Chapter 7

26 3 3
                                    

Elaiza's POV

"Sooooo,ano ba yung ishe-share mong kwento sa amin,Ela?" Paninimula ni LJ nang makapasok kami sa classroom. Kinabahan tuloy ako. Parang ayaw ko nang magkwento.

"A-ano k-kasi..." Uutal-utal kong sabi habang medyo nakatungo pa. Bakit ba ako kinakabahan e kaibigan ko naman sila?

Tsk. Umayos ka nga Elaiza! Para kang sira e. Sabi ko na lang sa isip ko at bahagya pang napapikit.

"Oo nga Ela. Tungkol na naman ba yan sa mga kadramahan mo sa buhay? Nako,kung ako sayo,kalilimutan ko muna 'yon at magpapakasaya na lang." Pagpuputol naman ni Hanna sa sinasabi ko. Isa pa 'tong babaeng 'to e! Sya kaya ang paunahin kong magsalita,tutal nangunguna na sya. Hahaha.

Tama Elaiza! Sya ang paunahin mo. Alam mo na rin namang may gusto sa kanya si Keith e. Hahahaha.

"Alam mo Hanna,kung ayaw mo muna akong patapusin,pwede namang ikaw muna ang umuna. 'Di ba Gwen,LJ?" Nakangiting sambit ko at tumingin ng makahulugan sa dalawa ko pang kaibigan at nginisian naman nila ako. Nakita ko namang napalunok pa si Hanna at parang bigla syang kinabahan.

May hindi talaga 'to sinasabi sa amin e.

"H-ha? Ako? W-wala naman akong d-dapat sabihin sa inyo. A-ang alam ko,s-si Ela ang may ikukwento." Napapalunok nya pang sabi. Nagkatinginan naman kami nina LJ at napatawa pa.

Kilala na namin masyado ang isa't isa kaya hindi talaga makakaligtas ang mabababaw na sikreto namin sa bawat isa.

"Come on,Hanna. Sasabihin mo lang e. Bakit ba mukhang takot na takot ka? Mukha ba kaming mangangagat,ha?" Natatawang sabi naman ni Gwen sa kanya. Bahagya syang umismid at napabuntong hininga pa.

"H-ha? A-ano...hindi naman." Nakatungong sabi nya habang kinukutkot pa ang mga daliri nya. Lalo kaming natawa sa inasta nya. Parang bata. Hahahahaha.

"Umayos ka nga Hanna Xyreen. Mukha kang binubully dyan! Hahahahaha." Sabi ko sakanya at tiningnan nya lang ako ng masama. Inaano ko 'to? Hahahaha.

"Psh. E kasi ganito nga..." Paninimula nya. Natigil ang tawanan namin at natuon lang ang atensiyon sa kanya at sa mga sasabihin nya.

"H-hindi naman sa pag-aassume pero a-ano kasi,may napapansin kasi ako kay...k-kay ano...k-kay—"

"KEITH!?" Pagtutuloy namin sa sinasabi nya. Nanlaki ang mata nya at saka bumulong.

"Sige ilakas nyo pa nang marinig ng mga kaibigan nya!"

Nagkatinginan na lang kaming tatlo at saka ngumiti sa kanya sabay peace sign.

"Oh tuloy na daliiii!" excited namang sabi ni LJ.

"So ganito nga,these past few days,may napapansin kasi akong kakaiba sa mga ikinikilos nya kapag magkaharap kami. Alam nyo yun? Ang hirap i-explain e. Weird." Kunot-noong kwento nya.

"Alam mo girl,pansin ko rin yaaaaan! Minsan nga—I mean,madalas pala! Madalas ko syang nahuhuli na nakatitig sayo." Sabi ni Gwen at gulat namang napatingin si Hanna sa kanya. Ako naman ay nananatiling nakikinig lang. Mamaya ko na sasabihin sa kanila ang nalalaman ko para surprise. Huehehe. Pag-iisipin ko muna sila.

"T-talaga? Minsan ko lang yang nahuli e. Baka nag-iimbento ka lang ha,Kirzy Gwyneth. Hindi oras ng biruan ngayon. Nakoooo yang bibig mo!"

"Ano ka ba naman Hanna. Ako? Mag-iimbento? Sa hitsura kong 'to? Duh? Madadagdagan ba ang ganda ko kung kung hindi ako magsasabi ng totoo? Hindi dibaaaa?" Maarteng sagot naman nya kay Hanna. Hahahaha. Mamaya na talaga ako sisingit. Kailangang may maibigay munang opinyon si LJ para talagang pasabog ako. Hahaha

"Psh. Oo na! Oo na! Maniniwala na nga e. Pero w-wait,bakit nya naman ako tinititigan? May dumi ba lagi ang mukha ko? Magulo ba ang buhok ko? Mukha ba akong tao? Ano?"

"Aba malay namin. Kami ba sya?" Natatawang sagot ni Gwen. Tiningnan naman sya ni Hanna ng masama.

"Okay okay. Hahahaha. Baka naman kasi nagagandahan lang sya sayo kaya ganon. Blooming ka kasi noong mga nakaraang araw." Dagdag pa nya. Napatango na lang si Hanna at halata parin sa mukha nya na hindi pa sya kumbinsido sa sinabi ni Gwen.

"Mmm. May point si Gwen. Pero mas malaki ang posibilidad na—"

"May gusto sya sa'yo." Pagpuputol ko sa sinasabi ni LJ. Lahat naman sila ay nabaling ang atensyon sa akin at binigyan ako ng nagtatakang ekspresyon maliban kay LJ. Malamang dahil alam kong yun din dapat ang sasabihin nya.

"W-what?" Kunot-noong sabi ni Hanna.

"Yeah. Narinig ko mismo and I think,may plano syang ligawan ka."

"Saan mo naman narinig yan,Ela? Baka naman galing lang yan sa bibig ng mga tsismosa nating schoolmates?" Nagtatakang tanong naman ni Gwen.

"Noong isang umaga kasi,inaasar si Keith noong mga kabarkada nya. E ang lakas ng boses nila,lalo na si Jasther kaya naman lahat ng nandito sa room ay alam yun pero parang wala naman silang pake kasi mga nerd yung karamihan na nandito noon. Umamin din si Keith noong araw na 'yon. Nagbago na daw sya noong magustuhan nya si Hanna." Paliwanag ko sa kanila. Nakita ko namang namula si Hanna at napatungo pa.

Kilig si ate gurl. Hahaha.

"Noong isang hapon din,pauwi na ako noon,galit na galit na sumugod sa akin si Miria kasama sina Cianah at Zairelle. Galit na galit daw si Azeriah dahil nilandi daw ng bestfriend ko si Keith kaya iniwan sya. E matagal na naman silang wala diba? At sa pagkakaalam ko,fling lang sya ni Keith. Psh." Napatitig naman kaming tatlo kay LJ dahil sa sinabi nya. Sinugod sya nung tatlo nang dahil lang dun? Tss. So immature!

"H-ha! Talagang nag-effort pa silang sugurin ka? Kung iniwan ni Keith si Azeriah,labas na ako don. At saka sa pagkakaalam ko,matagal na silang break! Makapagsabi ng malandi." Inis na sabi ni Hanna. Tama nga naman sya. Kasalanan ba nyang maganda sya? Hahahaha.

"E teka,sino namang nagsabi sa mga 'yon? Akala ko ba sabi ni Ela karamihan ay nerd lang ang nandito noon at walang pakialam?" Takang sambit ni Gwen na napatingin pa sa akin.

"Like what I've said, karamihan lang. Hindi ko sinabing lahat kaya malay mo isa sa kanila ang napaaga ang pasok noong araw na yun kaya nalaman nila."

"Psh. Bahala sila sa buhay nila. Problema na nila yun,lalo na yang Azeriah na yan. Kung hindi pa sya nakakamove-on ,wag na wag nya tayo—akong idadamay sa mga kaartehan nya. Kagigil sya." Napatawa na lang kami sa sinabi ni Hanna. Triggered masyado e. Well,that's life. At least yung kanya hindi boring kagaya nung sa akin.

Saglit na oras lang naman lagi  nagiging challenging ang buhay ko e.

Napatigil kami sa pagkukwentuhan at bumalik na sa kanya-kanyang upuan nang dumating yung terror naming teacher sa AP. Nakakainis naman! Akala ko ba may sakit 'to? Magtatawag na naman yan nang magtatawag busettttt!

AbscondWhere stories live. Discover now