CHAPTER 9

12.2K 247 8
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 9

SOFIA'S POV

Gustuhin ko man na iwasan siya ngunit tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kami.

Noong unang beses pa lang na makita ko siya ay naalala ko si Justin dahil sakanya. His height, his eyes, his beard and his smile.

Ayokong magpatulong dahil gusto kong ipakita kahit kanino na kaya kong mag-isa, na okay lang maging single, na okay lang na walang nagmamahal o umaasikaso, na hindi ko kailangan ng boyfriend.

Hindi ako nakipagkilala dahil ayokong mahulog ulit sa isang lalakeng hindi ko pa lubos na kilala.

Hanggang sa di inaasahan na siya pala ang ka-business meeting ni daddy sa resort, na nagngangalang Anthony, ang lalakeng tumulong sa akin nang maflat yung gulong ng kotse ko.

Bihira akong pumunta sa resort dahil ayokong maging close kami, ayokong mahulog ang loob ko sakanya. Dahil simula nang saktan ako ni Justin ay nawalan na ako ng tiwala sa mga lalake. Natatakot ako na baka paasahin lang ulit ako at hindi balak seryosohin.

Nang magcramps ang muscle ko habang nagsuswimming ay agad siyang lumapit para tulungan ako. Yung sa tuwing kailangan ko ng tulong ay dumarating siya para tulungan ako.

Yung bawat tingin niya at bawat pagpapakita niya ng concern sa akin ay nagpapahina sa akin at nagpapagulo sa isipan ko. That is why I'm trying to avoid him. I even asked him na huwag akong kakausapin o lalapitan para wala na lang mamagitan sa aming dal'wa, pero eto, magkasama kaming dalawa sa isang isla.

Yung lalakeng sinusungitan at halos ipagtabuyan ko ay eto, binabantayan ako at sinisigurong ligtas ako.
Hinihimas niya ang likod ko para mawala yung takot ko, para makatulog na ako.

"I'm falling in love with you, Sofia."

Nagkunwari akong natutulog para kunwari ay hindi ko narinig yung mga salitang binitiwan niya.

Please don't say that you love me when you don't have a plan of catching me when I fall.

Pero inaamin ko, inaamin ko na na-miss ko yung ganitong pakiramdam. Yung may taong concern sayo at nag-aalaga sa'yo sa tuwing nanghihina ka, sa tuwing natatakot ka. Na-miss ko yung ganitong pakiramdam na may nakayakap sa'yo, na pinaparamdam sa'yo na ligtas ka at walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa'yo.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw. Maaliwalas na ang panahon at hindi kagaya kahapon na bumabagyo.

Hindi ako gaanong makakilos dahil mukang natutulog pa si Anthony at nakayakap pa siya sa akin. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at pinakinggan ko ang pagtibok ng puso niya.

Napangiti ako ng mapakla.

No, Sofia, huwag kang magpadala sa nararamdaman mo ngayon dahil baka pansamantala lang ito dahil kayong dalawa lang ang magkasama sa isang isla.

"Ma'am Sofia!!!"

"Sir Anthony!!"

Nagising si Anthony at agad naman kaming bumangon at lumabas dahil may naghahanap sa amin.

"We're here!!"

Sigaw namin sa mga staff ng resort.

"What took you so long?"
Inis kong tanong.

"Sorry po ma'am. Bigla po kasing sumama ang panahon kahapon kaya hinarang po kami ng coastguard at pinagbawalang magbyahe dahil delikado daw po."

Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita pa dahil wala naman na akong magagawa. Ang mahalaga ay nandito na sila at makakabalik na kami ni Anthony sa resort.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon