Welma's Point of View"Walang magagawa yang inis mo! WAG MAINITIN ANG ULO! THINK OF A POSSIBLE WAY AGATHA!" sigaw ko sakanya. Eh kasi naman, halos isinumpa na ako ng babaeng to' dahil sinusugod siya ngayon ng iba't ibang monster's na ginawa ko.Nag cast ako ng spell at nagkaroon ng barrier sa paligid namin, yung kaming dalawa lang ang makakakita at parang invisible lang kami sa labas. At nag-cast din ako ng isang dimension na kung saan madaming monster ang kinakalaban ni Agatha ngayon. Kitang-kita ang inis sa mukha niya at gigil na gigil ang mga bangs niya.
"I'LL KILL YOU WELMA!" sigaw din niya bago pinutulan ng ulo ang isang halimaw and our training is done! Gabi na ngunit sa dimension na pinuntahan namin ay may araw pa. Unti-unti ko namang tinanggal ang dimension at barrier at back to normal na ang lahat! Nakita ko naman siya napahawak sa dibdib niya at unti-unting napaupo sa damuhan.
Anong nangyayari sakanya?!
Agad na tumakbo ako palapit sakanya.
****
Agatha Point of View
"Walang magagawa yang inis mo! WAG MAINITIN ANG ULO! THINK OF A POSSIBLE WAY AGATHA!" welma shouted while watching me fight with this monsters. Nakakainis naman kasi! This is not the training i always do this is exaggerated! Pero wala na akong magagawa andito na to' kaya kailangang tapusin na. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Welma na ngayon at seryoso ding nakatingin saakin.
"I'LL KILL YOU WELMA!" i shouted on top of my lungs and chopped the head of this monster. Naramdaman ko naman ang biglang pagtigil ng tibok ng puso ko. Nagbalik na din sa normal ang lahat pero mas lalong sumasakit ang puso ko at sa tingin ko nawawalan na ako ng hininga. Naramdaman ko ang pagtuyo ng lalamunan at labi ko at ang ulo ko na parang binibiyak. Hindi ako makarinig o makaramdam, nagmamanhid ang buong katawan ko hanggang sa umikot na ang paningin ko at napaupo sa damuhan.
Ang puso ko....
Mahigpit na napahawak ako sa dibdib ko at napapikit sa sakit. Hindi ko magawang sumigaw dahil hindi na kaya ng sestema ko. Hanggang sa dumilim ang paningin ko....
**
"Maraming Salamat Twinker " iminulat ko ang mata ko at tumambad ang isang lumilipad at kumikinang na nilalang. Maliit, kasing liit ng palad ko ngunit malaki ang pakpak, malabo pa ang paningin ko kaya nang luminaw...
Fairy?
Ngumiti ito saakin at nagpalibot libot sa ere habang naghuhulog ng mga fairy's dust hindi katulad sa dust ni Tinkerbell na kulay ginto and dust na ginamit ng isang ito ay orange. Tumama ito sa iba't ibang parte ng katawan ko hanggang sa tumigil na ito sa paglipad.
"Agatha...pasensya na hindi ko alam.. " Alam kong si Welma iyon, boses palang niya nakakairita na. Hinawakan niya ang mga kamay ko hindi ko iyon tinabig at hinayaan siyang hawakan iyon. Wala akong lakas upang makipag-init ulo.
"Kung sinabi ko sayo titigilan mo ba ako?" hindi siya sumagot kaya natahimik ang buong paligid tanging ang ingay nalang ng pakpak ng fairy na to' ang lumilikha ng ingay.
"Princ--- Welma, kailangan ko nang bumalik sa Narnclaedra" sabi ng Fairy, tumango naman si Welma at lumabas na ang Fairy. Ngayon, kaming dalawa nalang ni Welma ang nandito at ni isa walang balak magsalita. Hindi naman pwede ako kasi hindi ako mahilig magsalita.
"Ipinagluto na kita ng hapunan, diyan kalang at kukunin ko" umalis na siya sa tabi ko kaya napatitig nalang ako sa dingding. Andito kami sa sala at nakahiga ako sa mahabanh sofa. Nanghihina parin ang katawan ko ngunit ilang sandali nalang siguro ay manunumbalik na ang lakas ko.
BINABASA MO ANG
Forthwayne Academy
FantasiForthwayne Academy Gustong-gusto nang makawala ni Agatha sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Lingid sakanyang kaalaman na hindi siya isang ordinaryong tao na namumuhay sa Earth at iyon ang dahilan kung bakit siya nalunod sa madilim na kabanata...