9

4.2K 90 0
                                    

Lumipas ang isang buong linggo na walang ibang ginawa si Edison kundi ang suyuin si Jean. Madalas na bumibisita ito sa flower shop at may bitbit na pagkain para sa kaniya. Ang sabi nito ay binabawi lamang nito ang mga taon na nagkahiwalay sila kaya naging determinado ito sa panunuyo.

Kagaya na lamang ngayon na nasa flower shop siya at nagbabantay. Bigla itong sumulpot at may dalang mamahaling tsokolate. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Natutuwa man siya ay hindi iyon naging sapat para manatili ang ngiti niya sa buong maghapon.

“Bakit naman nag abala ka pang bumili ng ganitong tsokolate, ang mahal nito.” sabi niya ng ibigay nito sa kaniya ang pasalubong.

“Babe naman eh, 'di ba nga bumabawi lang ako sa'yo dahil noong nag aaral pa tayo ay wala man lang akong naibigay sa'yo.” anito at napakamot sa ulo.

Tumango siya.

“Salamat..” malapit na rin magsara ang store kaya ilan minuto na lamang ang hihintayin nito. Tinawagan siya nito kanina at inanyayahang mamasyal. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay isinara na nila ang flower shop. Nakita niya sa labas ang isang kulay itim na sasakyan.

“Inalok sa akin ng kumpare ko, hindi ko naman matanggihan dahil kailangan daw ng pera para makapag abroad ulit siya.” tugon ni Edison nang mapansin ang pagtataka sa mga mata niya.

Kahit papaano ay natutuwa siya. Naging makabuluhan naman pala ang pag alis nito noon dahil nakapagpundar na ito ng gamit.

Sa isang malaking parke niya piniling mamasyal kasama ito. Ang gusto pa sana nito ay kumain sila sa isang mamahaling restaurant pero tumanggi siya. Hindi naman siya nagugutom at wala rin siyang gana na magtungo sa mga sosyal na lugar ngayon.

“Okay ka lang?” tanong ni Edison sa kaniya nang maupo sila sa isang sementadong upuan.

“Oo,”

“Naalala mo ba noong kabataan natin madalas na sa ganitong lugar tayo magpunta? palagi naman kasi akong walang pera noon kaya hindi kita maisama sa mga sosyal na kainan. Pero ngayon..”

Nagulat siya nang abutin nito ang isang kamay niya. Kinintalan nito ng magaang halik ang ibabaw ng palad niya. Gulat na nag angat naman siya ng tingin dito. Para siyang biglang napaso dahil mabilis na iniiwas niya ang palad niya. Nagtatakang tumingin ito sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin sa binata.

Hindi na kagaya ng dati na kinikilig siya sa tuwing naglalambing ito. Sa paglipas ng panahon ay parang nagbago na ang reaksiyon ng katawan niya kapag ganoon na nasa malapit lamang ito.

“K-kumusta na ang mga magulang mo?” pilit na inilihis niya ang pinag uusapan nila.

“Okay naman sila. Gusto ka na nilang makita ulit.”

Napangiwi siya. Kailan pa siya ginustong makita ng pamilya nito? Sa loob ng ilang taon na naging kasintahan niya si Edison ay walang ginawa ang pamilya nito kung hindi ang magpasaring sa kaniya.

Maarte daw kasi siya. Minsan kasing kumain siya ng nilutong ulam ng nanay ni Edison ay nagsuka siya. Nainsulto marahil ang matanda dahil hindi daw niya nagustuhan ang pagkain na iniluto nito. Magmula noon ay panay pasaring na ang narinig niya. Sa tuwing makikita siya ay magsisimula nang magdabog ang nanay ng binata.

“Ang sabi ko sa kanila ay sa sunod na linggo baka isama kita sa bahay. Tiyak na matutuwa sila nanay.”

Eh?

“G-ganoon ba..” tanging nasabi niya. Nag angat siya ng tingin sa langit nang magsimula ng kumalat ang dilim.

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Edison. Yumuko ito at mabilis na hinalikan siya sa kaliwang pisngi.

SUKI DAKARA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon