Continuation ng Chapter 10 ...
Agatha's POV
Nakatangang nakatayo lang ako dito habang pinapanood ang lahat. Bakit hindi ko ito maalala? Bakit...
"Ma! Ayaw po bumukas ng lata!" sabi ni Agatha habang pilit na binubuksan ang lata ng kondensada. Nasira ang can opener na gagamitin sana ni Agatha kung kaya ay hindi niya ito nagamit tanging ang isang matulis na kulay gintong kutsilyo ang ginamit niya upang mabuksan ito. Dahil nga sa bata pa si Agatha hindi sapat ang kanyang lakas upang mabuksan ito.
"Ma!" muling tawag niya sa Ina niya. Nagmamadaling lumapit ang kanyang ina at nagulat sa ginawa ni Agatha. Batid niyang hindi niya inutusan ang bata at batid niya rin na matigas ang ulo nito. Agad na inagaw ng Ina ni Agatha ang kutsilyo kaya nagulat din si Agatha. Napaawang ang bibig habang nakatingin sakanyang Ina na binubuksan ang Lata ng Kondensada.
"Agatha, diba sabi ko sayo wag kang pupunta dito? Kami na ang bahala dito magpahinga kana lang doon. Alam mo naman na mahina ang katawan mo lalo na yang puso mo" sermon ng Ina ni Agatha. May namumuong luha sa mata ni Agatha at agad naman itong nagsituluan. Nanlilisik ang mga pulang mata ni Agatha kaya umalis na siya doon. Mula noong ipinanganak si Agatha ay nagtataglay na ito ng pulang mata at mahinang puso. Hanggang sa lumaki mas lalong pumupula ang kanyang mata at maging ang kanyang buhok ay iba na din ang kulay. Aakalain mo talagang nagpa-kulay ito ng buhok at naka-contact lense ngunit hindi.
Napa-buntong hininga nalang ang Ina ni Agatha na animo'y pinagsisihan ang masasakit na salita na sinabi niya sa bata. Lumapit naman ang kanyang Ina... Lola ni Agatha saka sinenyasan ang kanyang Anak na sundan ang bata.
Mula sa kusina ay tumakbo si Agatha papunta sa abandonadong kwarto ng bahay nila. Nasa likod lang ito ng pinto at dito siya laging nagpupunta sa tuwing pinapagalitan siya. Tahimik na humikbi ang bata doon habang nakalukot ang katawan. Batid niyang matagal nang may sama ng loob ang kanyang Ina sakanya ngunit hindi niya lang ito pinapahalata.
Patuloy lang sa paghikbi si Agatha nang biglang may kumatok. Hindi ito pinagbuksan ni Agatha dahil alam niyang Ina niya ito.
"Agatha? Anak..." sambit ng kanyang ina mula sa labas. Napatigil sa paghikbi si Agatha at hinintay ang susunod na sasabihin ng kanyang Ina ngunit wala nang nagsalita. Tumayo siya mula sa sulok at akmang bubuksan ang pinto.
"NASAAN SIYA HERRA?!! " isang sigaw ang napaatras kay Agatha. Batid niyang isang makapangyarihang tao ang may gawa ng sigaw na iyon at sobrang nakakapangilabot iyon. Narinig niya ang isang malakas na pagka-basag mula sa labas. Hindi makalabas ng kwarto si Agatha dahil tila' nakadikit ang kanyang paa sa sahig.
"UMALIS KANA DRAKKAR DAHIL HINDI MO SIYA MAKUKUHA SAKIN!" sigaw naman ng Ina ni Agatha. Nakaramdam ng kaba si Agatha dahil sa malakas at nakakapangilabot na tensyon sa labas. Balak sanang buksan ni Agatha ang pintuan ngunit naunahan na siya. Isang lalaking nakasuot ng pulang cloak ang sumalubong sakanya. Itim ang labi at pula ang mata at may sungay sa matalim.
Napangisi ang lalaki kay Agatha bago ito bitbitin palabas.
"AHHHHHHHH!" sigaw ni Agatha habang nagpupumiglas. Ramdam niya ang unti-unting pagbaon ng kuko sa kanyang balat na nagdulot ng masakit na sensasyon. Napaiyak nalang si Agatha nang makalabas sila. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang kanyang Ina at Lola. Parehong nagtamo ng maraming sugat at patuloy na nagdurugo ito. Dumako ang tingin ng Ina ni Agatha sakanyang anak na umiiyak.
BINABASA MO ANG
Forthwayne Academy
FantasyForthwayne Academy Gustong-gusto nang makawala ni Agatha sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Lingid sakanyang kaalaman na hindi siya isang ordinaryong tao na namumuhay sa Earth at iyon ang dahilan kung bakit siya nalunod sa madilim na kabanata...
