"MISS, okay ka lang?”
“Uh?” isang mahinang ungol lamang ang namutawi sa mga labi ng babae. Naiinis na napabuntong hininga si Zac ng wala siyang makuhang sagot mula dito. Dahil kanina pa niya ito hindi magawang gisingin ay napilitan siyang dalhin ito sa mismong apartment niya.
Nahilot niya ang sentido ng wala sa oras. Ipinarada na niya ang sasakyan sa labas ng apartment. Pagkababa niya ng kotse ay lumipat siya sa kabila at binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang babae habang kontento pa rin ito sa pagtulog.
“Great,” naiiling na turan niya.Sa kagustuhan niyang umiwas na muna sa pamilya niya para hindi masyadong mailang ang mga ito dahil sa nalalapit na pagpapakasal ng kakambal niyang si Kurt ay nagdesisyon siya na umupa na lang ng apartment. Hindi sumang ayon ang kaniyang ina noong una. Kung hindi pa siya pumayag na ibigay dito ang duplicate key ng apartment niya at sa kondisyon na bibisitahin siya nito madalas ay hindi niya pa mababago ang isip ng ina.
“Miss, kaya mo bang maglakad? kailangan na nating pumasok sa loob ng apartment ko dahil masyado ng malamig dito sa labas.” marahang tinapik niya ang pisngi ng babae pero tanging ungol lang ulit ang naging tugon nito.
Muli ay napabuntong hininga siya. Kahit nagdadalawang isip ay wala na siyang nagawa kundi ang pasanin ito sa likuran niya. Sa gate pa lamang ng apartment niya ay halos pangapusan na siya ng hininga.
Hindi siya mahilig sa kahit anong sports kaya ang katawan niya ay hindi batak sa kahit anong trabaho. Para sa kagaya niya na isang freelance computer programmer ay mahirap ang ganoong gawain dahil para na rin siyang may pasan na isang sakong bigas sa likuran niya.
“Miss?” hinihingal na sambit niya matapos niyang marinig ang mahinang pag ungol ng babae.
“Edison?” ungol nito.
“Sinong Edison?”
Basta na lamang ito pumalahaw ng iyak. Itinago nito ang mukha sa likod niya habang humihikbi.
“S-sabi mo ako lang… bakit mo ako iniwan?”
“Ha?”
“B-bakit mo ako ipinagpalit sa iba?”
“Miss?”“I hate you… pero.....pero mahal na mahal pa rin kita. K-kung babalik ka ulit tatanggapin naman kita eh. Wala akong pakialam kahit magalit pa sa akin sila daddy. Basta bumalik ka na please?”
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng awa sa babae habang umiiyak ito. Bawat salitang binibitiwan nito ay tumatagos sa puso niya.
Nasaktan din siya. Pareho kaming nasasaktan kaya dapat lang ay intindihin ko siya..
Pumasok na sila sa loob ng apartment niya at kahit hinihingal ay pinilit niyang akyatin ang mataas na hagdan at dinala ito sa nag iisang silid sa itaas.
“Edi—son!” malakas na ungol nito matapos niya itong ihiga sa malaking kama. Mabilis na tinakpan niya ng kumot ang makinis na mga hita nito.
Kinakapos ng paghinga na kinuha niya sa drawer ang gamot niya at uminom ng ilang pirasong tabletas. Mahinang hinampas niya ng isang palad ang kaliwang dibdib dahil napakabilis na ng tibok ng puso niya.
Hindi sinasadyang sinulyapan niya ang babae nang muli itong umungol. Napansin niya na basang basa na ng pawis ang katawan nito. Kung hahayaan niya ito ay baka matuyuan ito ng pawis at magkasakit.
Nagtungo siya sa cabinet at naghanap ng t-shirt na maaari niyang maipasuot sa babae. Pumili siya ng malaking tshirt at agad na nilapitan ito.
“Miss?” naupo siya sa gilid ng kama at niyugyog ito sa balikat.
BINABASA MO ANG
SUKI DAKARA (COMPLETED)
RomansaSuki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang saki...