chapter(22)pagbabalik

1.8K 31 0
                                    

MBIMB

DAVE POV

"Dave ano ginagawa mo"tanong ni yassi habang nag-eempake ako ng gamit ko.

"What do you think yassi"

"May meeting ka pang dadaluhan importante yun"sambit nya

Wala na ako pakialam kong importante pa yun  ang mas mahalaga sa akin si clara.sya lang.

"Wala akong pakialam kaya mona yan aalis na ako sa ayaw at gusto mo"diin ko sakanya

Seguro nagtataka na sya bakit bigla akong uuwi,hindi na nya dapat pang malaman.

"What?"

"Tinuro kona sayo lahat kaya matuto kang gawin ang dapat mong gawin ms.smith"

Parang frustrate na frustrate sya.

"Bakit ba kailangan mong umuwi?"tanong nya

"May mas importante akong pupuntahan kaysa jan sa meeting na yan"

"Mas importante who is she?"
Galit na yong boses nya.

"Hindi mona kailangan kong sino sya!"

"Kaya ba kahit magkasama tayo hindi mo parin magawang mahalin ako dahil sakanya?"

Alam kong nasasaktan na din kita yassi pero hindi ko magagawa ang gusto mo.

"Paano yong engagement natin?"bigla nyang tanong
Nakalimutan kona yan pero ito dapat ang kailangan kong ayusin.

Humarap ako sakanya tumingin sa mga mata nya.
Sa oras na to yassi kailangan mo ng malaman ang lahat,ayukong masaktan ka  lalong ayukong magmukhang tanga dahil um aasa ka na mamahalin kita pero yun ang hindi ko magagawa dahil may mahal na ako.

"Yassi itigil mona yan,wala kang makukuha sa akin,yong engagement na yun hindi magaganap dahil engage na kame ng gf ko"napatakip sya ng bibig sa sinabi ko kita ko ang pagtulo ng mga luha nya."im sorry yassi i can't love you back,kaya hangga't maaga pa itigil mona dahil masasaktan ka lang"

Pagkasabi kong ganun nag-iba ang aura nya.yong tipong may binabalak sya.

"Anu sa tingin mo dave?hindi mo paba ako nasaktan ha?anu ba ang kulang sa akin hindi mo magawang mahalin,nagpapatanga na nga ako para mapansin mo,wala pa rin ano bang mayron sa babaeng yan sya ang minahal mo"sigaw nya

"Yassi tama na kailangan ko ng umalis"sambit ko tapos kinuha na yong maleta ko

"No dave stay with me please"pagmamakaawa nya

"I can't yassi kailangan ako ng mag-ina ko"

Oo buntis si clara

(Flashback)

Habang nasa opisina ako biglang nagring ang phone ko pagtingin ko pangalan ni jared ang nakita ko.agad ko itong sinagot

"Nabuhay ka"sambit ko wala ng hello-hello

"Dave may dapat kang malaman"aniya sa tono palang nya kinakabahan na ako,anu kaya ang sasabihin nya.

"Anu yun jared"tanong ko dito narinig kong huminga sya ng malalim sa kabilang linya.

"Dave ang mama nyo may binabalak sa inyo ni clara,alam mo bang pinalayas sya ng mama mo pagkaalis mo after 5 days seguro kasi nalaman nya na may relasyon kayo"

What the f*ck tuwing tinatanong ko sila lagi nilang sinasabi na nandun si clara sa bahay,

"Dave si clara buntis"nag-alangan pa sya sa pagkasabi

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon