chapter(14)lintasya

1.5K 27 1
                                    

MBIMB

CLARA POV

Isang linggo na simula nun dumating sila,isang linggo na rin hindi kame nag-uusap dahil lagi syang umaalis ng maaga o di kaya naman late na syang dumating,kahit sa phone wala,hindi ko nga alam parang may nagbago sakanya,hindi ko naman sya pwedeng kausapin dahil laging nakadikit yong bruhelda na yun parang linta kainis.

Napansin ko din ang pagbabago ng suot ni linta naging tao na rin sya kaysa yong suot nya dati,yong mom ni dave wala ganun parin ang tingin sa akin parang kinakain akong buhay,buti pa si sir david ang bait nya sa akin,kinakausap din naman ako nun ate ni dave kapag may iutos lang naman.

Masasanay din seguro ako sa ugali nila pagdating ng araw,
Sa totoo lang simula ng dumating sila dito nahihirapan ako dahil utos dito,utos doon,utos jan,kulang nalang maging flash ako mabilis tumakbo.kaso hindi e napapagod din naman ako.pero kere lang,ako pa hindi kaya ako sumusuko.

"Hoy babae paki plansya nga yong damit ko"saad ni linta
Gusto ko sana syang sagutin wag na nga lang

"Sege po ma'am"

Umakyat na ako para pumunta sa kwarto nya para kunin yong damit na iplaplansya ko.

Sunugin ko kaya to para makita nya kong makautos kasi bwesit lang.

Pagkakuha ko aalis na sana ako may nakita akong picture magkasama sila ni dave.

Kailan to parang bago lang,tinitigan ko si dave yong mukha iritado tong si linta naman ngiting tagumpay.haha

Mukhang napilitan lang si honeybee dun e.

Agad na rin akong lumabas baka makita pa ako ni linta baka anu na naman sasabihin sa akin.

Pagkatapos kong plinansya dinala ko din sa kwarto nya.
Agad akong bumalik sa kusina.

"Hoy babae gawa ka nga ng meryenda ko"utos na naman nya
Ito nga tong walang ginagawa utos ng utos nanunuod lang naman

"Ede ikaw na gumawa"bulong ko

"May sinasabi kaba"

"Wala po ma'am"

Paano ako matatapos dito kong puro utos tong linta na to sarap nyang itapon kong saan man sya galing.

Lagyan ko kaya ng lason para madead na haha pero joke lang hindi naman ako ganun kasama no.

Pagkatapos kong gumawa ng sandwich at juice dinala ko sakanya.at tinuloy na yong niluluto ko para sa hapunan.

Bali kaming dalawa lang ang nandito yong mga madrigal may pinuntahan silang meeting.mamaya pa dating mga yun sabi dito daw sila maghahapunan ede nagluto ako.

Sa totoo lang namimiss kona sya,gusto kona syang yakapin hawakan ang mga kamay nya,makita syang ngumiti,past few days kasi lagi na syang nakasimangot kumbaga laging mainit ang ulo.

Parang hindi na sya yong dave na nakilala ko simula nun nandito sila naging cold na sya.hindi narin nya ako magawang pansinin.

After 12345678 years natapos na rin ako magluto.lumabas naman ako pumunta sa garden para diligan mga ito.
Nakita ko din si linta nakabihis may lakad seguro.

Madami na naman nagbulaklak makuha nga mailagay sa vase.
Buti pa tong mga bulaklak walang problema hay sana naging bulaklak nalang ako.

Ang sarap lang magharvest haha
Buti nalang kahit wala akong kausap natutuwa naman ako sa nakikita ko lalo na dito sa garden.

Narinig kong umalis na yong linta kaya ito magisa na naman ako dito sa bahay na to.

"Hay buhay dave miss na kita"sambit ko nalang
Nagulat nalang ako dahil may yumakap mula sa likod ko,amoy palang nya alam kona kong sino nya,

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon