“Alam mo ba iyon feeling na halos ayoko nang makita ang pagmumukha ng Leo na iyon dahil nangangatog pa rin talaga ako sa galit hanggang ngayon.” namumula sa galit ang buong mukha na turan ni Jean habang kumakain siya ng almusal kasalo ang buong pamilya niya.
Mataginting na tumawa naman ang pasaway na kuya Brandy niya. Maging ang mga magulang nila ay natawa dahil sa sinabi niya.
“At ano ba ang sabi ko sa'yo hija, talagang hindi ko gusto ang nobyo mo.” naiiling na wika naman ng mommy niya.
“Mommy naman eh, ex boyfriend na po,” pilit na ipinagdiinan pa niya ang huling salita na para bang hindi siya naintindihan ng ina.
“O siya, ex na kung ex.. basta hindi mo dapat siyang balikan pa,”
“Excuse me..” namimilog ang mga matang bulalas niya. “Mom, kilala mo ako dahil unica hija mo ako.”
“Excuse me po,” putol ng kuya Brandy niya sa iba pang sasabihin niya.
Ginaya pa nito ang tinig ni Mike Enriquez sa tuwing magbabalita sa bente kuwatro oras.
“Hindi ka lang ang anak na babae.”
“Tumigil ka nga,” naiinis na sabi niya sa kapatid niya.
Ngumisi lang ito kaya wala na siyang nagawa kundi ang ibaling ulit ang atensiyon sa mommy nila.
“Mom, ayoko sa lahat ng niloloko ako kaya never ko na talaga siyang babalikan pa.”
“Tama lang ang sinabi mo, Xenia Jean. Hindi ka dapat nagpapaloko,” dagdag pa ng daddy nila.
Napangiwi siya. Parang gusto niyang mahiya sa mga magulang niya. Ang lakas pa naman ng loob niya na magtampo sa mga ito, iyon naman pala ay niloloko lang siya ni Leo.
“Mommy, daddy, sorry, ha? hindi ko naman alam na manloloko pala siya.”
“It’s okay, baby girl, hindi mo naman kasi alam na ganoon pala siya.” nakangiting tugon ng daddy niya.
“At ang paalala ko sa'yo, ha? makinig ka sa amin ng daddy mo. Lalong lalo na sa akin dahil hindi ka ipapahamak ng instinct ko. Ano ba ang sabi ko sa'yo noong ipakilala mo sa amin si Edison—”
“Mom,” saway ng kapatid niya sa kanilang ina.
Iglap lang ay nagkaroon na ng tensiyon sa hapagkainan. Siya naman ay tila parang naestatwa na dahil halos hindi siya makagalaw. Gulat na nagpalipat lipat lamang ang tingin niya sa mommy at kuya Brandy niya.
“Sorry,” nakangiwing turan ng kanilang ina.
Pilit na ngumiti siya at nagkunwari na abala sa paghigop ng kape. Simula nang masaktan siya sa dahil sa paghihiwalay nila ng unang nobyo niya ay iniwasan na ng pamilya niya na pag usapan ang nakaraan.
Ipinilig niya ang ulo para pilit na pakalmahin ang sarili. Marinig pa lamang niya ang pangalan ni Edison ay para nang nadudurog ng pino ang puso niya. Ano pa kaya kung muli niya itong makita?
“Tara na Jean, baka malate na ako sa meeting namin,” baling ng kapatid niya sa kaniya.
Nang tumayo ito ay mabilis na kumilos na siya. Nagpaalam siya sa mga magulang at sumunod na sa kapatid.
“Kuya pwede mo ba ako ulit turuan na magdrive sa sunod para hindi mo na ako naaabala pa?” tanong niya nang sumakay na siya sa passenger seat.
“Aba! ikaw pa ang naaabala ko? hoy! Xenia Jean, mahiya ka nga sa—teka nga nakakainis ka na talaga. Sinabi ko na sa'yo na ‘Ate’ ang itawag mo sa akin. Ang tigas ng ulo mo, kaya ka pala nauuto eh.” nagsisimula pa lamang itong buhayin ang makina ng sasakyan ay kutang kuta na ito sa pagtatalak sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SUKI DAKARA (COMPLETED)
RomanceSuki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang saki...
