Chapter 7 : Welcome to Forthwayne Academy

1.7K 73 6
                                        

Agatha Point of View

"Welcome to Forthwayne Academy!" may isang maganda—may isang babaeng sumalubong saamin. Medyo pandak.. Mataas ako sakanya. ^_^

-.-?

Balik tayo, Pandak siya, maputi at makinis din ang balat. Katulad ng kay Twinker hanggang balikat lang din ang buhok niya pero kulay asul ito at may puting highlights. Ang mata niya naman ay asul din ang kulay katulad ng kay Twinker at mahaba din ang pilik-mata. Teka.. Kamukha niya si Twinker parehong - pareho ang features ng mga mukha nila.

"Ateeeeeeeeeeeeeeeeeee!" isang matinis na sigaw ang pinakawalan ni Twinker kaya napatakip ako ng tenga. Sabi ko na nga ba, mag-kapatid nga sila. Itsura palang at...pareho silang nakakairita gash.

"Cute kong' kapatid! Namiss kitaaaa" nagyakapan naman sila at ..nakaka-OP alam ba nila yun? Napairap nalang ako at pinagdikit ang braso ko ( cross-arms).

"Buti nalang andito na kayo... Siya ba si Agatha?" tanong ng kapatid ni Twinker. Tumango naman si Twinker at ngumiti ang kapatid neto sakin. Kagaya ng unang beses na ngumiti sakin si Twinker... Masasabi kong....

.
.
.
.
.

.

.

...ang cute niya rin -_-!#

"Hi! Ako pala si Twilight Mayleen Jones, obviously speaking kapatid ako ni Twinker. And i bet you are Agatha right?" simpleng tinanguan ko lang siya.. "..oohh hindi ko alam na taong yelo pala itong kaibigan mo sister, anyway nice meeting you!" makikipag-beso sana siya sakin kaso tumalikod na ako and i heard Twinkee laughed again kaya sinuwa siya ng kapatid niya.

Mula sa Pegasus ay kinuha ko doon ang bag ko. Hindi naman mabigat, iniwan ko ang ibang gamit ko sa bahay nina Welma, sa kwarto ni Twinker. Humarap ulit ako sakanila kaso nakita ko silang nag-aasaran at mukhang ang saya saya pa nila.

Eh ako? Kamusta naman?

Napahinga nalang ako ng malalim at lumikha iyon ng ingay dahilan upang mapansin ako ng dalawa napatigil naman sila at nginitian ako. Hindi ko sila nginitian pabalik tanging ang walang emosyong mukha ko lang ang pinakita ko sakanila.

"T-tara na sa HM office" sabi ni Twilight at sumunod naman kami sakanya.

Headmaster's Office

Nakarating na kami sa isang may kalakihang building. Siguro nasa dalawang palapag ito dahil na din sa hindi ito gaanong mataas. Nandito kami ngayon at nakatayo sa harap ng isang dambuhalang pintuan. Naalala niyo yung pintuan ng mga royalties sa England? Ganito kalaki iyong pintuan dito, aakalain mo talagang isang Queen at Hari ang nakatira dito.

*tok* *tok* *tok*

Kumatok si Twilight doon at ilang sandali pa ay bumukas ito. Syempre pumasok na kami pero napatigil din ako sa paglakad. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at puno ito ng mga libro, may dalawang portrait dito at may maliit na living room. Naagaw ng atensyon ko ang isang portrait ng Isang babaeng nakabihis ng pula at gintong gown tapos may kapa at may gintong korona, Yung lalake naman ay nakasuot ng gold at blue na damit pang-UK majesty ang peg at may gintong korona rin ito habang sa gitna nila ay dalawang babae, ang isa ay siguro nasa 5 taon na, nakasuot ng Gold gown at may kapa rin tsaka korona at nakangiti ito ng matamis habang ang isa naman ay buhat-buhat ng Babaeng may korona kanina na nakasuot ng red and gold gown, sanggol pa lamang ito ngunit nakabihis ito ng red gown at may kapa rin at korona. Isang portrait ng pamilya na siguradong makapangyarihan.

"Maganda ba hija?" muntik na akong mapatalon sa gulat. Isang matipuno—isang Lalaki na siguro ay nasa edad 32+ palang dahil na din sa kakisigan nito. Itim ang buhok na mala-Jose Rizal ang dating. Makinis din ang balat niya at mukha siyang binata kung wala siyang suot na salamin. Ang mata niya naman ay pure brown. Ngumiti siya sakin pero hindi ko iyon pinansin.

Forthwayne AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon