SPEAK NOW OR FOREVER HOLD

12 1 0
                                    


It's been a year since nangyari yun, it's been a year yet I'm still hurt.

Masakit kase hindi ka mapanindigan ng mahal mo sa harap ng magulang niya, yung 4 years na pinagsamahan namin, tinapos lang ng salitang "ok, po mama, gagawin ko" Tangina diba? Di niya ko pinanindigan at pinaglaban, pero yung punyetang puso ko still nasakanya.


-

I'm Jazz Villena, Event coordinator, and nandito ako ngayon sa Vieux Hotel dahil may aasikasuhin akong event at dito yung mismong venue na napili ng client namin.

As I walking in the lobby, may nakita akong karatula na nagpalambot ng tuhod ko.

"This way to the wedding of Mr. & Mrs. Sebastian"

Parang nabingi ako sa nabasa ko, pilit kong pinapaklma yung sarili ko, napabulong na lang ako, "siguro si kuya vince yun..." tama si kuya vince nga.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kusang kumilos yung mga paa ko papunta sa venue. Siguro kase namimiss ko na siya at gusto ko siyang makita.

Naiiyak ako, no, hidni pala kse iyak nako ng iyak, halong sakit at lungkot pagkamiss yung nararamdaman ko.

Mas lalo ako nanghina nung makita ko siyang kausap yung mga magulang niya.

Kean ang gwapo mo parin, no mas lalo kang gumwapo, titingnan ko pa sana siya ng matagal kaso bigla siyang napatingin sa gawi ko, dali dali naman akong tumakbo para magtago, kinakabahan ako, sana di niya ako nakita.

Habang tinatahan ko yung daan, nakarinig ako ng sigaw na nanggaling sa isang kwarto, hidni ko maiwasang mapasilip.

Nakita ko yung isang babae na nakasuot ng pangkasal na inaayusan habang sinisigawan yung mga bridesmaid niya, parang pamilyar yung boses pero di ko na pinansin.

Kahit gustong gusto kong kausapin si kean hindi pwede nandun kase yung mommy niya, at siguradong di siya papaya, hinding hindi

Bumalik ako sa lobby para matapos na yung agenda ko sa hotel na to, and after more than 30 minutes na settle ko na ang dapat kong gawin, uuwi na sana ako ng mapadaan ako ulit sa lobby at makita yung karatula, heto na naman ako, nakakainis.

Di ko na namalayan, papunta na ako sa venue nila.

"F*ck, Jazz, what are you doing, bat ka pa pupunta, wala na diba?" Kausap ko sa sarili ko pero ganun pa din, naglalakad pa din ako papunta sa hall kung san gaganapin yung kasal.

Saktong pagsilip ko nakita ko si kean, kasama si kuya vince na halatang hinihintay yung bride, na kasalukuyang naglalakad papapunta sa harap ng altar, parang nasa pageant kung maglakad, gracefully and modest.

Hindi ko namalayan na pumasok ako ng tahimik at naupo sa pinakadulo ng nakayuko, sabagay kakilala ko naman si kuya vince, nung inangat ko yung ulo ko para tingnan sila bigla nalang tumulo yung luha ko, kaya heto ko umiiyak ng tahimik sa dulo habang tinitingnan si kean na kasama yung bride sa harap ng altar.

"a-a-akala k-ko ..." "... b-ba-ki-t-t" hagulgol ko pa din mas lalo akong naiyak ng makilala ko kung sino yung babae.

"T-the-a-a? baki-i-iit?" iyak parin ako ng iyak, yung ibang mga bisita na ankaupo sa dulo, tinitingnan na ako, pero wala akong pakealam.

Bakit sa lahat ng babae sa bestfriend ko pa ikakasal si kean? Bakit di man lang nabanggit ni thea to? Since elementary mag bestfriend kami, alam niyang mahal na mahal ko si kean, na halos ikamatay ko nung naghiwalay kami, nandun siya nung mga panahong ayoko nang bumagon sa higaan, nandun siya alam niya yun, pero bakit ganito?

Nakatingin pa rin ako sakanila habang umiiyak.

Punyeta ang sakit, bakit ganito? Makita siyang nakangiti pero kay thea siya nakatingin, bakit ganito? Bakit nila ko niloko?

Habang nagmimisa si father, napatulala nalang ako at di maiwaasang maisip yung mga pinagsamahan namin dati, yung mga panliligaw niya, yung pangungulit niya sakin araw araw, yung mga trip niya para lang mapatawa ako pag malungkot ako, yung first date namin na trinato niya kong prinsesa, yung oras na sinagot ko siya, yung ngiti at saya niya na tipong gusto na niyang umiyak, sinigaw pa niya sa buong room at cafeteria na sawakas sakanaya na ako, yung mga time na nagdadamayan kami pag may problema, yung mga time na siya na lang yung masasandalan mo, yung mga time na yun ...

wala na ngayon.

Nrinig kong nagsalita yung pari "speak now, or forever hold your peace"

Hidni ko alam kung san ko kinuha yung lakas ng loob ko, pero tumayo ako ng umiiyak, rinig na rinig ko yung mga sinasabi ng ibang bisita, kung pano nila ko tingnan ng may gulat at pagkasuya pero kay kean lang ako nakatinigin.

Naguat siya na nakita akong nasa kasal niya, kasal nila ng bestfriend ko, maging si thea nagulat at parang natakot, binubulungan niya si kean pero sakin lang din nakatingin si kean.

Nakikita ko yung lungkot sa mata niya, pagkamiss o pagka awa sakin?

Hindi ko alam, basata ako deretchong nakatingin sakanaya sabay sabing "Stop, Kean you should not marry the wrong girl..." "do you love her?" nagulat siya sa sinabi ko, " Kean why? Thea why? Why are you both doing this to me" hidni pa rin sila kumikibo "Kean, don't say yes, please."

Di ko na mapigilang mapahagulgol, "please kean..." pagmamakaawa ko, pero nung yumuko siya alam ko na, hindi pa rin niya ko kayang ipaglaban.

Tumakbo na ako ng tumakbo hanggang makapunta ako sa garden ng hotel at dun nag iiiyak.

Napakasakit, bumalik na naman lahat, lahat ng lungkot, lahat ng sugat bumukas ulit, at mas dumoble pa.

Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak, at pilit na pinaiintindi sa sarili ko na wala na hidni na talaga pwde.

"Tama na jazz please ..." Iyak ko pa ring sabi.

Halos mag iisang oras akong nasa garden at walang ginawa kundi umiyak ng may mapansin kong may nagabot sakin ng panyo, na kung titingnan mo siya din galing sa pag iyak dahil sa pula ng ilong.

"No thanks, ginamit mo na yan, tas ipapagamit mo sakin." Matabang kong sabi habang umiiyak pa din.

Natawa siya "Sige na kunin mo na, mas bagay ata sayo yung nakangiti hindi yung umiiyak"

"Ayoko."

"Yung sipon mo tumutulo na"

Napahawak anman ako sa ilong ko kung meron pero wala naman.

"leche ka wala naman"

"Hahahahahahha, joke lang miss, tumigil ka na kakaiyak di kaba napapagod?
Kase ako pagod na"

At diyan ko nakilala si Timothy. And up until now, we are friends, yes friends and ang nakakatawa same din ang nangyari smain, kinasal yung mahal namin sa iba.

People around us saying bagay daw kami, sinasagot na lang namin sila ng ngiti, nandidiri kase ako pag naririnig ko yun not that panget siya at mukang jejemon sa kanto, he has the looks per yung ugali? Daig pa ako kapag niregla, pasumpong sumpong.

It's been a year, at tanggap ko na, na hindi kami ni kean para sa isa't isa, makakahanap din ako ng someone baling araw, maybe not now pero soon.

"Hoy, ano tutunganga ka na lang? mahuhuli ka na flight mo tomboy" simaan ko na lang ng tingnin tong si timo, pero im thankful na nakilala ko siya, nagkaron kase ako ng instant friend tas driver pa oh diba hahaha.

And this is my story, kahit Hindi kami nagkatuluyan ni kean, at marami pa siyang hindi napapaliwanag I'll just wait until the perfect time na makapag usap kami and of course to clear all things out.

And for timo? Hindi ko alam kung san ko itatapon tong gunggong nato, pag sobrang nabadtrip nako. By the way thanks for reading my story.

Love,
Jazz (jayvee)

-
Please Vote | Comment what you feel.
Kamsaaaa~

SPEAK NOW (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon