KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 4JUSTIN'S POV
Finally, sinabihan na ako ni Alex ng I love you at tinawag niya rin akong baby... my baby.
Masaya akong pumasok sa trabaho dahil sobrang inspired ako ngayon.
Pinabaunan pa ako ni Alex ng tuna sandwich at porksteak para daw hindi ako gutumin.
Napakasweet talaga ng baby ko.
"I have a good news kuya."
Excited kong sabi kay kuya Anthony."Sige nga, ano ba yang ikukwento mo?"
Tumayo ako at tumingin sa ulap habang kausap ko si kuya sa phone.
"Sinunod ko yung payo mo kuya, pinuntahan ko si Alex at pinagtapat ko yung feelings ko sakanya. And the feeling is mutual. Actually mamaya ay magpopropose ako sakanya para official na na maging kami."
"Hanep, ang bilis ah? Bilib talaga ako sa'yo. Sana siya na talaga yung para sa'yo, sa tono pa lang ng pananalita mo eh mukang masaya ka talaga sakanya."
"Yes kuya, ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko."
"Then that's good for you bro.""Thank you kuya. Osige na I have to go, binalita ko lang sa'yo dahil alam mo namang ikaw lang ang napagsasabihan ko ng mga ganitong bagay."
"No problem bro."
Pagdating ng hapon ay tinawagan ko si Alex at sinabi kong huwag na siyang magluto ng hapunan dahil kakain kami sa labas.
Bago ko siya sunduin ay dumaan muna ako sa isang jewelry store para bumili ng singsing para kay Alex.
Pumili ako ng simple but elegant na singsing, kagaya niya, at meron itong dyamante at sigurado akong babagay ito sakanya.
Pagdating sa unit ni Alex ay hindi na ako nagdoorbell dahil binigyan niya ako ng keycard.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napakaganda niya muka.
"You're there na pala."
Lumapit siya sa akin at niyakap at hinalikan ako sa pisnge."I missed you."
Ang higpit ng pagkakayakap niya at parang ayoko na tuloy umalis ngayong gabi, parang gusto ko nalang makipagmake love sakanya, but no, this night is important at sayang naman yung bihis niya, pwede naman naming gawin iyon pagkauwi mamaya. Hehe, evil laugh here.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)
RomancePapasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya malinaw kong narinig ang boses ng kausap niya. "Ano ka ba 'tol? As if namang magugustuhan siya nila mo...