Prologue

1.7K 23 5
                                    

Started: May 4, 2014

Ended: ONGOING

-----

PROLOGUE.

Kanina pa laman ng bawat usapan sa kahit saang sulok ng K Academy ang sumpa na bumabalot diumano sa EXO. Hindi nila alam kung saan ito nagsimula. Lahat ng babae ay halos mamatay matapos marinig ang kumakalat na balita.

Kahapon nagsimulang kumalat ang balita na may sumpa daw ang EXO. Ang magiging unang girlfriend ng bawat member ay mamamatay. Hindi nila alam kung sino ang nagpakalat at paano nga ba ito kumalat.

At paano ba naman hindi magre-react ang mga kababaihan ng ganun kung mawawalan na sila ng pag-asa sa mga nagga-gwapuhang members ng EXO? Halos sambahin ng lahat ng kababaihan sa K Academy ang lahat ng myembro ng EXO. Sila kasi ang pinaka sikat at pinaka hot na banda sa buong eskwelahan.

"I can't believe that they really think that the rumors were true." Mababakas ang pagka-irita sa boses ni Kris. Ang leader ng EXO-M. Nahahati kasi sila sa dalawang grupo - ang EXO-K at EXO-M. Masyado kasi silang madami para sa isang banda kung hindi nila gagawin iyon.

"Mukhang ayos na nga rin na may kumalat na ganun para matahimik na ang buhay natin at mabawas-bawasan ang pagpapapansin nila sa atin eh." Saad naman ng pinaka-bata sa kanilang lahat na si Sehun.

"Oo nga, at para tumanda ka ring single." Sagot naman sa kanya ni Baekhyun. Inirapan na lang ni Sehun ang kasama at tahimik na umupo sa isang tabi. 

Wala pa kasi kahit isa sa kanila ang nagkaka-girlfriend. Ayaw nilang lahat sa commitment at allergic sila sa mga babae. Hindi na rin bago sa kanila ang mga rumor na tulad nito. Nung huli nga lang ay kumalat ang balitang mga bakla daw sila kaya wala pang nagiging girlfriend ang kahit isa sa kanila.

"Nasaan pala yung iba?" Tanong naman ni Lay sa mga kasamang naroon sa practice room. Break kasi nila at doon sila lagi kumakain at nagpapalipas ng oras.

"Si Luhan bumibili ng pagkain kasama si Xiumin. Si Chanyeol hindi pumasok kasi may mahalaga daw gagawin. Si Kai ayun, sa sobrang kalandian wala lang sa kanya yung sumpang kumakalat at kasama yung girlfriend." Sagot ng leader ng EXO-K na si Suho. 

Oo, tama kayo ng nababasa. Si Kai ay may girlfriend. First girlfriend to be exact. Kahapon lang niya niligawan at kahapon lang din siya sinagot kasabay nga ng pagkalat ng balita. "At least malalaman na nilang hindi totoo yung balita di ba?" Sabi naman ni D.O na kakatapos lang kainin yung packed lunch niya. 

Nagkibit balikat na lang silang lahat sa sinabi niya at naghanap ng kanya-kanyang pagkaka-abalahan. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Luhan at Xiumin na may dalang pagkain. Pinalibutan naman sila agad ng ibang members atsaka namburaot ng pagkain sa kanila sa pangunguna ni Tao.

~ Oh, she wants me. Oh, she's got me. Oh, she hurts me. ~

Narinig naman nilang lahat ang ringtone ni Chen at napasabay sila sa sarili nilang kanta. Sinagot naman agad ni Chen ang tawag matapos makita na si Kai ang tumatawag. "Oh, napatawag ka?" Bungad niya agad kay Kai.

"Totoo yung sumpa Chen. Patay na si Nadine. EXO is really under a curse. She died because of EXO's curse."

EXO's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon