Prologue

3K 120 9
                                        


Prologue

Ika- 24 ng Disyembre taong 2007
Oras: Dalawang Oras bago ang Pasko

Halos hindi na magpansinan ang pamilyang Alster sa kanilang tahanan. Lahat sila ay may kanya - kanyang tungkuling ginagawa kasama na ang isang munting batang babae na si Agatha. Ang Ina at Lola ni Agatha ay nagluluto ng kanilang ihahanda sa Noche Buena at para sa Ika-pitong kaarawan ni Agatha.

"Ma! Ayaw po bumukas ng lata!" sabi ni Agatha habang pilit na binubuksan ang lata ng kondensada. Nasira ang can opener na gagamitin sana ni Agatha kung kaya ay hindi niya ito nagamit tanging ang isang matulis na kulay gintong kutsilyo ang ginamit niya upang mabuksan ito. Dahil nga sa bata pa si Agatha hindi sapat ang kanyang lakas upang mabuksan ito.

"Ma!" muling tawag niya sa Ina niya. Nagmamadaling lumapit ang kanyang ina at nagulat sa ginawa ni Agatha. Batid niyang hindi niya inutusan ang bata at batid niya rin na matigas ang ulo nito. Agad na inagaw ng Ina ni Agatha ang kutsilyo kaya nagulat din si Agatha. Napaawang ang bibig habang nakatingin sakanyang Ina na binubuksan ang Lata ng Kondensada.

"Agatha, diba sabi ko sayo wag kang pupunta dito? Kami na ang bahala dito magpahinga kana lang doon. Alam mo naman na mahina ang katawan mo lalo na yang puso mo" sermon ng Ina ni Agatha. May namumuong luha sa mata ni Agatha at agad naman itong nagsituluan. Nanlilisik ang mga pulang mata ni Agatha kaya umalis na siya doon. Mula noong ipinanganak si Agatha ay nagtataglay na ito ng pulang mata at mahinang puso. Hanggang sa lumaki mas lalong pumupula ang kanyang mata at maging ang kanyang buhok ay iba na din ang kulay. Aakalain mo talagang nagpa-kulay ito ng buhok at naka-contact lense ngunit hindi.

Napa-buntong hininga nalang ang Ina ni Agatha na animo'y pinagsisihan ang masasakit na salita na sinabi niya sa bata. Lumapit naman ang kanyang Ina... Lola ni Agatha saka sinenyasan ang kanyang Anak na sundan ang bata.

Mula sa kusina ay tumakbo si Agatha papunta sa abandonadong kwarto ng bahay nila. Nasa likod lang ito ng pinto at dito siya laging nagpupunta sa tuwing pinapagalitan siya. Tahimik na humikbi ang bata doon habang nakalukot ang katawan. Batid niyang matagal nang may sama ng loob ang kanyang Ina sakanya ngunit hindi niya lang ito pinapahalata.

Patuloy lang sa paghikbi si Agatha nang biglang may kumatok. Hindi ito pinagbuksan ni Agatha dahil alam niyang Ina niya ito.

"Agatha? Anak..." sambit ng kanyang ina mula sa labas. Napatigil sa paghikbi si Agatha at hinintay ang susunod na sasabihin ng kanyang Ina ngunit wala nang nagsalita. Tumayo siya mula sa sulok at akmang bubuksan ang pinto.

"NASAAN SIYA HERRA?!! " isang sigaw ang napaatras kay Agatha. Batid niyang isang makapangyarihang tao ang may gawa ng sigaw na iyon at sobrang nakakapangilabot iyon. Narinig niya ang isang malakas na pagka-basag mula sa labas. Hindi makalabas ng kwarto si Agatha dahil tila' nakadikit ang kanyang paa sa sahig.

"UMALIS KANA DRAKKAR DAHIL HINDI MO SIYA MAKUKUHA SAKIN!" sigaw naman ng Ina ni Agatha. Nakaramdam ng kaba si Agatha dahil sa malakas at nakakapangilabot na tensyon sa labas. Balak sanang buksan ni Agatha ang pintuan ngunit naunahan na siya. Isang lalaking nakasuot ng pulang cloak ang sumalubong sakanya. Itim ang labi at pula ang mata at may sungay sa matalim.

Napangisi ang lalaki kay Agatha bago ito bitbitin palabas.

"AHHHHHHHH!" sigaw ni Agatha habang nagpupumiglas. Ramdam niya ang unti-unting pagbaon ng kuko sa kanyang balat na nagdulot ng masakit na sensasyon. Napaiyak nalang si Agatha nang makalabas sila. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang kanyang Ina at Lola. Parehong nagtamo ng maraming sugat at patuloy na nagdurugo ito. Dumako ang tingin ng Ina ni Agatha sakanyang anak na umiiyak.

'Agatha.... Mahal na prinsesa... ' sabi nito mula sa kanyang isipan.

"MAMAAAAAAAAA" sigaw ni Agatha nang makarating sa harapan ng kanyang inang hinang-hina na.

"A-agatha" mahinang sambit ng kanyang ina. Tumakbo si Agatha upang yakapin ang kanyang ina, hindi siya pinigilan ng mga masasamang taong may gawa nito. Umiiyak silang pareho habang yakap-yakap na ang isa't isa.

"Mama... W-wag... L-lumaban k-ka" nanginginig man ngunit nagawang makapagsalita ng batang Agatha. Tunay na nagpapakita ng katapangan kahit sakanyang murang edad. Ngumiti naman ang kanyang ina at hinaplos ang magandang pulang buhok ng anak.

"A-anak... Natatandaan m-mo pa ba ang bilin k-ko sayo?" halos maglupasay na sa iyak si Agatha ngunit nagawa niya paring tumango.

"A-ano ulit yun?"

"Wag *huk* magtiti *huk* wala kung hindi katiwa * huk* tiwala"

"Anak? Tandaan mo lagi yan ha? Mahal na mahal ka namin ng iyong Lola Agnes, magpakabait ka ha? Wag matigas ang ulo... " may dinukot mula sa bulsa ang kanyang ina at ibinigay ito kay Agatha.

"....Maligayang Kaarawan Agatha" pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis na naging abo ang kanyang ina. Halos hindi makagalaw si Agatha habang pinapanood ang biglang pagkawala ng kanyang Ina at Lola.

"KUNIN ANG BATA!" utos ng isang malaking lalaki na siyang pumatay sa Ina at Lola ni Agatha. Akmang hahawakan ng dalawang goons ang magkabilang braso ni Agatha ngunit napaso sila at napaatras. Wala sa sariling napatayo ang batang Agatha habang nakayukom ang mga palad at nakatingin ng masama sa mga walanghiyang pumatay sa Ina at Lola niya. Lumiwanag ang pulang mata ni Agatha, isang liwanag na nakakasilaw. Napatakip sa mata ang mga nandoon ngunit nang tapunan sila ng titig ni Agatha ay biglang naging abo sila. Nagitla sa kinatatayuan ang mukhang Lider at isang babae. Sinubukan nilang labanan ang bata ngunit hindi nila magawa. Tinapunan sila ng masamang titig ni Agatha at bigla silang naglaho.

"AHHHHHH" napaluhod sa sakit si Agatha habang hawak hawak ang kanyang mga mata. Mas lalong tumitindi ang liwanag at ilang sandali pa'y

Isang malakas na pagsabog ang naganap....

Unti-unting humandusay sa sahig ang walang kibong si Agatha.

****

VOTE AND COMMENT!!! #FWAwerpa

Forthwayne AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon