chapter(23)the moment

1.8K 35 0
                                    

MBIMB

Clara pov

Hindi lahat ng pagkakataon puro masasaya ang mararanasan mo sa buhay,may pagkakataon din na dumadating sa puntong may mga problemang dapat mong harapin,dapat nyong harapin pareho sa buhay natin kakambal na ang sakit mapa-pagibig man yan o hindi,kailangan handa ka sa oras na yun.

Hindi mo alam kong kailan o hanggang saan ang kaya mo,pero kong matatag ka walang pagsubok ang hindi mo malalampasan,matuto tayong tumanggap ng pagkalamali,matuto tayong lumaban hanggang sa huli mong hininga kasama ang taong mahal mo.

"Hon are you ready"sambit ni dave
Nagbibihis ako aalis daw kame,babawi sya sa araw na wala sya sa tabi ko.

"Yes hon nanjan na"sagot ko bago ko kinuha   yong mga kailangan ko.

Nandito na kame sa cundo nya lumipat kame dahil hindi na daw pwedeng nandun ako kila gray,hindi daw magandang tignan,dahil dalawa lang kame ang nakatira dun.naintindihan ko naman sya.

****
(Flashback)

"Gray pwede ba kitang maka-usap"

Sa loob ng dalawang linggo na pamamalagi ko dito sapat na yun dahil ayuko na maging pabigat pa sakanya madadamay pa sya sa mga problema namin.

"Nag-usap kasi kami ni dave kailangan ko ng lumipat sa kanila"sambit ko napatigil sya sa ginagawa nya.

"What mas ligtas ka dito jade ipapahamak mo ang sarili mo?"may laman ang sinasabi nya.
ALam kong nag-aalala sya sa akin hindi naman sa bahay mismo nila dave ang lilipatan ko,kundi sa cundo nya.

"Gray alam  kong nag-aalala ka sa akin hindi naman sa bahay nila kame titira kundi sa cundo ni dave"paliwanag ko
Napabuntong hininga nalang sya

"Basta kong may problema ka o kailangan ka nandito lang ako para sayo jadey"

Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata nya parang ayaw nyang umalis ako,

"Salamat gray dahil hindi mo ako pinabayaan"sambit ko tapos niyakap ko sya.

"Mamaya susunduin na ako ni dave"

"Tulungan na kita mag-ayos ng gamit mo"

"Kaya kona gray abala pa ako sayo"

"Kailanman hindi ka naging abala sa akin jadey"

Napatango nalang ako,sinara na nya yong laptop nya at sabay na kaming umakyat sa taas para ayusin ang mga gamit ko.

Sa dalawang linggo ko dito naging masaya ako kasama si gray lagi nya akong pinapatawa kahit minsan sinusungitan ko sya.
Hindi ako sinusukuan.

Pagkatapos namin inayos ang mga gamit ko binaba na ni gray hihintayin ko nalang si dave sa pagdating nya.

Hindi kame nag-iimikan naging akward tuloy mukhang may gusto syang sabihin pero hindi nya mabitawan.

"Jade"yong boses ko hindi ko ma-explain dahil bigla akong kinabahan...

"Sa totoo lang ayukong umalis ka gusto ko dito ka lang,ikaw ang una kong makikita tuwing uuwi ako galing trabaho,pero jade narealize ko na hindi ako sya,wala akong karapatan para pigilan ka,umpisa palang alam kona,hanggang dito lang tayo"

Hindi ko sya maintindihan ano ang sinasabi nya?
"Ano ibig mong sabihin gray?"

"Naalala mo noon mga bata pa tayo sinabi ko sayo nun na ikaw ang gusto kong maging gf kapag pag laki natin,pero hindi ka naniniwala nun sa akin,kasi sabi mo imposible yun  mangyari,kahit hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko pinandigan ko yun,ayuko man sabihin pero nun dumating ka sa akin tumira dito sa bahay naramdaman ko na hindi ako nag-iisa masaya ako na nandito ks at kasama kita,jade gusto ko lang sabihin sayo to mga bata palang tayo gusto na kita,nun time na umalis kame natakot ako na baka makalimutan mona ako maunahan pa ako,pinagsisihan ko yun jade,pero nun nakita kita nun kasama si dave nakita kong subrang saya mo,nakikita ko sa mga mata mo yun,kaya nagdecide ako na,seguro tutuldukan kona ang pagmamahal ko sayo,dahil malabong maging tayo dahil may dave kana,sapat na yong nakasama kita jade iloveyousomuch jade"sa haba ng sinabi nya hindi ko akalain na may ganito pala syang nararamdaman sa akin,kaya ganun nya ako alagaan,kasi mahal nya ako.

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon