KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
FINALE
SOFIA'S POVHabang nakalutang sa tubig ay biglang umulan kaya naman umahon na ako at naglakad pabalik sa kwarto ko.
Agad akong dumiretso sa banyo para makapagshower at nang makapagshower na ay lumusong naman ako sa jacuzzi.
Nagsalin ako ng champagne sa baso at ininom ko ito.
"Happy 4th monthsary love."
Biglang sumariwa sa isipan ko yung muka ni Anthony habang magkatabi kami dito sa Jacuzzi.Yung gabing sinabi niya sa akin na gusto na niya akong pakasalan..
Yung gabing natuwa ako kasi ipapakilala na niya ako sa family niya..
Yung family pala nila ni Justin..
Napangiti ako ng mapakla at bumuhos na naman yung luha ko kasi nanghihinayang ako..
Nanghihinayang ako kasi kung kelan nakilala at napamahal na sa akin yung parents ni Anthony na matagal ko nang gustong makilala ay saka pa kami nagkaproblema..
Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin ni Anthony..
Yung pagmamahalan namin..
Yung bawat tawa at saya na akala ko ay panghabambuhay na..
Yung pangarap namin na bubuo kami ng malaki at masayang pamilya ay wala na..
Nawala na lang sa isang iglap..
Nabalewala na lang dahil sa pagkakamaling nagawa ko..
Pinindot ko yung button para mahawi yung kurtina at tumambad naman yung tanawin sa labas. Buti naman ay humina na yung ulan.
Nagsalin pa ulit ako ng champagne at nagbukas ako ng potato chips at kinain ito habang nakatingin ako sa karagatan.
Pagdating ng tanghalian ay dinalhan ako ng pagkain ng staff dito sa veranda.
Mayroong mushroom soup, garlic rice, pork barbecue at buttered corn. At baso ng tubig at mango shake.
"Thank you."
Saad ko at nagsimula ng kumain.Binuhos ko na lang yung sama ng loob ko sa pagkain at nang mabusog na ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nagtoothbrush.
Nang makapagpababa na ng kinain ay nahiga ako sa couch at niyakap ko ng mahigpit yung unan.
Bumuhos na naman yung luha ko at sumakit yung dibdib ko.
Sobrang nahihirapan na ako..
Hindi ko yata kakayanin pa kapag wala si Anthony sa tabi ko.
Gusto kong matulog para makatakas mula sa sakit.
At pag nakatulog ako, pakiusap po Lord, huwag Mo na ulit akong gisingin para hindi ko na maramdaman ang lahat ng sakit.
Nagising ako na ang sakit pa din ng dibdib ko at ang bigat ng mga mata ko.
Bakit ginising mo pa ako, Lord?
Huminga ako ng malalim at pinipilit na maging okay.
Bumangon ako at pumunta sa banyo.
Nang makaihi at makapaghilamos na ay sumilip ako sa bintana at gabi na pala.
Muli akong naupo sa couch at muli akong napaluha dahil sa isang box na nasa ibabaw ng lamesita.
"He followed me."
Bumuhos na naman yung luha ko.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)
RomancePapasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya malinaw kong narinig ang boses ng kausap niya. "Ano ka ba 'tol? As if namang magugustuhan siya nila mo...