Chapter 6 : Forthwayne Academy

1.8K 80 2
                                        

******

Twinker Point of View

"Welcome to my sweet room!" magiliw na bati ko. Nandito kami ngayon ni Pretty Agatha sa kwarto ko. I can sense that napipilitan lang siya na makasama kami and that's okay. Alam ko naman na hindi sanay itong si Agatha na may kasama pero ngayon kailangan na niyang masanay na ako ang laging kasama!

Ako nga pala si Twinker Maileen Jones, kung nasa anyong fairy ako ay 99 years old na ako at kung anyong tao ay 16 years old palang ako at sa Oktobre ang birthday ko at mahilig ako sa mga matatamis at isa din akong royalty. Kung hindi niyo naitatanong, si Welma which is my cousin ay anak ng Queen and King ng Tregaron. At ang kapatid ng Ama ni Welma ay ang Ina ko na isang makapangyarihan na Fairy sa kingdom na nasa loob lang din ng Tregaron.

"Matutulog na ako" sabi ni Agatha. Napatango ako at saka itinuro ang kama katabi na nasa kaliwa na katabi ng bintana. May dalawang kama kasi dito, yung kama ko nasa kanan at may maliit na table sa pagitan at katabi ng maliit na table ang kama na tutulugan ngayon ni Agatha. Siguro nagtataka kayo kung bakit dalawa ang kama dito no? Actually may kapatid ako na nasa Forthwayne Academy ngayon. She is Twilight Mayleen Jones half-fairy and half-Mage user. Ang Mage niya ay Tide Manipulator kaya niyang pababain at pataasin ang dagat at kaya niya ring makaproduce ng tsunami if ever. Ako naman, may kakayahan akong magpagaling gamit ang Fairy Dust ko pero maliban doon, i'm a Premonition kaya kong' makita ang future ng isang tao kahit hindi ko pa siya nahahawakan pero noong titigan ko si Agatha ay wala akong makitang mangyayari sa hinaharap mukhang nakaseal ang buong katawan niya. Ni hindi ko rin maramdaman ang aura niya pero alam kong' makapangyarihan siya.

Naglakad na din ako papunta sa candy bed ko. Hindi literal na candy ha pero design ng bed ko is Candy because sweets is lifeuuu! Nakita ko naman si Agatha na kalalabas lang ng CR at nakabihis pangtulog na. Nahiya naman ako dahil naka-fairy outfit pa ako kaya pinitik ko ang kamay ko and TADA!  Naka-onesie na ako na kulay pink!

"Agatha, hindi ka pa nagpapakilala sakin" sabi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin. Sobrang cold naman ng isang to! Dinaig pa ang yelo jusko mukhang mahihirapan akong kaibiganin tong' si Agatha.

"Woootwooot weewooo? May kausap ba ako? Omg nakakausap ako ng hindi ko nakikita hello? Andyan kaba weewoo----

"Shut up. I'm Camilia Agatha Alster okay na?" lumaki ang ngisi ko sa mukha dahil ang cute niyang mainis! Ang sarap kurutin ng pisnge niya!!

"Don't pinch my cheeks or else" hala! Napalakas ba yung sinabi ng utak ko at nalaman niya? Anyways, walang makakapigil sakin kaya kinurot ko ang pisnge niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at inis na nagtalukbong ng kumot. Tumawa nalang ako at di kalaunan dinalaw na din ni antok.

ZzzzzzzZzzzzZzzzzZzzzzZzzzzzzz

Agatha Point of View

* raaaaaawwwwrrrrr *

Napakusot ako ng mata dahil sa ingay na yun. Nakakainis kitang natutulog pa ako dito eh!

* raaaaaawwwwwrrr---

Hindi na natuloy ang malakas na RAWR na iyon dahil pinandilatan ko ng mata ang baby dragon na nasa kabilang bahay. Nakaupo ako ngayon sa kama at saktong bungad ang bintana dito. Napa-hikab ako bago tuluyang tumayo at nagpunta sa CR. Wala silang salamin dito kaya hindi ko tuloy makita ang katawan ko. Nasanay na ako na araw-araw mag-full body scan.

Forthwayne AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon