CHAPTER 19

14K 259 6
                                    


KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 19

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?CHAPTER 19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANTHONY'S POV

Kinabukasan ay nagising ako na ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.

Hindi ako makahinga ng maayos at nahihirapan akong kumilos na para bang may isang parte ng katawan ko ang nawawala.

Paano kong haharapin si love?

Paano ko siyang kakausapin?

At paano kong sasabihin na ang sama ng loob ko dahil nilihim niya ang lahat?

Humarap ako sa pwesto ni Sofia ngunit wala na siya sa tabi ko.

Sinilip ko ang banyo at wala siya kaya agad akong pumunta sa walk-in closet para tignan kung naroon siya.

Bumuhos ang luha ko dahil wala na dito ang mga gamit niya.

Sumagi sa isipan ko yung lahat ng masasayang pinagsamahan namin ni Sofia.

Yung mga ngiti, halik, yakap at bawat lambing at kulitan naming dal'wa..

Iniwan na ba niya ako?

Sumama na ba siya kay Justin??

Hindi..

Hindi ito maaari.

Hindi ako makapapayag.

JUSTIN'S POV

"Lumabas ka na bago ko pa makalimutang kapatid kita."

Ang gago ko..

Napakagago ko..

Deserve ko lahat ng suntok na inabot ko mula kay kuya Anthony at kulang pa nga ito.

I'm sorry kuya..

I'm sorry Alex..

Hindi na ako dapat nagpumilit pa dahil si kuya na ang mahal ni Alex.

Ang selfish ko at sobrang sama kong kapatid.

Palagi na lang akong pinagbibigyan ni kuya sa mga gusto ko at pati ba naman si Alex na nagpapasaya na sakanya ay gusto ko pa ulit makuha.

Umiiyak ako at nagsisisi dahil sa mga kagaguhang ginawa ko.

Dapat una pa lang ay tinanggap ko na na ako ang may kasalanan ng lahat dahil sinaktan ko si Alex.. Dahil ikinahiya ko siya kaya siya umalis.. Kaya niya ako iniwan.. Kaya nagkakilala sila ni kuya..

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon