Chapter 4: Secret Agent

67 7 1
                                    

Amy's P.O.V

Sumalubong sa'kin ang mga butlers at agad silang yumuko.
"My lady" Nakayukong bati nila.
"Oh ano pa ang tinatayo tayo niyo jan?Tawagin niyo sila kuya!"Ang babagal naman ng mga katulungan na'to! Nakikita na nga nilang yung kalagayan ko eh! Ugh! Qaqiqil!.

"My lady, Tara napo sa loob naghihintay na ang mga kuya mo" Saad nung assistant ni Papa na si Jerich.
Isinakay niya ako sa kotse atsaka pinaandar ng driver yung sasakyan.

"My lady, Kailangan niyo na pong maghanda dahil sinabi po sa akin ni King Slote na ititrain na niya kayo sa mga susunod na a--" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko ito.
"Ano yung huling sinabi ko sa'yo?" Pagtatanong ko.
"A.Y.O.K.O" Isa-isa niyang binanggit ang mga letra.
"Eh bakit mopa sa'kin yan sinasabi ha? gusto mo bang matanggal sa trabaho?" I raised my eye brow.
"P-pe-pero..." Dugtung niya pa.
"No buts Jerich end of conversation!" Pagtatapos ko sa usapan.

Nakarating kami sa pintuan at inalalayan ako ni Jerich sa paglalakad Nakita ko ang mga mata ni kuya Russel na alalang alala at agad tumakbo siya sa kinaruruonan namin.

"What happened?" Pagtatanong niya.
"Obused ba? Kita mo naman diba may saklay ako kaya may pilay ako! Tama na muna yung pagtatanong mo kuya! I want to rest na." Pabalang na sagot ko.
Nakita ko namang sininyasan niya si Jerich na umalis at siya na daw ang bahala.

"Pero tandaan mo ah? Magpapaliwanag kapa sa'min ng mga kuya mo" Mahinahon na sagot niya.
"Oh! Anong nangyari sa paa mo baby? ay kawawa naman yung bunso namin"
Kunwaring nalulungkot na sabi ni kuya Russer.

"Dfq kuya? Di na ako bata! Aisssh!"
Kung tutuusin mas mukha pa siyang bata kaysa sa'kin dahil sa inaasal niya.
"Bakit ano ba ang tawag mo sa sarili mo matanda? Nako baby bata kapa wag mong pangarapin ang tumanda ienjoy mo lang ang pagiging dalaga, gayahin mo kasi ako napakagwapo at napakakisig dinudumog ng mga babaeng magaganda ang kutis"
Tapos kinindatan niya ako yak!
"Kuya! mangilabutan ka nga sa sinasabi mo! kadiri ka!" Kadiri naman 'tong lalaking 'to jusko masyadong mayabang!

"Tama na nga yang kalokohan mo Russer! Amy need a rest and she need a peaceful sleep! So stop being witty! kasi hindi naman nakakatawa ang mga pinagsasabi mo!" Putol ni kuya Rustin sa kayabangan ni kuya Russer Nagbabasa ng book si kuya habang sinasabi ang mga katagang makakapagtigil sa bunganga ni kuya
Yan tama yan kuya tsk.

Pinapasok na ako ni kuya Russel sa kwarto at sinabi niyang magpahinga daw ako ng maayos at bukas pupunta kami sa hospital para ipacheck up ulit itong paa ko.
Aiiiish! Nakakainis na araw 'to!
Binuksan ko yung cellphone at ang daming text at tawag galing kayla Angelica.

'Girl ano bang nanyari sa'yo?Natae kaba jan sa sa shorts mo at hindi na makalabas jan sa C.R?' -Angeline.
Qaque 'to ah? Ano ako elementarya para tumae sa pants ko? Qaqiqil.

'HOY!AMY!SAN KA NAGPUPUNTA PUNTA?PINUNTAHAN KA NAMIN SA C.R WALA KANA DUN! ANO NANAMAN BA ANG PUMASOK SA ISIPAN MO?!' - Angelica.
Ano ba sa tingin niya ginawa ko?

'Ano ba girl! San kaba galing? Pinasok kapa namin sa C.R wala ka dun kadiri sa loob ang dumi! ew!' -Mica. -,-

Wow ah? Nagawa niya pang mag inarte sa mga oras nayun?dfq?
'B.u.h.a.y.p.a.a.k.o' Message sent.

Papatayin kona sana yung phone ko kaso may nag text 'Ready for your training Amy' -Daddy.
Ilang ulit koba sasabihin sa kanya na ayokong sumali sa Org na hawak niya? ayokong maging agent!
Pinatay kona yung phone ko at nilagay sa gilid ng kama napabuntong hinga ako at ipinikit na ang mga mata.

***

Napamulat ako ng mga mata kinapa ko yung phone ko sa gilid ng kama pero wala na dun kaya tumayo ako para buksan ang ilaw ngunit ayaw umandar sh*t! what's happening?
May nararamdaman akong kakaiba kinuha ko ang flash light at knife sa cabinet ko itinali ko ang buhok ko at naglagay nadin ako ng dagger dito, ito lang ang paraan para ready na ako kung mangyari mang masama.

Unti unti kong binuksan ang pintuan walang ilaw fvck! ano 'to? pinaadar ko yung flash light na hawak ko at nakita ko yung nagkalat na dugo sa tapat ng pintuan ko natatakot ako! natatakot baka may nangayaring masama kayla kuya.

Takot man at ika ika akong maglakad pinilit ko pading sundan ang mga dugong yun nakakita ako ng tali
naisip ko agad na bitag yun.
Tumingin ako sa itaas at nakita ang vase na nasa itaas ko may posibilidad na mahulog sa akin yang vase nayan kong ma aapakan ko ang mga tali.

Nag ingat ako habang naglalakad pababa ng hagdan sinusundan ko padin yung mga nagkalat na dugo,
Nakarating ako sa ibaba at nakita ang phone ko sa mesa sh*t! Tumingin ako sa likod at aakmang itutusok kona ang kutsilyo sa dib dib ng taong nasa harapan ko! Pero bago kopa maitusok yun mabilis na nahawakan niya yung kamay ko, Fvck muntik na yun! Nakarinig ako ng switch at bumukas ang mga ilaw.

"Dad! I almost kill you! You scared me Dad! Akala ko may nangyari ng masama kayla kuya! Dad tinakot mo'ko" Nanginginig at naiiyak na saad ko.

"Isa lang yan sa mga training Amy! Kung tutuusin napakadali ng larong ginawa ko eh! dapat kasi inisip mo muna na magkaiba ang dugo ng tao sa dugo ng hayop at dapat sinigurado mo na walang mangyayari pag bumaba ka galing sa room mo, tsk di kapa magaling Amy kailangan mong dumaan sa mga pagsubok"
Mahabang lintaya ni Dad.

"Akala ko nga din may nangyaring masama sa inyo nila Rustin eh!" Saad ni kuya Russer pababa ng hagdan.
Tiningnan ko ang mga hagdanan nila kuya at may mga nagkalat din na dugo.
"Lahat tayo Amy dumaan sa pagsubok ni Dad" Dugtong pa ni kuya Russel
Nasa harapan kona sila kuya kasama si Dad.

"Don't worry baby! Hindi namin kailanman gagawin ang alam naming training na makakasama sa'yo at ng mga kuya mo" Dag dag pa ni Mom Aimee.
Ngayon ang nasa haparan ko nalang ay si Dad at Mom katabi kona sila kuya ngayon.

"Kaya ko ginawa ang mga bagay na'to kasi alam kong tutol kayo sa ipapagawa kong mission! Except sa kuya niyo na si Rustin,
Kayo munang apat ang hahawak sa Dark Pentel Organization na pinamumunuan ko dahil aalis kami ng Mom niyo papunta U.S there's no but's and there's no reason to dis-obey it just accept my mission that i'll gave to all of you.
Rustin, Bilang panganay sa inyong magkakapatid you will be the mind of you're group at Russel bilang pangalawang anak ko ikaw ang magiging hacker or cheater sa grupo niyo at Russer and Amy? You will be the Secret Agent of this group Understood? Bye, Aalis na kami ngayon ng Mom niyo Jerich ikaw na ang bahala sa kanila itrain mo sila sa hanggang sa makakakaya mo"
Bago umalis sila Dad ay hinalikan muna kami ni Mom sa pisngi at sabi sa'kin ni Mom na magpahinga daw ako at magpagaling nag sorry siya sa akin dahil hindi niya daw ako maaalagan ngayon pati sila kuya.

Secret Agent? The Hell! Pag si Dad na ang nagsabi wala na! Wala na kaming kawala Ugh!.

***

CONGRATS SA MGA KA ARMY KO TULAD KO PANALO TAYO!
Yipeeee! Yipeeee ❤ Mahalakongbiasko.

Walang PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon