note: follow me first to see all chapters. Thankyou!
KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 1SOFIA'S POV
"Alexandria!"
Ito agad ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto, ang sigaw ni daddy."Inumaga ka na naman ng uwi."
"Ano itong kumakalat sa internet ha? Nakipagsabunutan ka pa sa club. Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito."He's talking about the video last night, nang sugurin ko at ng mga kaibigan ko si Chelsea, ang babaeng pinagpalit sa akin ni Chad. Ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Yung binigay mo ang lahat ng pagmamahal, oras at tiwala mo tapos iiwan ka lang kasi wala lang daw, kasi hahanapin daw ang sarili, nun pala naghanap na ng ibang babae.
"Ano na lang ang sasabihin ng mga business partners ko?"
Ayan, dyan magaling si daddy, sa mga business niya, yun lang ang mahalaga sakanya.
"I'm going to my room. I'm tired."
Sagot ko dahil gusto ko na silang talikuran. Ang aga-aga kasi ay nakasigaw si daddy. Gusto ko na ring matulog dahil sobrang sakit ng ulo ko."Hindi pa kita tapos kausapin Alexandria!"
Napahinto ako sa paglalakad nang magtaas ulit ng boses si daddy.
"At ano naman itong nabalitaan ko na hindi ka raw pumapasok sa school?"
"Hindi ba't graduating ka na? Ano bang nangyayari sa'yo at pinapabayaan mo ang pag-aaral mo?"Para akong batang pinapagalitan ni dad, habang si mommy ay nakahawak sa braso ni daddy.
"Tignan mo nga yang sarili mo, amoy alak ka pa, mas gugustuhin mo pa bang magparty gabi-gabi kesa makatapos ng pag-aaral? Wala ka bang pangarap sa buhay?!"
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko daddy."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasagot ko siya."Aba sumasagot ka pa."
Akmang sasampalin ako ni daddy nang mapigilan siya ni mommy.
"Hon, hayaan mo munang makapagpahinga ang anak natin. Mamaya mo na lang siya kausapin."
Buti pa si mommy ay naiintindihan ako samantalang si daddy ay simula't sapul hindi ako inintindi at puro pagpapayaman lang ang inatupag niya.
"Let him mommy, ganyan naman si dad, puro ang mga mali ko lang ang nakikita niya.""Anak, tama na."
Sambit ni mommy.Sa tuwing uuwi naman ako ay palagi niya akong sinesermunan kapag may pagkakamali akong nagagawa na para bang wala na akong nagawang tama.
Tuwing magiging dean's lister ako o makakakuha ako ng award ay never akong nakatanggap ng papuri mula sakanya.
"Kaya lumaking suwail yang si Alexandria ay dahil kinukunsinte mo palagi."
Giit ni daddy.Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at hinayaang bumuhos ang luha ko.
Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)
RomansaPapasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya malinaw kong narinig ang boses ng kausap niya. "Ano ka ba 'tol? As if namang magugustuhan siya nila mo...