Chapter 2

32 6 2
                                    

Elaiza's POV

Today is Monday. Nakakabagot ang araw na ito para sa iba ngunit isa ito sa pinakagusto kong araw.

Maghapon ko kasi silang hindi makakasama.

"Good morning!" Nakangiting bungad ni Kuya EJ sa akin. Exekiel James—ang kaisa-isang kapatid kong hindi mo alam kung may patutunguhan ba ang buhay. Psh.

"Morning." Maikling sagot ko sa kanya habang malapad pa rin na nakangiti sa akin.

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon kaya medyo awkward para sa akin. Nasanay kasi akong nagpapahuli o umuuna sa kanila. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam e. Kung anu-ano kasing pumapasok sa isip ko kaya siguro ganoon ang ugali ko pagdating sa kanila.

'Napaka-OA mo naman kasing mag-isip Elaiza' Napailing na lang ako sa isiping iyon.

"Una na po ako." Paalam ko sa kanila kahit hindi ko pa nauubos ang pagkain ko. Sa school na lang ako magpapatuloy ng pagkain. Pero busog pa naman ako—bahala na nga.

Nang dahil na rin sa biglang pagtayo ko ay napunta sa akin ang atensiyon nilang lahat.

"Okay na ba talaga ang pakiramdam mo,anak? Hindi mo pa nauubos ang kinakain mo,aalis ka na agad? Kung hindi pa talaga ayos ang pakiramdam mo,pwede ka naman muna sigurong magpahinga. Ako na ang bahalang makipag-usap sa teach—" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Daddy pero naputol ang mahabang sinasabi niya nang magsalita si Mommy. Tss.

"Stop worrying,dad. Can't you see? She looks really fine now. Hindi naman sya papasok kung hindi pa sya okay. 'Di ba,Ela?" Yeah right,that's my mom. Kampante na sa kung ano ang nakikita nya sa labas at hindi na masyadong inaabala ang sarili nya para tingnan kung ano talaga ang nasa loob.

'Okay lang,parati namang ganiyan. Sanay na rin ako.'

Binigyan ko na lang sila ng isang pilit na ngiti at dumeretso na labas.

Pasakay na sana ako sa kotse ko nang biglang sumigaw si kuya. Psh. Ano na namang trip nito?

"HOY ELAAAAA. WAIT!" Bakla ba 'to? Kung makasigaw kasi,akala mo babae e. Ansakit sa tenga.

"Oh? Anong kailangan mo?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

"Pasabay,tinatamad akong magdrive e. Huehehe." What the... Anong tingin nya sakin? Driver nya? Ha?

"Tsk. Ayoko nga. Para saan pa yang kotse mo? Kung tinatamad kang magdrive,pwedeng pwede ka namang magcommute o kaya maglakad ka na lang para ma-exercise ka." Walang ganang sagot ko naman. Napakamot na lang siya sa batok nya na parang napapahiya pa.

"Ano ka ba naman Ela?!" Daebak! Sya pa ang may ganang manigaw ha? Banggain ko kaya 'to?

"Tao ako. Bakit ikaw,ano ka ba kuya?" Pamimilosopo ko at napaamang na lang sya.

'Hahahahaha. Para syang babae'

"H-hoy Elaiza Marthena,w-'wag mo kong ginaganyan-ganyan ha? Mas matanda pa rin ako sayo!" Sige lang kuya. Ansarap mo talagang inisin. Hahahaha.

"And so?" Pigil na tawang sagot ko pa. Napabuga na lang sya sa hangin na senyales na nauubusan na sya ng pasensya. Napakapikon.

"Nako. Alam mo ikaw? Napakadamot mo. Ngayon na nga ulit ako makikisabay tapos ganyan ka pang sumagot. Wag mong kalilimutan na kuya mo pa rin ako kaya ako dapat ang masusunod." Ayan na naman sya sa pagiging bossy nya e. Nakakainis talaga yung ganyang ugali nya. Napaka-immature.

"E ano naman kung kuya kita? At ako? Magsusunod-sunuran sa 'yo? In your dreams!" Inirapan ko pa sya noong sinabi ko yun. Pwede nya namang sabihin ng matino 'di ba?

"Ela naman. This is the last time that I will ride on your car so please. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." Napakakulit.

"Psh. Sakay! Kung hindi nga lang tayo tatanghaliin,pababayaan kitang maglupasay dyan hanggang sa marealize mo na sana hindi ka na lang inatake ng katamaran." Tuloy-tuloy kong sabi at napangiti naman siya. Parang abno e. kapatid ko ba talaga 'to—I mean,mas bata ba talaga ako sa kaniya?

Brisbaine Integrated School

Ngayon ay tinatahak ko na ang daan papunta sa classroom namin. May tao na kaya?

Nang marating ko ang room namin ay nakarinig agad ako ng ingay na mula sa loob. Malakas na tawanan ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. Anong nangyayari?

"Guys,HAHAHAHAHAHA. Grabe,naniniwala kayo dito sa playboy na 'to?" Malakas na sabi ni Jasther. Si Jasther Jacques Jurianel—isa sa pinakamaingay sa klaseng to.Wala namang pumansin sa kanya bukod dun sa mga kaibigan nyang tuloy pa rin sa pagtawa.

"Seryoso nga kasi ako. Nagbago na kaya ako mula noong araw na yun." Maski ako ay palihim na napatawa dahil sa sinasabi nya.

Sya lang naman kasi ang ultimate playboy ng campus. He's Keith Dilan Toriel. Gwapo,matalino at napakatalented. Specialty ata nyan ang pagsayaw kaya maraming humahanga sa kanya.

"Nahihibang ka na ata Keith. Hahahahahaha. Hindi kapani-paniwala." Tumatawa pa ring sabi ng isa sa kanila. Niligon ko kung sino ang ang nagsabi nun dahil parang ngayon ko lang ulit narinig yung boses nya.

Nash Gavin Byrne. Sya pala yun? Hindi kasi sya palaimik at madalas lang makitawa at sumakay sa trip ng barkada nya kaya hindi ganoon kapamilyar ang boses nya sa pandinig ko.

"Stop laughing. C'mon guys. I'm being serious here and I need your help. I badly want to court her." Sino naman kaya ang bagong natitipuhan nito? Na-curious ako kaya nagpatuloy lang ako sa pakikinig habang kunyaring nagbabasa.

"Oh look who's coming! Tigilan mo yang ganyang tingin mo Keith Dilan ha. Nakakadiri. Hahahahahahaha." Pang-aasar pa rin sa kanya ni Vrix Rhian Sanchez. Napatingin naman ako may pinto at nagulat ako nang makita kong si Hanna ang papasok doon. So,sya ang bagong type ni Keith ngayon? Hmm...interesting.

"Good morning Ela! Anong meron at parang masyado ka atang natulala sa beauty ko?" Natatawang bungad nya.

"A-ah,parang ikaw kasi yung pinag-uusapan nila e." Pilit na ngiting sabi ko sa kanya at kumunot naman agad ang noo nya.

"Nino?" Nagtatakhang tanong nya pa.

"E sino pa bang laging maingay dito? Edi yung magbabarkadang yun." Sagot ko at napatingin naman sya sa direksiyon nila.

Sinulyapan ko si Keith na hindi maintindihan ang ekspresyon ng mukha dahil sa biglang pagtingin sa kanya ni Hanna. Oh I forgot to tell you. Hanna Xyreen Galvez is one of my closest friend. She's pretty,smart ,kind,talented. Nasa kanya na ata halos lahat kaya hindi malabong magustuhan sya ni Keith. She loves dancing so much. Yun ata ang asset nya.

"GOOD MORNING EVERYONEEEE!" Malakas na sigaw nina Llouisse at Kirzy. Ngumiti naman agad kami sa kanila at bumati rin. Kumpleto na rin kaming apat. Hindi na 'ko ma-o-OP dito sa room.

They are my girlfriends. Llouisse Jesse Brianzel and Kirzy Gwyneth Aurella have many things in common. Masyado silang girlish pero hindi maarte,hindi rin naman simple. Basta ganun.

Kaniya-kaniya pa ring mundo ang mga kaklase namin samantalang kami ay patuloy pa rin sa pagkukwentuhan habang inaasar pa si Hanna.

Natahimik na lang kaming lahat nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang teacher namin na mukhang wala sa mood. Psh.

AbscondWhere stories live. Discover now