Ang Bata Sa Bintana

27 1 1
                                    

                                                            

Ako nga pala si BJ Dela Cruz.............at ito ang aking kwento.

  Sept. 15,2015, araw ng
Sabado ng dinala ako sa ospital.
Mga 13 yrs. old ako nun
Tandang-tanda ko pa iyon dahil
iyon ang huling araw na nasilayan  ko ang kagandahan ng kapaligiran
mapupulang rosas sa bakuran ni
Aling Elvie, ang bagong repaint
na bahay ni Aling Mina. Kulay
asul at may halong dirty white
ang pader. Sa dako-dako pa
naroon ang tindahan ni
Mang Vic - ang nagtitinda
ng mga kendi at mag iba't
ibang laruan. Doon ako
umiistambay. Masaya akong
nakatingin sa mga ulan na
kay ganda at kay payapa
halos wala nang makakapigil
Sa kasayahan ko ng biglang.......
NANLABO ang aking mga
paningin at nagdilim ang
paligid. Kabang-Kaba ako.
Nanginginig na ang aking
buong katawan at dahil
sa takot, bigla na lang
akong hinimatay. Buti na
lang at nakita ako ni
Mang Vic. Dinala niya
kaagad ako sa ospital.
Nalaman ko nalang ito
noong ako'y nagising.
Nagtaka ako kung bakit
ang lamig lamig at
sobrang tahimik. Kala ko ay
patay na ko
Nagtanong ako,

"Hello may tao ba dito?"
"May nakakarinig ba sakin?"

Biglang may sumagot,

"Hello, gising ka na pala."
"Ako nga pala si Andrea
Laurente."
"E ikaw anong pangalan mo?"

Nagandahan ako sa boses nya.
Feeling ko maganda sya kahit
Hindi ako makakita.
Siguro tisay sya.
Sa tagal ng pag iisip ko kung
anong itsura nya,
Bigla ko nalang narinig

"Huy, anong pangalan mo?"

Bigla akong nagulat,
sinagot ko sya ng parang
nahihiya pa ako,

"Ako nga pala si Bbbbb...........BJ
Dela Cruz."

Medyo nabulol at
Nahiya pa ako.
Sabi tuloy niya,

"Nahihiya ka ba?"
"Ano ka ba, wag kang
mahiya sakin"
"Mabuti akong tao."

Para syang anghel sa
sobrang bait.
Sabi nya,

"Sige nice meeting you."

Sabi ko naman,

"Nice meeting you too."
 
Sabi ko,

"Pano ako napunta dito?"

Sumagot sya,

"Dinala ka dito ng isang
matanda na medyo
matangkad at medyo
maputi."

Pagkarinig noon,
bigla kong naalala si
Mang Vic.

Ganong-ganon ang itsura nya.
Sabi ko,

"Ah si Mang Vic pala"

Sabi nya,

"Sino yon?"

"Yung may tindahan sa
may amin na lagi
kong pinagtatambayan."
"Dun din nanlabo ang
aking paningin at
doon ako hinimatay",
Sabi ko.

Ang Bata Sa BintanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon