Elaiza's POV
'Ipikit mo ang iyong mga mata at damhin ang nakaaaliw na musika. Hindi ba't kaysarap sa pakiramdam? Tila wala kang problema kaya hayaan mong dalhin nito ang iyong sistema. Iyang sistema na puro lungkot at walang madamang ligaya. Sana nga ay ako na lang ang mga nota,para nang sa gayon ay alam ko na kung ano ako...kung ano talaga ang mga katangian ko na wala sa iba.'
"October 22,2014..." Wala sa sariling sambit ko pagkatapos basahin ang pinakaunang nakasulat sa notebook ko.
"Hoy Ela,okay ka lang?" Natinag na lang ako nang magsalita si Llouisse Jesse—LJ for short. Hindi ko man lang namalayan na may pagkain na sa harap ko.
"O-oo naman." Nginitian ko na lang sila ng pilit at saka nagsimulang kumain. Bakit ba hindi ko na napansin ang oras?
Kaninang last subject namin bago maglunch ay vacant kami kaya puro kwentuhan at asaran lang ang maririnig sa room. Nakikipag-usap din naman ako sa mga kaibigan ko at nakikisakay sa mga trip ng kaklase ko pero pakiramdam ko ay napakatamad ko dahil maski pagsasalita ay hindi ko magawa ng maayos. Kaya ayun,natulog na lang ako.
"Kanina mo pang dala yan ah. Ano ba yan?" Pang-uusisa ni Hanna sa akin habang palipat lipat ng tingin sa hawak kong notebook at sa mukha ko.
"Hindi ba obvious na notebook yan,Hanna? Malay mo,tungkol pala sa crush ni Ela ang nakasulat dyan. Yieee~" Tsk tsk. Iba rin talaga ang imahinasyon ni Kirz e. Saan nya naman nakuha 'yon?
"This notebook is special for me. So yeah,walang ganoong nakasulat dito,Kirz. Kaartehan ko lang 'to." Sagot ko at napatango na lang sila at nagpatuloy na ng pagkain.
Ano nga ba ang notebook na ito para sa akin?
Napakarami kong kwardeno,sa totoo lang. May maliit,katamtaman at malaki. Ang notebook kasi na ito ay naglalaman ng mga bagay na gusto kong takasan. Dito ko isinusulat ang mga naranasan ko na,nararanasan o mararanasan pa lang. Madalas kasi akong walang kausap kaya sa pagsulat ko na lang idinaraan ang mga bagay na hindi ko magawang masabi sa iba.
"Psst. Tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?" Nagising na lang ako sa katotohanan nang mahinang nagsalita si Hanna malapit sa tenga ko.
"Wala naman. Inaantok lang ako." Nakangiting sagot ko sa kanya at nagkunwaring humihikab pa
"Talaga ba? Baka may iniisip ka lang." Nang-aasar ang tono ng pananalita nya ngunit mahina parin ito. Psh. Bakit ba sya bumubulong? Hahaha.
"Oy kayo ha. Bakit nagbubulungan kayo dyan?" Singit ni LJ sa amin. Sabay na lang kaming napatingin ni Hanna sa kanilang dalawa ni Kirz na kunyaring nagtatampo pa.
"Eto kasing si Ela,mukhang malalim ang iniisip. Di ko ma-reach myghad." Napunta naman sa akin ang paningin nilang dalawa habang lumingon naman sa kung saan itong si Hanna.
"W-wala yun,inaantok lang ako." Nakangiti pa ring sabi ko sa kanila dahil pagdating sa usapan tungkol sa hindi ko maintindihang takbo ng buhay ay hindi ako mahilig magkwento sa kanila. May alam naman sila kahit kaunti pero nahihiya kasi akong magshare sa kanila kung ano talaga ang mga nararamdaman ko tungkol sa kung saan-saan.
Mukha namang nakumbinsi ko sila dahil hindi na sila nagsalita. Tahimik kaming nakarating sa classroom at sakto lang ang dating namin dahil kasunod na pala namin yung teacher.
"Good afternoon class." Maikling bati sa amin ni Ms. Mendez. Ang mabait naming teacher sa Science.
"Good afternoon Ma'am." Bati naming lahat.
Nagsimula syang magklase tungkol sa Chemistry pero lahat ata kami ay wala halos maintindihan. Ang hirap kasing intindihin e. Ano ba kasing purpose ng mga sinasabi nya?
Tutal,wala rin naman akong masyadong maintindihan dahil ang ingay nung iba kong kaklase,ipapatong ko muna ang ulo ko sa desk ko para naman humupa kahit kaunti ang sakit ng ulo ko.
Patuloy pa rin sa pagdidiscuss si Ms. Mendez habang patuloy pa rin akong nakikinig sa kanya kahit ganito ang tayo ko.
"Ms. Aexilez" Nagulat ako nang bigla nya akong tawagin! Baka tanungin ako nito? Shems.
"M-Ma'am..." Napapahiyang tugon ko sa kanya. Tsk. Bakit pa kasi ako nakitaaaaaa?
"What is the electron configuration if the principal quantum number is 4 and the orbital quantum number is 3?" ANO DAWWWW? Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Lagot ako nito!
"A-ah..." Ang tanging naiusal ko habang napakamot pa ng batok. Bakit hindi ko matandaannnn? Sinabi nya yan kanina e.
"Time is running Ms. Aexilez" Diretsong tingin nyang sabi sa akin. Buti na lang talaga,hindi terror to.
Ano ka ba naman Elaiza! Mag-isip ka nga. Alalanin mo yung mga sinabi nya kanina!
"T-the electron c-configuration is 4f Ma'am." Kinakabahang sagot ko pa. Hindi kasi ako sigurado! Sana tumama ang hula ko...
"Mmm. Very good,you may sit now. But next time,don't sleep on my class. If you don't want to listen,you are free to go outside. Understood?" Hala,masama ata ang timpla ni Ma'am. Hindi naman kasi ako natulog e! Nakikinig pa nga rin ako sa kanya.
"Y-yes Ma'am" Nakatungo kong sagot sa kanya. Tsk. Muntik na ko dun!
--
Lumipas pa ang ibang mga subjects at dumating na ang pinakahihintay halos ng lahat,maliban sa 'kin.
"Oy pasend na lang kung alin yung sasagutan,nakalimutan kong kumopya e. Hahaha." Sigaw nung isa kong kaklase
"Picturan mo na lang. Bilisan mo! May lakad kami ng pamilya ko ngayon,baka ma-late ako." Hayss...
"Mga besssss! Pagaya na lang bukas! Wala akong naintindihan e. Hahaha." Psh. Pumasok ka pa? Wala ka rin palang naiintindihan?
"Ako rin!"
"Oy ako rin! Mag-online kayo mamaya ah? Usap na lang tayo sa chat. Hahahaha."
"Sige sige!"
"Bye guys! See you tomorrow"
Uwian na kasi. Babalik na naman ako sa bahay namin. Tatahimik na naman ako magdamag. At higit sa lahat,makakapagsulat na naman ako.
May maisusulat na naman akong kung anu-ano para lang makaalis sa reyalidad ko na punong-puno ng mga katanungan.
At hinihiling ko na sana lahat ng positibong isinusulat ko ay magkatotoo.
YOU ARE READING
Abscond
Teen FictionQuestions everywhere. Paano ko masasagot ang mga katanungan ko kung ako mismo ay hindi maintindihan kung bakit ako ganito? I just want to be free. I want to run away from my own jail. I hope that this fckng life of mine is just a nightmare.