KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 16JESSIE'S POV
Maganda si Sofia..She has this alluring beauty that can attract every man's eyes.
Kaya naman naiinis ako..
Naiinis ako dahil hindi maalis ang tingin ni Justin sakanya.
Hindi ko alam kung naiinggit lang ba siya dahil sweet sina Sofia at Anthony samantalang kami ay kunwaring sweet lang dahil hindi naman kami okay o baka naman nagandahan rin siya kay Sofia.
"Hon, say ah."
Sinubuan ko si Justin ng steak. Para naman maalis na yung tingin niya kila Sofia.Sinubo niya naman ito at ngumiti sa akin.
"Thanks, hon."
Na-miss ko yung pagtawag niya ng 'hon' sa akin.
Sana pala ay palagi na lang kaming nasa harap ng magulang niya para maging sweet ulit siya sa akin.
I did everything naman to try to win him back pero muling nagbago yung pakikitungo niya sa akin nang malaglag yung dinadala kong sanggol.
Kaya para hindi na lang kami mag-away ay nagfocus na lang ulit ako sa trabaho ko sa ospital namin dahil hindi lang kami nagkakasundo kapag lagi kaming magkasama.
Muli na namang tinignan ni Justin si Sofia kaya naiinis na naman ako.
Napaisip ako kung ano ang pinagkakaabalahan ni Sofia.
Baka naman kasi puro ganda at katawan lang siya kaya niya nabihag si Anthony.
JUSTIN'S POV
Habang kumakain ng tanghalian ay nagkukwentuhan kaming lahat.
Tila ka-close na agad nila mommy at daddy si Alex at bawat i-open na topic ni daddy ay nakakapagshare siya ng opinions niya.
"So what do you do for a living, Sofia?"
Nagulat ako nang tanungin ni Jessie si Alex sa kung anong pinagkakaabalahan nito.
"I am managing a resort in Cebu."
Sagot ni Alex at ngumiti kay Jessie.
"Oh, you're managing a resort.."
Dagdag pa niya na tila minamaliit ang trabaho ni Sofia."Yes."
Sagot naman ni Alex.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)
RomansPapasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya malinaw kong narinig ang boses ng kausap niya. "Ano ka ba 'tol? As if namang magugustuhan siya nila mo...