Isang araw, nagkita ang dalawang batang magkapitbahay na sina Damulag at Linggit. Nagtataka si Linggit sa kapitbahay na si Damulag dahil sa sapu-sapo nito ang puwet na may kakaibang laki.
"Bakit mo ba hawak-hawak ang puwet mo, Damulag?"
"Napalo kasi ako ng tatay ko."
"E, bakit ka niya pinalo?"
"Kasi raw mahal niya ako."
"Mahal ka ng tatay mo kaya ka pinalo?"
"Oo, bakit hindi ka ba pinapalo ng tatay mo?"
"Hindi."
"Ah, hindi ka mahal ng tatay mo kung ganun."
Umuwing nalilito si Linggit. Sa pag-uwi , dinatnan niyang nagbabasa ng dyaryo ang ama. Kanya itong agad na nilapitan upang tanungin.
"Tay, mahal n'yo po ba ako?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Oo naman ."
"E, bakit hindi n'yo po ako pinapalo?"
Natawa lamang ang ama sa anak, pagkatapos ay sumagot.
"Bakit kita papaluin e, wala ka namang ginawang kasalanan?"
Nag-isip si Linggit . Sa kanyang munting isip ay nabuo ang isang kaisipan.
"Kailangang gumawa ako ng kasalanan . 'Pag nakagawa ako ng kasalanan, papaluin ako ng tatay ko..."Pag pinalo ako ng tatay ko, ibig sabihin, mahal niya ako."
Kinabukasan ng umaga sa silid nina LInggit.
"Gud morning klas."
"Gud morning Mrs. Diaz."
"Okay, magsiupo na ang lahat."
Pag-upung pag upo ni Mrs. Diaz ay napahiyaw ito sa 'di malamang kadahilanan.
"Araaaaaaaaaaay!"
Nagulat ang buong klase sa pagsigaw ng guro. Nang siyasatin ni Mrs. Diaz ang sarili, nakita niya ang mga thumbtucks na nakatusok sa kanyang pang-upong bahagi ng katawan.
"Sino sa inyo ang naglagay ng mga thumbtucks sa upuan ko?"
Tumayo kaagad si Linggit at nagsabing : "Ako po, ako po Mam."
Dinala ni LInggit ng kanyang guro sa principal's office. Pagkatapos mapagalitan ay pinagbilinang dalhin kinabukasan ang ama. Pinadalhan pa siya ng sulat mula sa prinsipal.
Kinabukasan nga'y dumating ang ama ni Linggit na si Mang Bruce . Masinsinan itong kinausap ng principal at ni Mrs. Diaz . Pagkatapos ng pakikipag-usap sa dalawang guro, sinabihan nito ang anak na sa bahay na lamang sila mag-uusap.
Pagkauwi nga ni Linggit galing sa paaralan ay kinausap siya ng ama. Pinanabikan naman ni Linggit ang sandaling mapapalo na siya ng kanyang ama.
"Anak, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo. Hindi mabuti ang ganoong bagay.Sige, magbihis ka na'y ng makakain na tayo."
Nalungkot si Linggit dahil sa hindi siya pinalo ng ama . Nabuo sa isip niya ang isang kaisipan.
"Siguro, hindi malaki yung nagawa kong kasalanan kaya hindi ako pinalo ni tatay. Gagawa na lang ako ng mas malaking kasalanan, tiyak papaluin na niya ako, at kapag pinalo niya ako, ibig sabihin, mahal niya ako. "
Noon ay araw ng sabado , kasalukuyang nasa terasa sa may ikalawang palapag ng bahay nila si Linggit. Nakita niyang mula sa itaas ng bahay ang noo'y parating na mensahero. Pagtapat na pagtapat nito sa kung saan nakaupo si Linggit, bumagsak sa ulo nito ang isang maliit na paso na naglalaman ng isang halamang kaktus. Nang mapag-alaman ng lalaki ang totooong nangyari, galit nag alit itogn nagwika:
"Salbahe kang bata ka! Mang Bruce, Mang Bruce!
Sa lakas ng tawag ng mensahero'y mabilis na lumabas ng bahay ang tatay ni Linggit. Nagawa naman nitong mapakiusapan ang mensaherong pagpasensyahan na lamang ang kapilyuhan ng anak at nangakong siya na ang bahalang dumisiplina rito, Halos walang katapusang pakiusapan ang naganap, sa wakas, napahinuhod din ang kaawa-awang lalaki.
Tinawag ni Bruce ang anak upang mapagsabihan. Tuwang-tuwa namang bumaba si Linggit mula sa terasa . Sa wakas, sa isip-isip niya ay mapapalo na siya ng ama.
"Anak, hindi maganda ang ginawa mo. Huwag mo nang uulitin iyon, ha?"
"Hindi n'yo po ako papaluin?"
"Hindi."
Dahil dito'y pumalahaw na ng iyak si Linggit. Nagulumihanan ang ama sa inasal ng anak.
"Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita pinalo ah."
"Kaya nga po ako umiiyak e, dahil hindi n'yo ko pinalo."
"Anak, hindi kita maintindihan>"
"Sabi po kasi ni Damulag, kaya siya pinaaplo ng tatay niya kasi mahal siya nito. E, ako, hindi n'yo ko pinapalo. Ibig sabihin, hindi n'yo ako mahal."
"Anak, noong maliit pa ko, lagi akong pinapalo ng tatay ko kahit maliit na pagkakamali lang. Kaya, ianakal ko tuloy na hindi ako mahal ng tatay ko. Kaya, ikaw, hindi ko pinapalo kasi mahal kita anak. Ayaw kong magalit ka sa akin sa sandaling paluin kita. Kaya, imbes na paluin kita, kinakausap kitang mabuti. Naiintindihan mo ba anak? Mahal na mahal kita."
At napayakap si Linggit sa ama.
Kinabukasan, nagkitang muli sina Linggit at Damulag.
"O, ano LInggit, napalo ka nab a ng tatay mo?"
"Hindi pa."
"Ay, hindi ka talaga mahal ng tatay mo."
"Ah, hindi yata. Mahal na mahal niya ako kaya hindi niya ako pinapalo. Sabi ng tatay ko, kaya raw pinapalo ang mga bata ng mga tatay nila kase salbahe silang mga bata."
Sa puntong ito, si Damulag naman ang naguluhan. Dali-dali itong nagpunta sa kanialng bahay para tanungin ang ama. Ang tatay niya'y kasalukuyang nagkakape habang hinihimas ang sasabunging manok. Nilapaitan niya ito at tinanong,
"Tay, kaya n'yo ba ako pinapalo dahil mahal n'yo ko?"
Umiling –iling lamang ang kanyang ama na medyo masama ang timpla ng umaga.
"E, bakit n'yo po ako pinapalo?'
"Kasi salbahe ka."
At si Damulag naman ang umiyak nang umiyak.