CHAPTER 6

13.2K 275 9
                                    


KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 6

JUSTIN'S POV

"I love you baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I love you baby."

Pagtingin ko sa pintuan ay naroon si Alex at nakangiti siya sa akin. Muli akong nakaramdam ng saya at pananabik nang makita ko ang mahal ko.

"Bye, I have to go."
Kumaway siya sa akin at tumalikod na.

Tatawagin ko sana siya ngunit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko at hindi rin ako makagalaw, hindi ako makabangon upang sundan siya, upang yakapin siya, upang pigilan siya sa pag-alis.

"Aleeeex!!"

Nagising ako na pawis na pawis at hinahabol ang paghinga.. panaginip lang pala ang lahat.

Tila dinudurog ang puso ko at daig ko pa ang napilayan dahil tagos hanggang buto ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bumuhos ang luha ko habang inaala siya, ang maganda niyang muka, ang pagiging malambing niya, lahat sakanya.

Tatlong buwan.. Tapos mawawala lang pala siya sa isang iglap. Ni hindi ko manlang hinayaan na mas makilala pa niya ako at hindi ko manlang siya naipakilala sa pamilya ko.

Mahigit isang taon na ang nakakalipas at wala pa ring paramdam mula kay Alex.

Naglalasing ako gabi-gabi at umaasang babalik siya at aalagaan ako kapag nalasing ako pero wala, walang Alex na nagpapakita sa akin.

Hindi ko matanggap kung bakit bigla na lang siyang umalis ng walang pasabi at kung bakit hindi ko na siya macontact pa.

Ano ba ang nagawa kong mali at bakit mo ako iniwan, Alex?

Pagkadating ko sa condo unit ko ay may babaeng naghihintay. Alam kong hindi siya si Alex dahil never ko siyang nadala dito.

Humarap yung babae sa akin at sinalubong ako ng ngiti.

"Amoy kang alak."
Saad ni Jessie, ang ex-girlfriend ko.

"What brought you here?"
Tanong ko at hindi ako masayang makita siyang muli.

Binuksan ko ang pinto ng unit ko at sumunod siya sa akin nang pumasok ako.

"That's how you will welcome me?"
Tanong niya.

"Ano bang kailangan mo?"
Inis kong sabi.

Huminga siya ng malalim at muling nagsalita.

"Tito Arthur talked to me. Sabi niya napapabayaan mo na yung company nyo. Madalas hindi ka raw pumapasok at lagi ka raw naglalasing, kagaya ngayon."
Saad niya.

"Hindi ako lasing."
Sagot ko.

"I know kaya ka nagkakaganyan ay dahil sakin. Mahal pa rin naman kita Justin, sorry if I broke up with. I just felt na baka hindi ko maabot yung pangarap ko because you're too demanding. Lalo na sa oras, which is hindi ko naman kayang ibigay palagi."

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon