Chapter 8 : Tour

1.8K 77 10
                                        


Agatha's POV

"Aggy! Wake uppppppp" napamulat naman ako ngunit wala akong nakikita. Patuloy parin ang pag-alog sa mga balikat ko kaya marahas na tumagilid ako.

Buset natutulog yung tao eh!

"Aggy! Gising na kasii!" dahil sa naiinis na ako ay agad na bumangon ako. Ramdam ko ang pagkabusangot ng mukha ko.

"Ayan gising na rin siya sa wakas" tinig ni Twilight yun. Naiinis ako eh pag naririnig ko yun. Joke

"Aggy, magbihis kana dali! Ito-tour ka namin sa academy!" masiglang tugon ni Twinker at pumapalakpak pa. Psh, childish -_-

"Tss" tutal gusto ko din maglibot-libot dito sa academy pumayag ako sa gusto nila. Nabanggit din naman nila iyon kanina kaya nga lang nakaidlip ako, siguro dahil sa pagod.

Tumayo ako at nag-bihis syempre sa loob ng CR. Nasa labas kasi sina Twinker nakaupo sa kama ko -_-. Simpleng damit lang ang suot ko. Violet hoodie at hanggang tuhod na white shorts at flat shoes. Nilugay ko nalang din ang ngayo'y itim na buhok ko, syempre nandyan parin ang bangs ko. Pula parin kasi ang kulay ng mata ko kaya hindi ko muna pinutol yung bangs.

"Oy si Dora! Hahahaha" tawa ni Twinker. I just rolled my eyes heavenwards at naunang maglakad sakanila.

Nang makalabas na kami ng dorm ay pinagitnaan nila ako. Si Twinker nasa kaliwa ko habang si Twilight ay nasa kanan ko. Nakasupo naman ng lollipop si Twinker, yung buhok niya naka-pigtail at nakasuot siya ng Jumper na hindi lumalampas sa kanyang tuhod saka naka-white sneakers. Mukha siyang bata na naglalakad sa park. Ito namang si Twilight naka-maong shorts at off-shoulder's na kulay asul katulad ko ay lugay ang buhok niya at naka-flat shoes lang din siya. At dahil matangkad ako sakanila mukha na akong tower dito, buset nasa gitna pa talaga ako.

"Una nating pupuntahan ang STONES Building! Madaming pasyalan doon!" tumango lang ako. Patuloy sila sa pagsasalita at kinareer talaga ang pagiging tour-guide habang ako ito, chill lang.

Nandito kami ngayon sa isang parang hallway kasi may bubong naman sa taas pero open yung gilid. Ito daw ang daan papunta sa STONES Building at sa iba pang Buildings dito sa Academy.

"Itong nasa kanan natin, ito ang Forthwayne Grounds. Dito malimit ginaganap ang mga trainings kung saan hindi gumagamit ng kapangyarihan in short combat training dito, sinadya talaga yang palawakin para malawak din ang matatakbuhan ng mga estudyante. At dun, sa dulo ng Grounds may secret forest dun kaso yung mga Elementalist lang ang nakakapasok" sabi ni Twilight. Napatingin naman ako sa pinakadulo at napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng bulaklak at mga puno. Hinding hindi mo malalaman na tanging mga Elementalist lang ang makakapasok doon dahil mukhang open ito sa lahat.

Napadaan naman kami sa isang fountain. Pinalilibutan ng berdeng damo at puro rose ang nakapalibot sa fountain. Sa gitna naman ng fountain ay may isang malaking bato doon at may nakatusok na espada. Halos matakpan na ng lumot ang espada ngunit kitang-kita parin ang pagkakabaon nito doon.

"Yan naman ang Sword of Stalwart ayon sa mga guro at mag-aaral na nakapagtapos na dito. Yang espadang iyan ay pagmamay-ari ni God Jatbum at ang sabi pa lubos na makapangyarihan ang espadang yan. Nagtataglay yan ng kakaibang lakas tulad ng kaya niyang mag-form into different weapons, kaya din nyan mag-absorb ng kapangyarihan, it can also nullify and replicate. Astig diba? Tuwing buwan ng kaarawan ni God Jatbum ay nagpapa-contest sila sa mga students dito at ng iba pang school. They will try to get that sword but decades...century has passed wala pang nakakakuha nyan. Siguro, isang napakalakas na tao lang ang makakagawa nun at sa ngayon..wala pang nagtatangka" mahabang sabi ni Twilight. Kahit si Twinker ay nakinig nalang din. Napatitig ulit ako sa espada. Parang gusto kong makuha iyon ngunit ang sabi ni Twilight ay isang malakas...makapangyarihang tao lang ang makakagawa nun. Ano naman ako? Walang kapangyarihan.

Forthwayne AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon