Agatha's Point of View
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Iyong sirang pintuan kanina ngayon ay naging maliwanag at may nagform na swirl sa loob hanggang sa naghalo halo ang iba't ibang kulay. Malakas ang hangin dito kaya nagliliparan ang mga dahon paloob doon.
Kung hindi ako nagkakamali... Tama nga ako, isa itong portal.
"A-ayoko" mahinang bulong ko ngunit huli na ang lahat. Nakapasok na kami sa loob. Halos maghiwa-hiwalay ang lamang loob ko dahil sa hilo at halos hindi ko na mabitawan ang kamay ni Welma habang si Twinker naman ay enjoy na enjoy habang hawak paren ang mga gamit ko.
Matapos ang ilang sandali ay napasubsob ako sa isang matigas na bagay. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mukha ko.
A-aray!
Nasubsob ang mukha ko sa sementong daan! Ang sakit nun! Tinulungan ako ni Welma na makatayo at tatawa tawa pa siya. Eh kung sipain ko kaya siya?!
"Hahaha... " inis na hinampas ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa pagtawa ngunit kitang-kita na nagpipigil siya kaya iniripan ko nalang siya.
"Shit" mura ko nang makita ang kinaroroonan namin. Ito ang unang beses na magsasabi akong "..Ang ganda dito" at ito din ang unang beses na namangha ako sa isang lugar. Nagpalundaglundag ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. Parang ang gaan ng loob ko dito at parang nakauwi na ako sa wakas ang nararamdaman ko. Napakurap kurap naman ako dahil may dumaan na Fairy ngunit napatigil din ito nang makita kami—ako?
"Mahal na prinsesa? Ikaw po ba iyan?!" napalitan ng nagtatakang mukha ang kaninang namamahanga kong mukha. Ilang beses na ba akong natawag na Mahal na Prinsesa? Wala akong naalala na naging prinsesa ako ni hindi pa nga ako nakahawak ng korona.
"Tringker!" hindi ko alam kung' sinusuway ba siya ni Welma at Twinker pero mukhang sinuway nga siya.
"Pasensya na, kamukha niya kasi si Queen Cascadia. Pasensya na" at umalis na ang Fairy. Napapikit nalang ako ng mata.
***
"Nandito na tayo!" magiliw na sigaw ni Welma. Nandito kami ngayon sa isang maliit na bahay. Nasa ilang metro ang layo mula sa pinanggalingan namin kanina. Hindi ito nag-iisa tutal nakahilera ang mga bahay dito na para bang nasa medieval age kami dahil ganoon ang disenyo ng mga bahay dito.
Hindi parin mawari sa isip ko ang lahat ng nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na nandito ako sa Narnclaedra at tumatapak ngayon sa kanilang mamahikang lupain. Lahat ng bahay dito ay may mga bells malapit sa pintuan nila at may mga nakabantay pang baby dragons pero nakakulonh ito. Ang ganda ng tanawin dito sa Narnclaedra, berdeng-berde ang mga lupain at ang mga bulaklak na parang grinoup by colors dahil nakahelera ito ayon sa kanilang kulay. Nagliliparan ang mga paru-paru at ang mga Fairys. May ilang kakaibang nilalang din akong nakita katulad ng Elf's katulad ng sa Snow White. Ang iba ay masusungit dahil halos magtama na ang mga kilay nila ang ibang Elf naman ay magiliw at hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi nila. Maaliwalas ang panahon dito at kakaiba ang araw nila, kung sa Normal World ay isa lang ang sumisikat na araw dito ay Dalawa. Ang sabi ni Welma ang isang araw na nasa gawing kaliwa namin ay ang Supremo ng Narnclaedra na si Daruer at ang isa naman na nasa kanan ay ang Ball of Mages o ang pinagkukuhanan ng buhay ng mga taong naninirahan dito sa Narnclaedra.
"Pasensya na, hindi saakin ang bahay na to' kay Auntie Sherna ito" napakamot naman ng kanyang batok si Welma. Tinapik ko lang ang balikat niya kaya napatingin siya sakin.
Pano ba mag-thank you?
Ilang beses kong' sinara at binuka ang bibig ko pero walang lumalabas na thank you kaya nang makaramdam ako ng inis ay iniwan ko siya doon na nagtataka sa inasal ko. Nagtungo ako sa siguro sala nila dahil may tatlong upuan dito na gawa si kahoy, ang isa ay pahaba at ang dalawa ay single chair. Nagpunta ako sa pahabang upuan at umupo doon. Kasama parin namin si Twinker at napag-alaman kong' pinsan ni Welma si Twinker.
"Magpahinga ka muna diyan Agatha, mag-hahanda lang ako ng tsaa" bilin ni Welma at nagtungo sa kusina ng bahay. Lumapit naman si Twinker sakin at
"Hi Agatha! ^_^ " kumaway siya saakin. Biglang naging tao si Twinker! Kung ilalarawan,maputi at makinis ang balat ni Twinker katulad ng sakin ( laban ka? -.-?! ) ang buhok niya ay kulay gold na hanggang balikat lang ang taas.Kumikinang ang baby blue eyes niya at ang haba ng pilikmata niya. Ang nipis din ng labi niya at kulay rosas ito. Napansin ko rin na medyo bouncy ang buhok niya at yun para na siyang si Goldilucks! Ha? Parang ang layo naman kay Goldilucks ay ewan sino ba yan -.-!?!
"H-hi" hindi kumaway pabalik kaya nag-pout siya at damn...hindi ko sasabihing ang cute niya pero sinabi ko na?!
"Ako nga pala si Twinker Maileen Jones, kung nasa anyong fairy ako ay 99 years old na ako at kung anyong tao ay 16 years old palang ako at sa Oktobre ang birthday ko at mahilig ako sa mga matatamis at---
"Okay" pagputol ko sa introduction niya kuno.Ngumiti naman siya sakin at naupo sa tabi ko. Paalisin ko sana siya kaso naalala ko na hindi pala ako ang MAY ari ng bahay na to' . Kung bakit kasi dinala dala pa ako ni Welma dito -.-
"Agatha, kumain ka ng marami dahil bukas ay aalis kana dito" tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Welma.Nandito na siya at may dala siyang Tsaa at cookies. I miss chuckie T…T
"What?"
"Simula bukas mag-aaral kana" sabi niya saka kumain ng isang cookies. Napatayo naman ako sa inis.
"No! Hindi ako mag-aaral! Ayoko"
"Huh? No, ayos na ang papeles mo at bukas inaasahan kana doon. Wag kang mag-alala kasama mo naman si Twinker doon" sumilay ang napakatamis na ngiti mula sa labi ni Twinker pero inirapan ko lang siya kaya napa-pout ulit siya.
"What? Pagkatapos mo akong dalhin dito ipapatapon mo lang ako sa school? HA!"
"Hindi kita pinapatapon actually it's my last mission"
"Ano?! "
"Ang huling misyon ko ay ang ipasok ka sa Forthwayne Academy " at sumipsip siya ng Tsaa. Napaupo naman ako sa pagka-dismaya at napahilamos ng mukha.
No... Hindi ko kaya ang pumasok sa isang paaralan. Kinakabahan ako and this feeling is shit! I never been on a school and this is my first time?!?!?!?!?!?!?!?!
"Kumain kana Agatha at nasa taas ang kwarto na gagamitin mo, kasama mo si Twinker doon" wala na akong nagawa kundi ang kumain ng masama ang loob.
****
Nasa Multimedia section ang Portal na dinaanan nina Agatha! *^▁^*
Sorry pala sa mga TYPO at GRAMMATICAL ERRORS, naduduling na kasi ako kakatype dito at isa pa cellphone lang ang gamit ko kaya mahirap mag-type ~T_T~ Ang trying hard ko talaga na paabutin ng 2000 words ang bawat chapter pero natatamad ako ~T_T~
-_-/// pero i'll try next time na pahabain ang bawat chapter *^O^* *^O^*
VOTE AND COMMENT!!! #FWAwerpa
BINABASA MO ANG
Forthwayne Academy
FantasyForthwayne Academy Gustong-gusto nang makawala ni Agatha sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Lingid sakanyang kaalaman na hindi siya isang ordinaryong tao na namumuhay sa Earth at iyon ang dahilan kung bakit siya nalunod sa madilim na kabanata...
