Chapter 9: Good Mood Turn to Bad Mood

43 2 0
                                    

Amy's P. O. V

Panibagong araw panibagong yugto ng buhay, ang sarap ng pakiramdam ko.
Napangiti ako ng maalala ang mga nangyare kahapon lamang.
Satisfied na satisfied na talaga ako! yessue.

Dahil sa dala ng saya ng nararamdaman ko hindi ko na namamalayan na tumatalon talon na pala ako sa kama kaya hindi ko napansin na malapit na ako sa dulo.

"Aray" Napahawak ako sa pwetan ko dahil bumagsak ako sa sahig.
Dahan dahan akong tumayo at pumunta na sa banyo.

Nagsipilyo, Naghugas ng mukha at nag punas. pumunta ako sa damitan ko at isinuot ang ipang e exercise ko ngayong araw.

Halos limang araw na nuong huli akong mag exercise, dahil nga sa nangyare sa akin. kung kaya't galit na galit ako sa ginawa ng hinayupak na lalaking yun!.

Ginawa ko na talaga daily routine ang pag e-ehersisyo lalo na't ito ang nakakapagpagaan ng pakiramdam ko, hindi pa naman nabubuo ang araw ko
'pag hindi ko nagawa ang pag eexercise.

Ito din 'yung nakakapag paakit sa ibang kalalakihan dahil sa mala-bote kong katawan at makikinis na balat,'di naman masagana ang aking dibdib dahil katam taman lang ito sa laki, hindi katulad ng kay Andrea! Parang halos araw-araw pinapakapa sa iba't ibang lalaki para lalo pang lumaki tsk.

Pumunta ako sa sarili kong gym, at nagsimula nang mag ehersisyo.
Matapos, ay pumuta ako sa dining table para uminom ng kapeng barako.

"Amy, Bakit ang aga mo? Maayos na ba talaga ang paa mo at nakabalik kana sa pag eehersisyo mo?" Bungad ni kuya Russel at pumunta na din sa dining table.

"Yes kuya, one hundred percent sure" Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Wao, parang kahapon lang bad mood na bad mood ka Amy ah? Anong nakain mo baby?" Singit naman ni kuya Russer.

"Ano ba'ng pake mo? Atsaka bakit? ayaw niyo ba na nakikita akong ganito?" Napataas ang boses ko kung kaya't napatakip ng tainga sila kuya Russel.

"Amy, Can you please volume your voice? It's too loud! nakakairita sa tainga!" Galit na saad ni kuya Rustin habang nagbabasa ng book sa sala.

Kahit malayo siya sa amin ay nadinig padin namin ang pagkataas taas ng boses niya dahil nageecho ito sa loob ng mansion.
Mas maaga pa pala siya sa'king nagising? 'di ko manlang naramdaman ang presensya niya.

"By the way Amy, 'di kita maihahatid ngayon sa school niyo kasi maaga pa ako ngayon, may meeting kaming mga officers, kung gusto mo magpahatid ka nalang kay manong? " Pag papaalam niya.

"Yes kuya, 'wag na okay lang ako" Sagot ko sa kanya at ngumiti matapos ay ibinaling ang tingin sa nabitin na inumin.

"Ako nalang ang maghatid sayo lil sis" Saad ni kuya Russer.
"Huwag na, mas gusto kong maglakad nalang" Tiningnan ko siya sa mata at tinaasan siya ng kilay.

"Grabe ka naman lil sis, ako na nga ang bahala eh" Dag dag pa ni kuya Russer.
Asa siya! Kahit magdusa siya diyan! baka bigla nalang ako mahimatay sa kayabangan ng kuya kong 'yan, jusko.

"Maglalakad nalang ako kuya Russel, para naman makapag-exercise yung mga paa ko" Sabi ko sa kuya Russel at ngumiti.
"Oh siya, basta mag-iingat ka" saad pa niya.

Tumango naman ako at tumayo na sa kinauupuan ko, pero bago pa ako makaalis ay binigyan ko ng matalim na tingin si kuya Russer.
Napasimangot naman ito at nag-akting umiiyak, jusko hindi naman naiiba si kuya sa'min diba?bakit ganun nalang ang ugali niya?tsk.

***

Lumabas na ako ng gate at nagpaalam na sa guard, nagulat nga ang mukha niya eh hahaha yung itsura niya nakakatawa! parang ngayon lang nakakita ng taong nakangiti haha.

Masaya akong naglakad sa tawiran, nakakamangha lang, sa tagal kong hindi nakapaglakad ng ganito feeling ang tagal kong nawala, lagi nalang kasi akong nakakulong sa bahay, ta's pag-aalis ako kailangan naka kotse kasi magagalit yung mga kuya ko 'pag ako lang ang aalis.

Nasa gitna na ako ng tawiran ng makarinig ako ng malakas na busina, at dahil sa inis ko, napalapit ako du'n sa sasakyan at agad na pumunta sa harapan nito.

Bwiset! Bakit ba napaka epal ng lalaking 'to sa buhay ko? lagi ko nalang ba siyang makikita? nauurat na talaga ako punyemas.

"Ikaw na naman? bakit ba napaka papansin mo? ikaw nalang ba lagi kong makikita at mababangga? nauurat na ako sa'yo! Lumabas ka dito magsuntukan tayo!" Pasigaw na saad ko sa harapan ng kotse niya.

*Beep* *Beep* *Beep*
Napatakip ako ng tainga ng magbusina siya nang napaka lakas.
Aray ko! Feeling ko nabasag ear drums ko.

"Hoy miss! Tumabi ka jan! Gusto mo bang mamamatay nang maaga?!" Dungaw ng lalaki sa binta ng kotse niya at matalim na tingin ang pinakawalan niya sa'kin.

Aba! Aba! Naboboset na talaga ako! kung kanina ayos na ayos ang araw ko ngayon mukhang sira na sira na ang buong mundo ko.

Bukod sa napahiya pa ako! Muntikan pa akong matanggalan ng tainga! nako! 'pag ako talaga nakakuha ng tiyempo tatapyasin ko na talaga ang kaligayahan niya!.

Mabilis akong tumakbo para makatawid, tiningnan ko si gago na hanggang ngayon ay tumatawa padin.
Argh! Kailan ba ako makakatyamba sa boset na Jacob na 'yan?.

Ugh! Sira na naman ang araw ko, ang lupet diba? tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon