto ay nag-isp-isip ako uli tungkol sa isinulat kong iyon sa aking notebook.

Ano nga bang pumasok sa isip ko at naisulat ko iyon? Psh. Kaartehan lang naman.

May gustong-gusto kasi akong bilihin noong mga araw na iyon,kagaya ng nabanggit,isa itong album at libro.

Alam kong hindi ko naman talaga kailangan ang mga bagay na iyon para sa pag-aaral pero iyon kasi ang nakapagpapasaya sa akin. Tama lang naman sigurong pasayahin ko ang aking sarili paminsan-minsan,di ba? Lalo na at sa tingin ko ay napakaboring ng buhay ko.

Syempre bilang isang anak,kailangan ko munang humingi ng permiso sa mga magulang ko kahit na ipon ko pa ang gagamitin pambili noon. Sa kanila rin naman kasi galing yun e.

Buong akala ko noon ay papayagan nila ako dahil maayos naman ang grades ko. Kasama rin ako lagi sa list of honors kaya sobra akong nag-expect pero hindi nila ako pinayagan. Hindi naman ako makabili dahil wala pa akong masyadong alam sa pag-order online—kailangan ko kasi talaga tulong nila sa pagkakataong iyon at sa mga ganoong klaseng bagay.

Nakapanlulumong isipin na minsan na nga lang ako humingi sa kanila,tatanggihan pa.

I am not asking for any material thing. All I need is to feel that I am not just a 'thing' who is always writing just to escape from that loathsome feeling.

AbscondWhere stories live. Discover now