Chapter 7: Suicide Section

42 3 0
                                    

Amy's P.O.V

Naglalakad na ako ngayon papuntang room, Ayoko sanang pumasok kaso pinilit ako ni kuya Russel baka daw kasi magalit na si Ma'am Sita, eh' paki ko kung magalit yun? tsk.

Malayo palang pero naririnig ko na yung ingay sa loob ng room,

Tinulak ko yung pinto ng silid.

Tumahimik naman ang mga kaklase kong bugok.

Dumiretso ako sa upuan ko pero bago pa ako makaupo ay tinawag ako ni ma'am Gabriela.

"Amy?! Bakit nandito kapa? Di ka ba nainform na nailapat na ang pangalan mo sa Suicide Section? Believe it or not Amy pero duon ka nababagay" Nakangising Saad ni ma'am Gabriela.

'As in? duon siya nilagay?'

'Gwad! Section nila Jacob Haiden yun!'

'Sh*t lang?'

'Swerte naman ni Amy'

'Di siya na babagay dun duh!'

Sari-saring bulungan ang lumaganap dito sa silid namin.

"Okay?" Patanong na sagot ko at lumabas na sa room.

Nagtanong ako sa isang istudyante kuno na naghahanap ng kodigo sa kaibigan niya, Sabi niya sa dulo daw ng 5th Floor gwad! Grabe naman yung section na yun ang layo!.

Aaminin ko kahit dalawang taon na akong nag-aaral sa school na'to hindi ko inalam ang mga pasikot sikot ng school ang tanging alam kolang ay ang room ko at ang principal office except sa C.R,
Second Year College na kami nila Ange, Mica at kuya Russer.

Samantalang, Fourth Year College naman si Angel pati si kuya Rustin,
Si kuya Russel naman ay Third Year College na.

Pero mas pinili ng mga kuya ko na sa ibang school sila mag-aral at ako naman mas pinili na humiwalay sa kanila.

Nasa tapat na ako ng room,
Wala akong naririnig na ibang ingay sa loob maliban sa teacher na nagtuturo. anong section ba ang binigay nila sa'kin? Ano patayan kaya Suicide yung pangalan ng Section? Ano yun Last Section yung nasa Wattpad? Tsk.

Walang pasabi akong pumasok sa
loob at pumunta sa harapan.

Nakita ko yung ibang istudyante kuno na natutulog yung iba nagcecellphone tapos yung mga babaeng malalandi busy sa pag mamake-up.

"Amethyst Ferer right?" Pagtatanong ng isang teacher.

Nakita ko na napatigil ang iba sa kani- kanilang gawain at napatingin sa harapan.

'Look who's here, the b*tch'

Saad nung isa, teka teka? Syota yun ni Steven ah? tumingin ako kay Andrea at tinaasan lang siya ng kilay.

Tumango lang ako sa teacher.

"Class, may I call you're attention please?
This is you're new classmate" Nakangiting saad nito.

"Okay you can now introduce your self" Dag dag pa niya.

"Amy" Maikling pagpapakilala ko sa kanila.

"That's all? Wala nang iba?" Tanong ulit niya.

"Ano paba ang gusto mong idag dag ko?" Mahinanong pagtatanong ko.

"Sabi ko nga wala na, sige pwede kanang umupo, duon ka sa likod sa bakanteng upuan"

Turo niya duon sa space sa likod

Habang naglalakad ako papuntang upuan ko ay may mga mahihinang bulungan akong nadidinig.

'Bakit nandito yan? Ampanget naman!'

Walang PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon