CHAPTER 7

13.1K 266 0
                                    


KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 7

ANTHONY'S POV


Pagkatapos ng kasal ng kapatid ko ay nagpaalam na ako dahil may flight ako papuntang Cebu.

Mayroon kasi akong business meeting bukas upang mapalawak pa ang business na naiwan ni daddy. Gusto ko kasing maging proud siya sa akin.

By the way, I'm Anthony Vasquez. I am the only son of late Luis Vasquez who died because of cancer, and first son of Carla Martinez. Martinez, yun ang surname ng pangalawang husband ni mommy na si tito Arthur. Half-brother ko si Justin and I am six years older than him. Simula nang dumating siya ay sakanya na umikot ang mundo ni mommy. Siya yung favorite at siya palagi ang nasusunod habang ako ay yung palaging nagpaparaya. But okay lang naman sa akin at lumaki naman kami na close sa isa't isa at maaga akong naging independent. I am an architect and a businessman.

Hatinggabi na nang makarating ako sa Cebu kaya naman nagcheck in na lang ako sa hotel na malapit sa airport.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga. Matapos maligo, magbihis at magayos ay uminom lang ako ng kape at nagcheckout na ako sa hotel. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa meeting place namin ng business tycoon na kakausapin ko. I have to be early para ma-impress siya sa akin.

Malapit na ako sa meeting place pero masyado pa akong maaga dahil walang traffic.

Habang nagmamaneho ay may umagaw ng atensyon ko.

Isang babaeng nakaputing dress at nakaheels na mukang nagtatanggal ng gulong ng kotse niya.

I guess naflat yung gulong nito.

Agad kong itinabi ang kotse ko at bumaba ako upang mag-offer ng tulong.

Lumapit ako sa babae,

"Hi miss, do you need help?"
Tanong ko.

Humarap siya sa akin at tila tumigil ang mundo ko.

Ito ba yung tinatawag nilang, love at first sight?

Napakaganda niya at sobrang lakas ng appeal plus ang sexy pa niya sa suot niyang white dress.

"No thanks, I can manage."
Sagot niya at hindi tinanggap ang tulong ko.

Matatapakan yung pride ko bilang isang lalake kung aalis na ako at hahayaan ko lang siyang mag-isa na magtanggal ng gulong ng kotse niya.

Hinubad ko ang coat ko at inilagay ito sa kotse ko at tinupi ko yung sleeves ko.

Muli akong lumapit sa babae at inagaw yung hawak niya.

"I said I can manage."
Mukang naiirita siya sa akin. Pero hindi bale, I will still help her.

Nang matanggal ko na yung gulong ay ikinabit ko naman yung reserba na nasa compartment ng kotse niya. Kung hindi ko siya tinulungan, malamang ay mamaya pa siya matatapos. Nang mailagay ko na yung na-flat na gulong sa compartment ay isinara ko na ito.

Lumapit sa akin yung babae at inabutan ako ng wet wipes at alcohol.

Matapos maglinis ng kamay at ibinalik ko na sakanya ang wipes at alcohol.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon