10

6.2K 172 7
                                    

“Sige! umbagin mo ang lalaking iyan! dapat lang sa kaniya ay ibitin ng patiwarik dahil manloloko siya!”

“Kuya!” nahintakutan si Jean nang makita ang kapatid sa labas ng gate nila. Sa halip na umawat ay parang tuwang tuwa pa ito sa pag aaway ng dalawang lalaki.

“Brandiyo! bakit hindi mo sila awatin?” kunot noong sabi dito ng daddy nila.

“Naku, daddy para namang kaya ko,” nakangiwing sabi nito.

“Inday kunin mo ang pompoms sa loob. Madali ka! kailangan nating icheer ang fiancée ng mam Jean ninyo.”

“Eh, sir,” napakamot sa ulo si Inday.

“Kuyaaaa!” malakas na tumili siya nang sumadsad sa paanan niya ang walanghiyang ex boyfriend niya. Kung pwede lang niyang sipain ito sa tiyan ay ginawa na sana niya kaya lang ay natauhan na siya. Gising na gising na siya sa katotohanan na wala na siyang pakialam pa dito kahit kailan.

“Bakit ba kasi nandito ka pa?” asik niya sa lalaki.

“G-gusto kong humingi ng sorry sa'yo kahit alam ko naman na imposible—”

“Alam mo naman pala na imposible bakit hihingi ka pa ng sorry? anong tingin mo sa sorry ko? mainit na tubig na pwede mong hingiin sa kapitbahay ninyo?” nakataas ang isang kilay na turan niya.

“That’s my girl.. OMG daddy! hindi na brainless ang iyong second daughter!” tili ng kapatid niya.

“Alam mo—ay!” napaatras siya nang tumama ang tungki ng ilong niya sa likod ni Zac. Humarang pala ito sa harap niya para huwag na niyang kausapin pa si Edison.

“Huwag mo na siyang tingnan at kausapin pa!” naiinis na sabi ni Zac sa kaniya. Hinihingal pa ito at parang bata na maaagawan ng laruan na tinatakpan siya. Gulat na napahawak siya sa laylayan ng damit nito.

“Zac..” lumulubo ang pusong anas niya. Kung alam lamang nito kung gaano siya nangulila sa loob ng isang linggo na hindi niya ito nakasama.

“Mahal kita Jean maniwala ka.. minahal kita.” sa pagitan ng pag ubo ay nagsalita si Edison.

Napilitan siyang sumulyap dito pero hinila lamang ulit siya ni Zac at itinago muli sa likod nito.

Ngayon ay natuto na ang binata na ipagdamot siya at hindi nakakainis ang dating niyon para sa kaniya. Para siyang lobo na unti unting nauubusan ng hangin sa katawan maisip pa lang niya na nagseselos ito.

“Umalis ka na nga! bugbog sarado ka na nagmamakaawa ka pa!” taboy ng kuya Brandy niya kay Edison.

Humarap naman sa kaniya si Zac. Putok ang mga labi at may maliit na pasa ito sa kaliwang pisngi. Bumaha ang pag aalala sa buong mukha niya. Tiyak na masakit ang tinamo nitong sugat.

“Zac..” hinaplos niya ang magkabilang pisngi nito.

“Okay lang ako.. huwag mo akong intindihin. Ikaw? may masakit ba sa'yo? oh god! I’ve missed you.” sinapo nito ang mga pisngi niya at pinaliguan ng munting halik ang buong mukha niya.

“Ang gusto ko lang naman ay makausap ka kahit ngayon lang. Please, Jean?” narinig niyang sabi ni Edison. Napabuntong hininga siya at napilitang bumitiw kay Zac.

“No way!” angal nito nang magtama ang mga mata nila.

Nahulaan marahil nito na plano niyang kausapin ang dating nobyo para matahimik na silang lahat. Punong puno ng pagseselos ang mga mata ni Zac at animo ay natatakot itong mawala siya sa paningin nito nang pigilan nito ang isang kamay niya.

“Yes way..” sabi niya.

Ngumiti siya kay Zac para iparating dito na hindi siya mawawala kailanman sa tabi nito. Ang sabi nga ng kapatid niya, hindi na siya brainless kaya bakit hahayaan niyang masayang ang pagmamahal nito.

SUKI DAKARA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon