1 (Ichi)

132 2 0
                                    

Chapter 1

          "Ma, 'hindi nalang kaya ako sasama kay papa? Kinakabahan kasi ako na medyo na-e-excite. Pero mas nangingibabaw ang kaba.." Kinakabahan kong saad kay mama.

          "Echo, huwag kang kabahan.. Ganun din ako noon. Hindi ba gusto mo na rin'g pumunta sa mundo ng mga tao?"

         "O-opo ma."

         "Oh, diba? Tsaka siguradong hindi ka naman pababayaan do'n ng papa mo. Kaya hala, 'wag ka nang kabahan anak."

          "Opo." Marami na akong alam sa mundo ng mga tao dahil araw-araw ay kinu-kuwento sa'kin ni mama ang tungkol sa mga tao.. Kaya, hindi ako natatakot kundi kinakabahan na medyo na-e-excite. First time ko kasi na pumunta do'n.

         Ako nga pala si Thaleia (pronounced as: Thalia) Echo Fidget o mas kilala bilang Echo. Labing-walong taong gulang at ako ay isang sirena. Hindi ako buong-dugo'ng sirena dahil may dugo'ng tao din ako. Ang mama ko ay isang tunay na sirena samantalang ang papa ko naman ay isang tao. Nagkakilala sina mama't papa sa gilid ng dagat kung saan walang tao'ng pumupunta. Sabi ni mama yun daw ang lugar kung saan siya palaging tumatambay kapag gusto niya'ng mapag-isa. At sa di inaasahan'g pagkakataon ay nagkakilala sila.

          No'ng una natakot daw si papa at parang di makapaniwala na totoo'ng may sirena. Pero nung huli, naging magkaibigan sila. Palagi silang nagkikita sa gilid ng dagat kung saan sila nagkita. Hanggang sa niligawan ni papa si mama. Hindi nagtagal ay sinagot siya ni mama at makalipas ang ilang mga buwan ay nagpakasal sila. Pero bago iyon ay kinakailangan niya muna maging ganap na tao bago sila magpakasal. Meron kami'ng kinakain para magkaroon ng paa pero makikita lamang iyon sa pinakasulok ng dagat. Hindi na nagdalawang-isip si mama at pinuntahan ang pinakasulok ng dagat. Nagtagumpay siya at nagkaroon ng paa. Laking saya ni mama ng makita niya ang kanyang sarili bilang isang tao, ganun din si papa. At yun, nagpakasal sila at hindi nagtagal ay nabuo ako.

         Nagkaroon ng kasunduan sina mama at papa na mananatili ako sa tabi ni mama hanggang sa edad na labing-lima at pagkatapos no'n ay kina papa naman ako mananatili. Gusto sana ni mama na tumira sa mundo ng mga tao kaso hindi siya pinayagan ni Haring Cleo, ang humahari sa amin'g mga sirena, dahil siya ay isang buong-dugo'ng sirena. Kaya, ayun. Nagkaroon sila ng kasunduan. Sabi ni Haring Cleo pwede daw akong tumira sa mundo ng mga tao, tutal meron naman akong dugong tao at hindi naman siya tutol kay mama na sirena at kay papa na isang tao. Nagmamahalan lang naman daw sila. Ang importante ay walang gulong magaganap.

         Kaya heto kami ngayon ni mama, naghihintay sa pagdating ni papa dito mismo sa lugar kung saan una silang nagkakilala. Totoo nga ang sabi ni mama. Walang tao ang pumupunta dito. Maganda ang tanawin at napakasarap tumambay dito..

         "Oh, nandyan na pala si papa mo." Sabi ni mama habang nakaturo sa isang taong papalapit sa direksiyon namin.

         "Papa! Na-miss kita!" Masayang sambit ko habang nakayakap sa kanya nang makalapit na siya. Noong bata pa ako ay palagi rin kaming nagkikita dito ni papa pero mabilisang pagbisita lang ang ginagawa niya dito dahil marami siyang ginagawa sa trabaho at naiintidah ko siya.

         Niyakap niya rin ako pabalik. "Na-miss rin kita anak."

         "Anak, magpalit ka na bilang tao." Sabi ni mama na parang hindi na maalis ang matatamis niyang mga ngiti sa labi..

         "Opo." Tinulungan ako ni papa na ilagay sa isang tuyo na lugar. Hindi nagtagal ay unti-unti'ng nagbago ang aking buntot hanggang sa naging paa na siya. Hindi ko na kinakailngan pa'ng uminom ng gamot para magkaroon ng paa dahil si papa ay isang tao at walang kahirap-hirap na pwede ako'ng maging tao kahit kailan ko gusto basta nasa tuyo na lugar lamang ako.

          Inabutan ako ni papa ng damit pang-tao. Di nagtagal ay natapos na rin akong magbihis.

         "Oh, anak ano? Ready ka na ba sa bagong buhay mo?" Masayang wika ni papa nang makita niyang nakatayo na ako. Alam ko na masayang-masaya talaga siya ngayon dahil matagal niya nang gustong makasama ako..

         "Opo pa. Ready na ready."

        Bumaling si papa kay mama, "Oh, mahal aalis na kami ha? Mag-iingat ka palagi dito. Mahal na mahal kita." habang nakayakap siya dito.

        "Ikaw talaga mahal. Oo, mag-iingat talaga ako. Kaya ikaw, mag-ingat ka rin do'n ah dahil ngayon kasama mo na ang anak natin." Pabalik na wika ni mama habang niyayakap si papa pabalik.

         Matapos ang kanilang 'sweet moment' ay sa'kin naman bumaling si papa. "Halika na anak." Sabi niya habang inaalayan akong maglakad.

         Sinulyapan ko muna si mama sa huling pagkakataon, "Paalam po ma.. I love you." Mangiyak-ngiyak 'kong saad.

          Nakita kong nagpahid si mama ng isang patak ng luha na nanggaling sa kaniyang mata. "I love you too, anak. Hanggang sa huli." Tumango lamang ako sa kanyang sinabi at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa masyado na kaming malayo na hindi ko na gaano'ng nakikita si mama.

         Bumaling na ako sa harap at inenjoy ang bagong buhay ko bilang isang.... tao.

***

A/N:

         Hi :) Sa wakas! Nasimulan na rin 'to.. Sorry po. Mas inuna ko pa yung isa kong story na bago palang na-publish kaysa sa dito na last month pa na-publish.. m(_ _;;m

         Sana po nagustuhan niyo itong unang Chapter ng MGM. =)) 

         Vote. Comment. Follow. Stay tuned and be loved!

Xoxo,

๓เรtא

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon